Mia’s POV. “People of the Philippines versus Herson Henriques 34 years old single and a Filipino-Portuguese Citizen is hereby given the final verdict,” Panimulang pagbasa ng Court reporter. Itinuloy nito ang pagbabasa. “Noong gabi ng ika-walong araw ng Abril ay nagkaroon ng pagtatalo ang akusado at ang biktima na dati niyang asawa. Nauwi pa ito sa pananakal dahil sa sobrang galit. Lumabas ang akusado sandali sa loob ng kanyang opisina kung saan naiwang mag-isa ang biktima. Pagkalabas ng akusado ay siya namang pagkawala ng kuryente sa buong lugar—at nang bumalik na ang kuryente ay naroon na siya sa harap ng walang buhay na katawan ng biktima. Ang mga ebidensiyang iprinisinta sa hukumang ito sa pamamagitan ng kuha mula sa CCTV footage ang naging patunay sa nangyaring krimen.” Napakunot-no

