Mia’s POV Hindi ko alam kung anong oras na. Napamulat ako ng mga mata at napagtantong umaga na. Napabangon ako sa kinahihigaan ko at lumabas ng kwarto. Walang tao roon kaya’t naisipan kong lumabas ng bahay. Nadatnan kong naroon sa cottage ang mga kababaihan na may pinagkakaabalahan. Napansin naman ako kaagad ni Aling Neliza kaya tinawag niya ako. “Uy Mayang! Halika rito!” sigaw nito na nakakampay rin. Lumakad naman ako palapit sa kanila at nang makarating ako ay nakita kong nag aasin sina Aling Neliza, Aling Besing, Aling Angie at Aling Rosemarie ng mga isda. Iyong mga dalagang anak naman nila na si Claudine at Christina ay nagbibilad ng mga isdang inasinan. “A-ano pong ginagawa niyo?” tanong ko. “Ah, gumagawa kami ng tuyo,” sagot ni Aling Besing. “Ahh,” sagot ko naman. “Kumakain ka

