Rennei.
"Te ayaw mo talagang sumama sakin?"Tanong ko sa ate ko.
"Di muna, next time nalang" sagot nito.
dalawa nalang kaming mag kapatid ang naiwan sa pilipinas ang tatlo ko pang kapatid nasa dubai dun nag wowork. Nag wowork din dati dun tong ate ko na kausap ko ngayon kaso, Yun nakalunok ng sinumpang na may halong mahiwagang pakwan at umuwi.
"Wala kang balak mag work?"
"Meron pero di muna ngayon, kasi di ko maiwan si kyrie, wala naman mag babantay sa kanya pag nag trabaho ako" si azilyn.
"Ay ne, mag aaral na ang anak mo, wala ka pang work, Pano yan mag aaral kung wala kang pera?" Tanong ko sa kanya.
Sa totoo lang kahit pangalawang panganay si ate ko at bunso ako saming mag kakapatid. Kung umasta ako kala mo matanda pa ako sa kanya, naiinis lang kasi ako eh, mag aaral na ang anak nya di nya pa naeenrol, tapos gusto sa private, eh wala naman syang work san sya kukuha ng pambayad dun? Kung nag iisip kayo kung asan ang asawa ni ate ko? ayun ginawang bala nang kanyon sa saudi at yun sumakabilang bakuran na nang ibang bahay. Sadlife ne? Pero kailangan tanggapin.
"Pag nagka work na ako, ako mag bibigay ng baon sa anak mo, pero ate kailangan mong mag hanap buhay di yang puro ka ol games ng ol games, di ka yayaman dyan, kaya tinigilan ko na din yan. Kung ikinakayaman lang sana yan kahit ako pa mag pa internet sayo araw araw gagawin ko, kaso di eh. Imbis na maka ipon ka nagagastusan ka pa sa load mo tsk" Ako.
"Oo rennei, umalis ka na baka inihintay ka na nila nikki, iwanan ka pa at maligaw ka sa gapo may pagka tanga ka pa naman"
"Tse eto na aalis na, paki sabi nalang kay ma umalis ako ne, nag paalam na ako kanina ge bye na"
"Tao po!" Sigaw ko sa labas mg gate nila nikki.
Kanina pa ako sigaw ng sigaw sa labas nila at katok ng katok, nag tatahulan na nga mga aso nila di pa ako naririnig letse yan.
Maya maya sumilip yung kapatid ni nikki, at maya maya din lumabas si nikki at papungas pungas pa kakagising palang. nag mamadali pamo akong pumunta sa kanila kasi imbis na 6 am dapat andito na ako.
Pero 6:30 na ako naka punta, At ang may topak kakagising lang.
"Oy be bat di ka pa naka ayos?" Nagtatakang tanong ko dito habang binubuksan nito ang gate.
"Ay be ang sakit ng braso ko kahapon pa, sobrang sakit nga nito kagabi di ko maigalaw" nikki.
"Anyare ba?, baka sa isang side ka lang kung humiga" Ako.
"Di be, Ang sakit na nga nito kahapon sinuntok pa ni lyra"
napakunot noo ako sino un.
Nang mabukasan na nito ang gate pumasok kami sa kwarto nito.
"Sinong lyra?"
Ako.
"Classmate ko ng highschool, Pumunta kami kina sei kahapon kinasal na"
nikki.
Si sei classmate din namin ng college at ng second sem din ng 1st year nag stop financial problem. Kaya medyo gulat din ako eh halos kaeedaran ko lang yun.
"Si sei kinasal na? Wow" ako.
"Oo nga, taba nya nga eh, pinapapunta kayong dalawa ni elize di kayo nag punta" nikki.
"Wala nga akong internet eh, kaya kung nag chat ka man kanina di ko makikita nasira pa letseng cp ko" ako.
"Ahahah, sabi ko nga kay elize bukas na lang kasi ang sakit ng braso ko kanina, Sabi ko sa kanya i chat ka, pero medyo ok na braso ko ngayon nilagyan ko ng katyalis tapos binalot ko sa kumot ko para pag pawisan medyo nawala na"
nikki.
(Ahhh. Pwede na palang mag albolaryo si nikki)
"Ano tuloy pa tayo?" Ako.
(Ina, kung di kami tuloy sayang pag gising ko ng maaga at paliligo ko, lameg pamo ng tubig, at tong letseng porma ko sayang din hahaha)
"Sige i chat mo si elize sabihin mo maligo na liligo na ako"
(Thanks God)
"Pahiram ng pang chat, at maligo ka na nga anong oras na oh" ako.
"Loko, ngayon lang ito ikaw nga dyan eh laging late, makabawi man lang ako sayo hahah" nikki.
"Oo na be. oo na, kaya maligo ka na"
7pm.
Kakauwi lang mula gapo. tangina yan, na 600 ako!, wala man nangyari sa lakad namin kundi isang papel na binayaran ko para sa nbi at yun lang.
Nag pakalat kalat kami sa mall, nag sine kumain at na 600 hahaha, buti nalang lagi akong binibigyan ni tita ko ng pera.
At di na ako nag hihingi sa mga magulang ko kasi di naman nila ako bibigyan ng pera eh, kuripot.
So ang natitira ko nalang pera 7400 pa, siguro yung 400 na natitira naipon ko mula sa pagaaral at yung 7k galing sa tita ko na lagi akong binibigyan at naipon ko.
"Oh bat ngayon ka lang? Gumala ka lang eh"
Sabi ni mama ko.
(Si mama no, ginabi lang gumala agad? Pero totoo)
"Hindi no, pinapabalik kami bukas nag shut down kasi system nila" ako.
"Nag sine lang kayo" si mama.
"Ma syempre pag ganun mag sisine kami di naman mawawala yun nakowwww"
Pagkasabi yung pumasok na ako sa loob ng bahay. sumalubong agad sa sakin si maexia aso ni ate ko na ako na ang nag aalaga so in short baka aso ko na.
"Maexia, maexia, baby ko" sabi ko at kinuha ko sya at pinag didilaan ako.
I love this dog so much. Sa sobrang love ko sa kanya minsan nga sinasabi nila tatay mas mahal ko pa sya kesa sa pamangkin ko. Nang pagtingin ko sa paligid ang kalat, mga laruan ng pamangkin ko nasa lapag bolang laruan na platic at kung ano ano pa.
Ang mga plato naka tambak, Yung feeling na gusto mong magwala at wala pang sinaing.
(Tang ina! tang ina! Nakakainis na itong ganto lagi! Hihintayin ka pa para mag hugas at mag saing kakainis! Buset!)
Bulong ko sa isip ko, kahit naman sino mapapagod sa ganto eh, araw araw nalang nga damit namin naka tambak din, san ka pa? Nilabhan mo na nga, gusto pa ata ako mag tupi, juicecolored!, Hustisya naman sakin please!.
Nakaka iyak na nakakainis!, Nag bihis na ako at nag hugas ng plato, after 30 mins siguro natapos din nag saing at nag walis, dati kasi may kasama kami sa bahay katulong, Kaso mas tamad pa samin, Kaya kick. Tagal na samin nun kaya tinamad na eh, Itinuring na namin parang kapamilya,
(Kaso gusto pala kapuso ayaw ng kapamilya tsk)
Kaso umabuso dahil sa mabait ka sa kanila.
At eto namang si ate ko di man mapulot mga laruan ng anak nya. Imbis na iligpit ang kalat andun sa kwarto namin, nakahiga habang nag lalaro sa cp nya. Anak naman nito nag tatablet sa tablet ni lola nito. Nakaka inis lang ne?.
"Oh andyan ka na pala, kanina ka pa?"
Hindi ko sya kinibo, naiinis kasi ako sa ate ko eh. Umalis ako mula sa panonood ko ng asia's next top model at pumasok sa kwarto namin, Namin. Kasama ko sa sya sa kwarto, pati anak nya ganun talaga sama sama para matibay lol.
At yun nga, Ayoko ng may kausap naiinis lang ako baka kung ano pa ang masabi ko. Narinig ko pa syang nag tatanong sa mama namin kung napano ako, Letseng buhay to. Pag nayari mga nilalakad ko mag aapply ako sa malayo.
(Yung feeling na yung kapatid mo ang tamad tamad, tas sasabihin pa nila na mas matamad pa ako sa kanya, Ganunan?)
After 1 week kumpleto na lahat nga kakailanganin ko para sa pag aapply.
"Ma mag aapply ako sa manila" biglang napatingin sakin si mama ko.
"Manila? Bat ang layo naman?, dyan ka nalang sa ecopark"
"Ayoko dun gusto ko sa manila" ako.
"San ka mag aapply dun?" Mama.
"Kasama ko naman si ate krizia eh"
Pamangkin ni tatay ko si ate krizia.
"Ay wag ka sakin mag paalam sa tatay mo"
"nasabi ko na bahala daw ako" ako.
"Ay bahala ka, malaki ka na"
"Oo naman 18 na kaya ako"
"Kaya mo dun?" Si mama.
"Oo naman no" ako.
Pero sa totoo nyan gusto kong umurong at wag ng mag patuloy pero everytime na iniisip ko yun, ayaw kong ma istock sa bahay tulad ng ginagawa ng ate ko. na gusto pang mag laro ng online games kesa sa mag lakad ng papel, hahayaan ko sya sa trip nya. letseng Ml na yan!
After 5 weeks.
Manila.
"Ate krizia, wag mong sasabihin na di mo ako kasama sa work ne?" Ako.
"Huh? Bakit di ka mag aapply dito?" Si ate.
"Hindi eh, gusto ko munang mag gala, I'll be fine, i promise"
"Oy rennei ah baka kung mapano ka" si ate.
"Hindi no, ok lang ako mag gagala lang naman ako tapos babalik din dito, after one month siguro andito na ulit ako, mag eexplore lang ako sandali hahaha" ako.
"Oy loko delikado na panahon ngayon baka mapahamak ka, may pera ka ba?" Si ate.
"Oo ate pinadalhan ako ng mga ate ko 10k" ako.
"Oh cge, basta mag iingat ka, san ka ba pupunta?"
"Kahit saan ako mapunta, ibang gamit ko iiwanan ko na dito babalik din naman ako kung sakali kahit hindi na after one month hahahah mga weeks lang siguro ako" ako.
"Baliw ka loko, pag hinanap ka nyan nina tito yari tayong pareho, Kailan ka ba aalis?" Ate.
"Hindi yan, basta sabihin mo lang busy ako sa work, babalik din naman ako kaagad kala mo naman mayaman ako, gagala lang sandali explore ayaw mong sumama? Mamayang nang madaling araw hahaha" ako.
"Ah sige basta mag iingat ka ah, mag text ka sakin kaya mag chat, alam ko di ka nag loload at nasira mo na pala cp mo baliw, sige na mag wowork na ako" ate krizia.
"Hahaha, oo pag naka connect ako sa wifi, chachat agad kita dont you worry, sige ingat ka, muah muah muah bye!"
Call center kasi si ate krizia kaya medyo gabi na kung umalis na at umaga na uwi nya, ayaw ko ng work na yun matakaw ako sa tulog baka ma fireout agad ako kung nakatulog ako.