Chapter 3

1467 Words
Rennei. "Stop over po muna po tayo, yung mag totoilet po at bibili ng pagkain bumili na po. may 45 minutes po kayo after 45 minutes balik po ulit dito sa bus. konting tiis nalang po nasa vigan na po tayo" Sabi ng tour guide namin. hahaha syempre gagala muna ako sa vigan di pa ako nakaka punta dun kahit minsan, pag nagka pera naman ako sa cebu or sa palawan na punta ko. at sa totoo nyan kanina ko pa tinitiis tong letseng ihi ko eh. Kaya nang huminto na ang bus unang una akong nakipag siksikan pababa. Kaagad agad akong naghanap ng restroom. At pagkatapos nag gala gala muna ako at humanap ng makakain at kung anong mabibili. At dahil nalibang ako sa kakagala at kaka tingin hindi ko namalayan na halos mag iisang oras na, tang ina! Nag mamadaling umalis ako sa mga tinda tinda na nasa paligid, at medyo nahaharangan pa ako ng mga taong dumadaan, in short na traffic pa ako. At nang maka singit ako patakbong tumawid ako ng sa daan, ni hindi na ako tumingin sa left and right diretso lang bess para swabe. Sa totoo lang nawala sa isip ko yun nataranta na ako ang nasa isip ko lang bilisan mo rennei, bilisan mo. kasi late na late na ako di ko lang alam kung di pa ako iniwan ng service bus nayun. Letse kasi ka tsismisan at katakawan at takaw tingin ko eh. At dahil nag mamadali ako, hindi ko napansin yung paparating na sasakyan. Bumisina pa ito pero huli na, dahil na din siguro sa gulat at pagka taranta, napahinto ako at tulala at nanlalaki ang mata na nakatingin sa paparating na sasakyan. Napahugot ako nang malalim na hininga. At ang huli kong narinig ay ang malakas na pag preno ng sasakyan bago nagdilim ang lahat. Nang magising ako, pinakiramdaman ko muna ang paligid ko, bago ko dahang dahan minulat ang mga mata ko, puti lahat ang nakikita ko. (Tangna nasa langit na ata ako) Tumingin tingin ako sa paligid. (Ay hindi, mukhang hospital to) Nasa hospital nga ako. pinakiramdaman ko ang aking sarili kung saan bahagi ng katawan ko ang masakit, ang ulo ko may parteng medyo masakit. At ng tingnan ko ang katawan ko meron akong galos at bugbug. Anyare sakin?. Napakunot noo ako, at inisip kung anong nangyari sa sakin. At ng maalala napahugot ako ng hininga. (Oh god! muntik na akong mamatay) Bigla akong natakot syempre nasa lugar ako na di familiar at walang nakakakilala sa akin at na disgrasya pa ako. (Anak nang askal naman, ano ba itong katangahan at kabobohan ang pinaggagawa ko?, Kala ko pa naman bobo lang ako sa math) At kung ano anong pumapasok sa isip ko. Kung pano ko babayaran ang hospital na ito na mukhang mamahalin, kung pano ko makokontak ang pinsan ko, kung yung mga gamit na dala ko nasa bus pa din. at yung wallet ko di ko alam kung nasan na, naiiyak na talaga ako, pano na nyan?, paano ako nito jusko. Sa dami nang iniisip ko medyo nagulat pa ako ng biglang bumukas ang pinto ng room. Kinakabahan ako. Kasalanan ko kung bakit naka hospital ako ngayon. Isang magandang medyo may edad na babae ang pumasok sa kwarto, pag kakita sakin ngumiti ito at nilapitan ako, sophisticated na sophisticated ang kilos nito, at mukhang mamahalin lahat ang suot nito, at pang formal ang suot nitong dress. Makinis din ang balat nito na kala mo alagang alaga sa clinic at neat and clean ang pag kakaayos ng buhok nito at naka heels pa, mayaman. Sa isip isip ko. "Hi, how are you?" Malumanay na tanong nito sakin. Naloko na english, hindi naman sa bobo ako sa english, pero ayaw ko lang talagang nakikipag usap ng english sa kapwa ko pilipino, naiilang ako parehas kaming pilipino kaya dapat mag salita kami kung anong native tongue namin. Alinlangan na ngumiti ako dito. "Ok naman po, sino po kayo?" Tanong ko. "I'm the owner of the car that hits you, you sure you're ok?" Nagulat pa ako eto pala may ari nun. Bigla akong kinabahan ano ba naman kasi tong napasukan ko na ito. Yari ako neto. Kailangan ko ng kontakin ang pamilya ko. Hindi na maganda tong napasukan ko na to. Disaster nakow nakow nakow. Yare ako neto. "Miss ok ka lang?" Tanong ni miss beautiful. "Po?" "Hindi ka nakaka intindi ng english?" Tanong ni miss ginang "Huh?" Gulat na tanong ko dito. Nagulat ako sa tanong nito. Dahil ata madami akong iniisip at di masyadong nakaka sagot. Akala nya ata di ako nakaka intindi ng english. Ahahah what a life. Ngumiti lang yung ginang sakin. "San ka ba naka tira?, papahatid nalang kita" sabi nang beautiful ginang. Napa nganga ako, asan na ba yung wallet ko? Ayaw ko naman umuwi samin, boring dun, at ayoko ko pa naman bumalik sa manila. Gusto ko munang pumuntang vigan, gusto kong mag galagala. Ngayon lang ako nag ka freedom ng sobra na walang bumabawal sakin. Hahayaan ko bang ma stop na yun. Napatingin ako sa ginang na kanina pa pala ito nag sasalita wala akong narinig sa sinabi nito kasi busy akong kinakausap ang sarili ko may sarili kasi akong mundo eh. Kaya tumango tango nalang ako. Bahala na. "Miss, san ka ba nakaitira dito?, taga dito ka ba?" "Hindi po, di po ako taga dito, nag hahanap po akong trabaho" sagot ko. (Wow!, galing kong mag sinungaling. Partially lang naman) Napakunot noo ito. Habang tinitingnan ako. "Taga saan ka ba?" Si ginang. "Taga bataan pa po ako maam" ako. Nagulat ito sa sinabi ko taga bataan naman talaga ako eh layo no?. "Oh, ang layo layo mo naman. Pano ka napunta dito sa ilocos?" "Ummhh, nag hahanap po akong work sa manila, pero dahil po gusto kung gumala kahit minsan lang po naisipan ku pong pumunta dito." ako. Little white lies. Pero halos totoo naman. kung anong naisip ko yun nalang lumabas sa bibig ko. "So you're looking for a job?" Si ginang. Kinagat ko ang loob ng pisngi ko, f**k. what should i say? "Po?" Jusme ano sasabihin ko?, ano? Ano? Ano?, mag sisinungaling ba ulit ako? "Nag hahanap ka ba ng trabaho or gusto mo ng umuwi sa province nyo?" Si ginang. "Nag hahanap po ako ng trabaho, ayaw ko pa pong umuwi sa bataan, gusto ko po munang tulungan ang mga magulang ko po" ako. (Abusuhin ang pagkakataon hahaha) Im sorry lord, im sorry, bulong ko sa isip ko habang naka cross fingers. Bat ba ako nag sisinungaling? Hindi ko din alam. Baka matulungan ako nitong mag hanap ng work kahit papaano, maka pag stay ako dito kahit kailan ko gusto, malapit sa vigan, at gagala ako, walang makaka pigil sakin. "Kung nag hahanap ka nang trabaho, i can offer you a job. Pero kung gusto mong umuwi, ipapahatid kita" "Ayaw ko pong umuwi, kailangan ko pong humanap ng trabaho po" Tumango tango ito. Habang pinakatitigan ako nito. "Ilang taon ka na?" Tanong nito sakin. "18 po" "Anong pangalan mo?" "Isla mendoza po" ako. Nag sinungaling nanaman ako. rennei isla totoong pangalan ko. "Ok isla, may place ka ba na pwedeng pag stay dito?" "Wala po eh kakadating ko lang po dito" ako "Kung ganun isla, you can stay sa house, and ooffer kita ng job, bilang assistant ko, kung gusto mo lang." Napatulala ako assistant?, ok na yun basta mag stay muna ako dito. Nakaka pag stay na ako dito may work pa ko at may free place pa ako. San ka pa edi dito ka na. "Sige po, tinatanggap ko po maam, pero di po ba kayo nababahala na baka masamang tao ako or something?, uso na po masasamang tao ngayon" "So ok then, mag tratrabaho ka sakin bilang assistant ko. Stay in ka. Pag uusapan nating ibang detalye pag ok na ang pakiramdam mo, for now kailangan mo munang mag pahinga, and about sa tinatanong mo kung nababahala ako na baka masamang tao ka? I trust my instinct and my instinct trusted you " si ginang. Wow ang bait bait nya. At nakokonsensya ako at the same time. Kung nag sinungaling ako para sa ikabubuti ko Manggagantso na ba ako nun? Oh god This is crazy. "Maraming salamat po maam" Ako. Tumango tango ito habang naka ngiti. Nasan na kaya ang wallet ko?, yung bag ko ma rereturn pa ba sa manila yun andun atm ko, pero yung cash na 5k asa wallet. Sayang din un. "No worries, Kasalanan ko naman ang nangyari sayo, kaya better na i offer kita ng work. And by the way, i am cecilia strattan" naka ngiting sabi nito. (HUWATTTTTT?????) Napanganga naman ako. Habang gulat na naka tingin dito da f**k! Strattan? it could be????, hindi naman siguro. laking lugar nito. Malabo yun at hindi lang naman sila ang strattan dito. Kaya malayo un at mayaman na mayaman ang mga iyon. Si magandang ginang mukhang mayaman na mayaman din sa itsura palang nito pwede ng isangla. Pero malabo talaga iyon, kasi malayo sila sa lugar na ito. Ngumiti nalang ako dito at tumango tango. Never mind.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD