Rennei.
Ilang araw na din akong nandito sa mansion ng mga strattan. At di nga mali hinala ko. Sya nga ang ina ni josiah eli strattan. Yung crush ko na naka follow ako lahat sa sss, twitter at i********: nya. Tang ine, imagine. Small world.
magaling na din naman ako, yung mga galos ko medyo nag fafade na din sila. At simula bukas mag uumpisa na akong mag trabaho kay cecilia strattan, ina ni eli. At di man sinabi sa akin ni maam cecilia na anak nya si eli, nakita ko lang sa family picture ng mga ito na naka display.
Kaya dun palang alam ko na. At buti nalang wala ngayon ang mga anak nito. Nasa europe ang mga anak nito dun nag aaral, sosyal ne?. Kaso di ko alam san parte ng europe sila nag aaral. Tatlong lalaki ang anak ni maam cecilia, at si mason lang ang kilala ko. Syempre sya lang sumikat sa mga kapatid nya eh. Nakowwww.
"Knock! Knock!"
Sigaw ng nasa labas, asa guestroom kasi ako. Nag mumuni muni, mula ng dumating ako dun na ako natutulog.
Di ko lang alam kung babaguhin ni maam cecilia ang kwartong tinutulugan ko pag nag work na ako sa kanya.
Lumakad ako pa punta sa pinto at binuksan yun. Si grace. Anak ni manang selya, yung mayordoma ng mansion.
"Oh grace ikaw pala. Bakit?" Tanong ko.
Ngumiti ito ng maluwang.
"Pinapasamahan ka sakin ni maam cecilia, punta daw tayong mall, bili tayong mga gamit na gagamitin mo!"
Excited na sabi ni grace, na iki na tanga ko naman. s**t ano ba naman tong napasukan ko.
"Hindi ba nakakahiya yun grace, sobra sobra na nga yung tulong nya sakin eh, nakakahiya na yun." Ako.
At nakokonsensya na ako sa mga iba kong kasinungalingan.
(Lord patawarin nyo po ako sa mga kasinungalingan ko. Di ko naman po sinasadya eh, ay sinadya ko po pala -50 sa heaven.)
Bulong ko sa isip ko.
"Dapat nga si ate jane ang tutulong sayo eh, kaso busy sila ni maam cecilia, kaya sakin kanalang nya pinapatulong kaya bihis ka na, mag uumpisa na bukas work mo girl"
grace.
Bahala na nga. Si jane executive assistant ito ni maam cecilia, bali ako yung assistant ng assistant nya. Ok lang yun atleast may gala na ako neto. At medyo kinakabahan ako syempre dinaman mawawala iyon.
Nag palit na ako ng damit, yung mga damit ko ngayon binili din ni maam cecilia sakin, sobrang bait nya kamo, wala akong masabi.
5:32 pm.
Sa oras na yan palang kami nakauwi ni grace, medyo madami din nabili namin, damit pambahay, pang alis at underwear at kung ano ano pa na importanting gagamitin.
Syempre yung pera na ginamit ko ay kay maam cecilia. Nakakahiya na nga sobra eh. At nakakainis pa, naligaw ako sa mall, nang kakain na kami sa fast food, mag ccr ako, yun hinanap ko muna ang cr syempre, pag balik di ko na alam san banda ako dumaan, kaya inikot ko muna yung mall, kaya isa pa yung dahilan kaya natagalan kami.
Dumaan kami ni grace sa kusina, back door, di kami dumaan sa pinaka main door. Kasi may nakita kaming naka paradang magagarbong sasakyan kanina kaya inisip namin na may mga bisita ang mag asawang strattan. At ayaw naman naming umagaw ng eksena.
(Baka akala nila artista kami mahirap na)
Pinasok muna namin yung mga pinamili sa servant quarters, naka hiwalay yun sa mansion, dun natutulog sina grace at ang ibang mga kasama sa bahay. Malaki din yun kasing laki ata ng bahay namin wahahah. Joke. Pero sa tingin ko nga kasing laki ng bahay namin.
Lima ang kwarto nun at kasama na ang kusina at dalawang bathroom, yun lang walang sala, kala mo dorm yung style. Samin naman tatlo yung kwarto at may sala kami, lol ikunumpara ko talaga ne? Wahahahah.
"Uy grace bukas ko na kukuhanin nung mga pinamili natin ne, nakakahiya namna siguro kung aakyat ko na ngayon yun makita pa ako ng mga bisita ni maam cecilia" sabi ko dito.
"Ay sige, hatid ko nalang sayo bukas ng umaga, maaga naman akong gumigising, tatabi ko na muna sa kwarto namin ni nanay" grace.
Ngumiti ako ng napaka luwang dito. Bait talaga nito.
"Uy salamat ne, mahahalikan kita sa kabaitan mo grace hahah!" Ako
" hahah! Ikaw naman maliit na bagay" nakatawang sabi nito.
Nang makita namin na pumasok sa kusina yung isang katulong tinanong ito kaagad ni grace kung anong meron.
"Anong meron?"
Tanong ko kay grace ng makita kong nag ayos ito ng ilalabas sa dining room.
"Yung kapatid ni maam cecilia si maam cheyenne andito"
Sagot ni grace sa tanong ko.
Habang isa isa nitong nilalagay sa tray yung mga pagkain. Sarap ng itsura. Pumasok ulit yung isang katulong at kinuha yung tray ng pagkain. Nag labas ng wine si grace at mga kopita, at inayus din yun sa tray. Mga mayayaman talaga.
"Ahh, mabait ba yun?" Tanong ko grace.
Tumingin ito sakin at ngumiti.
"Oo mabait din si maam chey, halos naman lahat ng pamilya ni maam cecilia mababait, kahit mga anak nga mababait din kahit si sir gavin, kaya wag kang nag aalala dyan,"
Tumawang sagot ni grace, nahahalata siguro sa itsura ko na medyo ninenervous ako. Na totoo naman.
"Taga saan ba yung kapatid ni maam?" Ako
" sa europe sila nakatirang mag asawa, bumibisita lang dito sa pilipinas pag may okasyon. At kaarawan ngayon ng papa ni sir greg, yung asawa ni maam chey" sagot ni grace.
"Ahhh, san sila sa europe?" Ako
"Sa u.k, dun din nag aaral anak ni maam cecilia at yung anak ni maam chey. May bahay ata sila dun sa pag kakalam ko" sabi ni grace. Ang dami kong tanong ne? Last na tong tanong ko na to.
"Buti di umuuwi yung mga anak ni maam cecilia?" Ako syempre.
"Umuuwi yun kaso di nag tatagal, kasi nag aaral sila dun, sa april palang uwi ng mga yun. Yun palang break nila eh," grace.
"Hmmm. So sa april na ito uuwi na sila? So hanggang kailan yung break nila?" Ako pero last na talaga yan promise!
"Sa August palang pasukan nila nun, kaya mag ready ka na sobrang kabaliwan yung dala ng mag kakapatid na yun. Panigurado mababaliw ka din" grace
Napangiti lang ako, shet, kinakabahan ako, crush ko pamo si mason.
4 weeks later.
"Isla, can you please type this letter and kindly send it to this email address " sabi ni jane.
Habang itinuturo nito sa sakin kung saan i sesend. Easy. 4 weeks na akong nag tratrabaho kay maam cecilia, at sa 4 weeks na yun naka sundo ko na lahat ang mga nag tratrabaho dito.
Hahaha kailangan eh, kailangan kilalanin lahat para hindi ako mailang at mahiya. Kinakapalan ko nalang talaga yung mukha ko.
"Ate jane, na send ko na po, ano pa po?" Tanong ko.
"Wow bilis naman ice, sigurado ko hindi ka nag aral ng computer? Bakit ang bilis mong mag type?" Tanong nito.
Hehehe, nalintikan ng kabayong bansot. Napalunok ako. At ngumiti ng matamis dito.
"tinuro samin nung high school ate jane, fav subject ko computer hahah." ako
"Ahhh, gunun ba kaya pala ang bilis mong mag type eh."
Sabi ni jane habang pinakakatitigan ako, nag iwas ako ng tingin kunwari may gagawin akong iba.
"Mag lunch na tayo after 15 mins, hintayin lang natin yung huling meeting ni maam, then call mo yung pilot ng private plane, didiretsong manila si maam" sabi ni jane.
Tumango tango naman ako.
"Aanong manila si maam cecilia?" Tanong ko.
"Dun nalang sila mag memeet ni sir gavin, then diretso na sila papuntang europe. Bibisita ata dun or something." Jane.
Tumango tango nalang ako, mayayaman nga naman nakowww. Napakadaling mag punta punta sa ibang bansa pag mayaman, pag mahirap hindi mo alam kung pano ka mangungutang pang kuha lang ng passport, pipila ka pa, babayaran pa kung ano ano, pag aalis ka papuntang ibang bansa.
Sa mayayaman, di na kailangan mangutang pang kuha ng passport, di na kailangang pumila, basta may kilala mataas na posisyon bow agad. Ganyan talaga. Pag mahirap pahihirapan lalo, pag mayaman naman tapatan lang ng pera makukuha agad. Sadlife. Hayyyyy. Wag ganun please.
6 weeks later.
"Pauwi na daw sina maam cecilia tom?" Tanong ko kay jane
"Yup, at susunduin natin sila bukas, ikaw, kasama mo si manong fred, ako naman si manong rey" sagot ni jane.
Na ikinagulo ng utak ko. Ano daw?
"Uuwi na din kasi tom yung mga anak ni maam cecilia, so two trucks (4x4) for their luggage at isang kotse. Sa isang truck kasama mo si manong fred at kuya moy. yung ibang luggage kung di kakasya sa truck nyo lagay nalang yung iba dun sa truck ni eli, di naman siguro magagalit yun, yun yung sasakyan ng mag kapatid, eli will drive it. At dun sa kotse, ako at yung mag asawa" dirediretsong sabi ni jane.
Na ikina tanga ko naman dito. Pak! Uuwi na sila bukas at kasama ang mga junakis. Jusme!.