“KUMUSTA, pinsan kong maganda? Bakit ka tumawag?” walang dudang masigla pa rin ang mood ni Rodelio nang sagutin ang telepono. Ring pa lang niyon ay alam na niyang si Lorelle ang tumatawag sa kanya.
“Mukhang may nagoyo ka na namang babae, Rod. Iba na naman ang tunog ng boses mo.”
Tumikhim siya. “Hindi ako nanggogoyo ng babae, alam mo iyan. Saka hindi basta babae ang kausap kani-kanina lang. In fact, nandito pa nga ako sa bahay nila.”
“Sa bahay ng babae? Oh, kailan ka pa nakatagal na tumuntong sa bahay ng babae? Hindi ba’t daig mo pa ang sinisilihan at iwas na iwas kang pumunta sa bahay ng babae dahil takot kang mapikot? Tell you what, kapag napikot ka, pinakamalakas ang magiging tawa ko.” At humalakhak si Lorelle.
“Hindi iyan mangyayari sa akin. Nunca, Lorelle. Nunca. Para namang hindi mo alam na babae ang lumalapit sa akin. Nandito ako kina Calett. Andun ang pobre mong kaibigan, nagkulong sa kuwarto. Hindi nakatagal sa gandang-lalaki ko.”
Eksaheradong singhap ang pinakawalan ni Lorelle. “Ano naman ang ginawa mo kay Scarlett? May problema iyong tao, inaasar mo pa? Maawa ka naman!”
Kumunot ang noo niya. Sandaling binalikan sa isip ang paghaharap nila ni Scarlett at napailing. “Si Calett, magkakaproblema? Nasa kanya na ang lahat, ano ang poproblemahin niya? Kungsabagay, baka ang problema niya ay wala kasi siyang problema. O baka naman ang problema niya ay hindi niya kayang bilangin ang petals ng mga bulaklak niya.”
“Tumigil ka na nga riyan. Luko-luko ka talaga. Anong oras ang uwi mo? Pupuntahan kita?”
“Madaling-araw na ang uwi ko. Huwag mong sabihing pupuntahan mo ako nang madaling-araw? Hindi kaya sikmuraan ako ni Zach?”
“Huwag kang pilosopo. Importante ito. May nag-aalok sa akin, tatlong pouch ng diamonds. Ikaw itong mahilig magpatulog ng pera sa mga bato. Ano, interesado ka?”
“Saan galing?” seryosong tanong niya.
“Sa Hong Kong.” At sinabi ni Lorelle kung magkano bawat pouch. “Isandaang titos ang laman per pouch.”
Napamura siya. “Smuggled iyan. Walang ganyan kamurang bato maliban na lang kung smuggled o pekeng bato iyan.”
“Luko-luko ka pala, eh! Natural tunay ang mga ito. Ako pa, mapepeke? Kay Mrs. Ancieta ito. Suspect sa isang kaso iyong anak niya. Wala siyang choice kung hindi ibaba ang presyo ng hawak niyang bato para lang magkaroon ng cash. Ilang araw ka na bang hindi umuwi? Dalawang araw nang balita dito sa Meycauayan ang tungkol sa kasong iyon? Nasa diyaryo na rin iyon, ah? Anyway, mayaman din iyong victim kaya talagang magiging pera-pera ang labanan. Sa usap-usapan ay mukhang na-frame-up ang anak niya. Siyempre, kailangan niya ng magaling na abogado para maipagtanggol ang depensa nila.”
“Lorelle, daig mo pa ang reporter,” aliw na wika niya. “Sige, huwag mo na akong puntahan. Bukas pag-uwi ko, ako na ang dadaan sa inyo para makita ko rin si Lance mo. Teka nga, bakit ba hindi na lang ikaw ang bumili ng mga titos na iyan?”
“Bakit pa? Nasanay naman akong sa iyo tumatakbo kapag wala akong bato? Nakukuha ko rin naman sa iyo nang mababang presyo. Di ikaw na lang ang mag-invest,” tumatawang wika nito. “Oy, Rod, pakiusap lang, ha? Mag-ahit ka muna bago ka pumunta dito. Hahalik ka na naman sa anak ko, ang gaspang -gaspang naman ng pisngi mo.”
Nahaplos tuloy niya ang ilang araw nang stubbles. “Ano ka ba naman, Lorelle. Siyempre, kasama ito sa karisma ko sa mga babae. Pang-kiliti ko ito.”
“Bastos!” tili sa kanya ni Lorelle.
“Bastos? Para kang si Calett. Makikipag-usap tapos bigla na lang akong aakusahang malisyoso. Bakit ba ganyan kayong mga babae? Kung hindi ko pa alam, pagdating sa kama ay pare-pareho din naman kayong tigre. Kunwari ayaw sa una, pag nakatikim naman, ayaw nang lumubay. Kayo pa nga ang nangangalabit.”
“Putris ka, Rodelio! Huwag mo akong pagsasalitaan ng ganyan sa harap ng asawa ko. Masasapak ka ni Zach! Wala ka man lang ka-finesse-finesse magsalita.”
“Finesse? How do you spell that? Ang mayroon ako ay p-e-n-i-s.”
“s**t!” sambit ni Lorelle.
Ang lakas ng naging halakhak niya. “Let’s face it, cuzin. I’m not the polished type. I’m a typical rough-and-ready. Maginoong hindi-lang-medyo bastos. And modesty aside, alam mong hindi lang dalawa o tatlong babae ang natatangay ng karisma kong ito.”
“Ewan ko sa iyo. Pero tandaan mo, kapag gusto mo nang mag-asawa, I’m sure, wala sa mga babaeng nagdadaan ngayon sa buhay mo ang gugustuhin mo. You would still go for a virgin. And damn you and all other men. Kahit na ano ang sabihin ninyo, double standard pa rin naman ang talagang pinairal ninyo. Pagkatapos ninyong pagsawaan ang kung sinu-sinong babae, maghahangad pa rin kayo ng virgin para pakasalan.”
“Hindi na ako virgin, Lorelle. I don’t mind if I marry someone who’s as experienced as I am.”
“Oh?” tuya ni Lorelle. “Mabuti naman pala kung ganoon. Kungsabagay, you don’t deserve a virgin. Hindi ka naman kagaya ni Zach.”
“Hoy, Lorelle, huwag kang magmalinis! Bagong panganak ka nang pakasalan ka ni Zach. Alam ko iyon dahil hindi ko makalimutang hindi mo ako kinumbida gayong tayo ang pinaka-close sa lahat ng magpipinsan sa mga Alvaro. At alangan namang virgin ka pa rin samantalahang bagong panganak ka nga?”
“Heh! Ang ibig kong sabihin si Zach, hindi palikero. One-woman man siya. Ako lang ang talagang pakipot. Eh, ikaw? Lahat na lang yata ng nakapaldang lumapit sa iyo, pinapatos mo.”
“Bakit naman hindi? Mainam nga iyon, hindi ko na kailangang manligaw.”
“Hindi ka man lang ba natsa-challenge?”
“Mas gusto ko ang challenge pagdating sa kama. Actually, masarap nga rin iyong minsan ay natatalo. Hindi naman komo ako ang lalaki ay ako na lang palagi ang nagtatrabaho. Bah, ang sarap naman ng buhay ninyong mga babae! Minsan, dapat pumapaibabaw din kayo.”
“Ayan ka na naman. Bakit puro s*x ang laman ng utak mo?”
“Because that’s one of the few things I love to do. It so happen that I am a thirty-three year-old man who has a raging hormone of a sixteen year-old boy. Come on, Lorelle. You must also admit. Masarap ang sex.”
“O-of course! Pero kay Zach lang. I can’t imagine myself indulging s*x with anyone else maliban sa asawa ko. Saka in love kami sa isa’t isa. At lovemaking ang tawag doon, hindi s*x. Hindi kagaya mo. Puro pampisikal lang. Have you ever tried making love?”
“Lovemaking. s*x. It’s just the same. Sige nga, sabihin mo sa akin, nagkakaiba ba ang proseso kapag lovemaking ang turing imbes na s*x? The motion will always be the same. A man enters a woman’s depth, will do some push and pull motion until they both shudder in satisfaction.” Napatingala siya. What he said sounded too technical pero alam niya kung gaanong kasiyahan ang nagagawa niyon sa katawan niya kung aktuwal ngang gagawin niya.
“Iba ang lovemaking, Rod,” seryosong sabi ni Lorelle. “Hindi lang iyon kasingsimple ng paghawak, paghalik o pag-penetrate. It involves deep feelings toward your partner. And I bet, hindi mo pa naranasan iyon. Poor you.”
“Hey, hey! Si Lorelle ka ba o si Margie Holmes?”
“This is Mrs. Lorelle Alvaro-del Rosario. Isang babaeng in-love na in-love sa kanyang asawa. Rod, you’re not getting any younger. Tigilan mo na ang kapapatol sa mga babae kung hindi ka rin naman seryoso. Isipin mo nga kung may lalaking kagaya mo ang gagawa ng ganyan sa kapatid mo? Remember, seventeen na si Roxanne. Baka makarma ka, si Roxanne ang mag-suffer.”
“Damn you, Lorelle. Kanina nang tawagan mo ako ay inaalok mo lang ako ng brilyante. Bakit parang ikaw na yata ang mama ko ngayon? Tigilan mo ako ng sermon mo, pinsan. I’m happy with what I’m doing. Isa pa, hindi ako nag-aagrabyado ng babae. Kung anuman ang nangyayari sa amin, it’s always a mutual want.”
“One day, Rod, the love bug will hit you. And when you experienced not just s*x but lovemaking with all its powerful elements, maaalala mo rin ang pinag-usapan nating ito.”
“Hayaan mo, tatawagan kita,” tatawa-tawang wika niya. “Sige na, bukas ko na lang titingnan ang mga titos na hawak mo. Pupunta pa ako sa casino.” Nang i-off niya ang cell phone ay saka pa lang siya pumasok sa mansyon ng mga Formilleza. Hindi pa niya nasasabi kay Scarlett ang talagang pakay niya kaya siya nagpunta roon.