DI NA virgin ang lips ko. Parang gagang tutop-tutop ko ang labing hinalikan ni Sir J-Ty habang nakatitig sa sariling repleksyon sa salamin. Ilang araw na ang nakakalipas nang maganap ang aking most memorable birthday ever. Hindi sa kadahilanang, at the age of thirty old maid at virgin parin ang lola ninyo. Ang totoo, iyon ay dahil sa hot and hunky kong amo na hinalikan lang naman ako sa lips. May nakabinyag na sa mamulamula at kissable kong labi.
Siguro kung si Sir Andrew pa ang humalik sa akin, baka himatayin ako. Malamang sa sobrang tuwa, kilig at excitement magbabalak akong huwag nang mag-toothbrush ng ilang araw.
Ang O.A, alam ko. But that's how much I like Sir Andrew. Dati akong secretary sa marketing office kung saan Marketing Head siya. Medyo dissappointing nung ako ang piliin ni Sir J-Ty na papalit sa iniwang puwesto ng dating secretary ng Papa niya. Pakunsuwelo ko nalang, madalas parin si Sir Andrew sa president's office dahil pinsang buo siya ng amo ko.
Hmm... Napahawak ako sa labi ko. Ano kayang feeling kung 'yung taong gusto ko mismo ang hahalik sakin?
The truth is, kinilig din ako kay Sir J-Ty. Kahit dampi lang sa lips. But I know better, balewala lang kay sir 'yon. Why would I bother?
Kabuwisit kaya ang pagiging palikero niya. Nakakahilo siyang magpapalit-palit ng babae. Akala mo nagpapalit lang ng brief! Mabuti pa si Sir Andrew, matino. Malayung-malayo sa pinsan nitong pinaglihi yata sa higad.
Bali-balita ngang s*x god daw kung ituring ng mga babaeng dumaan sa palad niya ang amo ko. Sa sobrang galing daw nito sa kama ayaw nang kumawala dito ng pinatulan niya.
Patunay doon ang halos araw-araw na babaeng dumadagsa sa opisina para makita siya. Bukod pa ang mga babaeng nagpapa appointment para makasingit sa hectic schedule ni sir.
Kung paguwapuhan at kakisigan ang paguusapan, mangingibabaw ang isang Jace Tyler Torrez sa isang kuwartong punong-puno ng artista at modelo. He can make them run for their money. Ngiti at tindig palang panalo na. Bukod sa ubod ng guwapo napakayaman din nito. Siguro nga, napakaswerte ng babaeng mapapangasawa nito. Nasa binata na lahat kasama pagiging babaero. Good luck nalang dito sapagkat hindi ang tipo ni Sir J-Ty ang magseseryoso sa relasyon.
I looked at myself in the mirror. Hindi ako ang uri ng babaeng makakapu-kaw ng atensyon niya. I'm just a nobody. Masasabing average-looking lang ako. Ordinary-beauty. Tipong, may hitsura naman pero hindi pansinin. Ang pinaka-asset na masasabi ko sa aking mukha ay ang mga mata ko, bilugan iyon at may pagka-singkit, iyong parang sa mga koreana.
Maganda rin naman kutis ko, maputi at makinis. Oo, medyo kinulang ako sa height, five feet two inches lang.
At ang buhok ko, although may pagkakulot bumagay naman sa heart-shaped face ko. Mukha naman akong babae. Oo, may pagka-manang pa. Bakit kung ituring ako ng mga lalaki sa paligid ko ay one of the guys?
Wala ba talaga akong appeal sa boys?
Paano kung wala ng pumatol sa akin at tumanda akong dalaga?
Kung mag madre nalang kaya ako?
Naku! Baka first day palang, sipain na ako palabas ng kumbento.
"Okay ka lang, anak? Mukha kang timang diyan."Heto na naman ang atribida kong nanay na super kulit at usisera.
"Nay... May ipagtatapat ako sa'yo..."
"Diyos ko po! Anak, nagdadrugs ka ba? Sinasabi ko na nga ba! Kaya pala nitong mga nakaraang araw para kang lutang. Anak, bakit ngayon pa? Alam mo naman, maraming gastusin sa bahay, may tuition pa si bunso, yung ate mo manganganak. Wala tayong pang pa rehab!"
Napakamot ako sa ulo. Pagdating sa ka-O.A han, numero uno si Nanay. "Nay, hindi ho."
"Eh, ano? Buntis ka? Sinong ama? Papuntahin mo sa bahay nang makaliskisan, naku! Hindi ako papayag na magka apong bastardo!"
"Nay, mas lalong hindi ho! Hindi ako buntis okay?"
"O, eh anong ipagtatapat mo?"
"Nay, I'm in love!"
"May boyfriend ka na?" Tumalon-talon ito. Hindi pa nakuntento, hinawakan ang kamay ko at sinabihan akong sumabay. Eh di, tumalon din ako. Para lang kaming tanga. "Hindi na tatandang dalaga ng anak ko!"
Yung totoo? 'Yung hitsura niya parang tumama sa lotto. Kulang nalang magpainom siya sa tuwa.
"Wala po, Nay. Crush lang."
Sukat binatukan niya ako sa ulo.
"Iyon lang ba? Tigil-tigilan mo ako sa kakaganyan mo, hindi ka na teenager para magka-crush. Isang taon nalang mawawala ka na sa kalendaryo anak. Nagkakaedad na kami ng tatay mo, hindi pa namin nalalaro ang apo namin sayo. Aba, mabuti pa 'yung grade six na anak ni Mang Teloy, may boyfriend na! Eh, ikaw? Nga-nga?"
"Nay naman..."
"Anong nay naman? Hala! Mag-ayos-ayos ka, lumabas, mag-enjoy, mag-party party! Di yung mag-kukulong ka sa kwarto, kapiling ang computer mo. Tandaan mo anak, hindi ka mabibigyan ng boyfriend ng computer mo."
"Huwag kayong mag-alala Nay. Kapag desperada na talaga ako, manghihila nalang ako ng tambay diyan sa labas at kakaladkarin ko sa simbahan."
"Huwag naman sana! Maawa ka sa magiging apo ko!"Napaantanda pa ito.
Tatawa-tawa nalang akong pumasok ng banyo. Walang sinuman ang makakasira ng good mood na meron ako.
Monday. Makakasabay ko na naman sumakay ng elevator si Sir Andrew.
HANGGANG pagbaba ng taxi laman ng isip ko ang sinabi ni Mudrakels. Tama siya, sa edad kong ito dapat may asawa o anak na ako. What went wrong? Ano bang mali sa akin?
Ang tagal naman kasing pumorma ni Crush. Eh, kung ako nalang ang manligaw? Nah! Makakasira sa reputasyon kong, Maria Clara. Gayumahin ko nalang kaya? Mas lalong di makakaya ng pride ko.
Natigilan ako. Oh no!
Binilisan ko ang paglalakad nang makita si Sir Drew papasok ng building. Hindi puwede! Dapat makasabay ko ito!
Nang dahil sa pagmamadali, half way papuntang building nadapa ako, nagkandahulog pa ang bitbit ko.
Aissh! Ang sakit...
Himas-himas ang nagasgasang binti, pinilit kong tumayo pero mabuway pa ang tuhod ko. That was when I heard a laughter behind me.
"Ang tanga mo talaga, Tia!"Lumapit ang nagmamay-ari ng boses at tumalungko sa harapan ko. "Ilang isda nahuli mo?" It was Gave, my greatest nightmare. Tanda ninyo pa siya? Siya yung isa sa feeling bulate na sumayaw-sayaw sa birthday ko.
Iningusan ko siya. "Tse! Ang aga-aga, iniinis mo na naman ako."
"Alam mo namang, kulang ang umaga ko kapag di kita nakikita- este naaasar."
Inirapan ko siya. Ang lakas talaga nitong mang-inis. Palibhasa, guwapo, matangkad at habulin ng chicks sa Marketing Department. Akala yata, cool ang pagiging alaskador niya. 'Yung totoo, kung paguwapuhan lang hindi siya pahuhuli sa mga amo ko. He's the type a girl would want to rely on and be comfortable with but not in a romantic way. In short, masarap i-bestfriend, hassle i-boyfriend.
Nakita ninyo naman ang ugali right?
Mas matanda si Gave sakin ng limang taon. At kagaya ko, wala pa siyang asawa o girlfriend. Madalas nga kaming tuksuhin sa isa't-isa ng mga kasama namin.
I was like eww! No offense meant dito but I only saw him as an older brother. Kuya Gave nga tawag ko diyan kapag nang-aasar ako. It will be downright stupid and somewhat
incestous if we happen to hit it off.
Besides, I only have one crush, si Sir Drew. Iyon lang no-pansin ako sa kanya.
Umihip ang malakas na hangin. Sakto namang may kung anong maliit na bagay na pumasok sa mata ko. Napahiyaw ako sa sakit. Kung sinusuwerte ka nga naman o! Nadapa na napuwing pa!
"O? Anong nangyayari?"
"Napuwing ako. Puwedeng pakihipan? Ang hapdi ng mata ko Gave!"
"Okay! Okay!"Dahan-dahan nga niya hinipan yung mga mata ko. Ilang minuto kami sa ganoong ayos, hindi siya tumigil hangga't hindi naaalis ang dumi sa mata ko.
"Ayos ka na ba? Baka gusto mong magpa-clinic? Dalhin na ba kita sa opthalmologist?"
Ipinikit-pikit ko ang mata. Medyo mahapdi parin pero wala ng puwing. "Thank you."
"Sure ka?"Itinaas niya ang isang kamay sa mukha ko at iwinagayway iyon.
"Sige nga, kung di ka tuluyang nabulag, ilan ang mga daliri ko?"
Malakas ko siyang binatukan. Loko talaga ito. "Napuwing lang ako, hindi bulag! Ang O.A nito!"Yumuko ako para damputin ang mga folders, pero pinigilan niya ako. Gentleman din pala ang loko.
"Ako na tutulungan na kita."
"Dapat lang! Pinagtawanan mo ako!"
"Oo na! Kasalanan ko na.Kaya nga ako ang magbibitbit nang folders mo kasi nakakahiya naman sa'yo."
"Salamat."Akmang tatayo ako nang alalayan niya.
"Sure ka, didiretso sa office? Hatid muna kita sa clinic?"
"I'm fine. Malayo sa bituka. Lilinisin ko nalang ito mamaya sa taas."Binigay ko sa kanya ang mga folders na naglalaman ng mga papeles. Pumasok na kami sa loob ng building at sumakay ng elevator.
Napangiwi siya sa bigat. "Ano ba naman ito! Parang inuwi mo na ang buong opisina sa bahay ninyo ah! Sino ba naman kasing maysabing iuwi mo ang trabaho sa inyo?"
"Those papers are due at the end of the week. Tinapos ko na para mabawas-bawasan ang gawain ko."
"Grabe! You are a really reliable secretary. Once I put up my own company I'm going to hire you."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Sorry. Loyal ako sa company."
"Sa company nga ba talaga?"
"Oo naman. Meron pa bang iba?"
"Wala naman."
Noon bumukas ang elevator sa opisina ng presidente. Buong thirtieth floor ng building ay inookupa ng pinakamataas na posisyon ng kumpanya.
"Miss Dimacuja."Nakabusangot ang mukhang bungad agad ni Sir J-Ty pagkalabas namin ng elevator. Nakasandal siya sa desk ko habang nakahalukipkip.
The man look handsome with his long sleeve dark blue polo habang nakasabit ang coat nito sa balikat. Umagang-umagang, full blast ang aircon ngunit bukas ang ilang butones nito sa bandang dibdib. Hitsurang naiinitan. Sanay na ako, kapag sa opisina lang ito at wala naman meeting, asahan mo, mistulang model sa cosmopolitan ang ayos nito.
Mukha kasing kating-kati ito sa suit and tie. Masyado daw pormal. Hindi bagay sa personality nito.
"Good morning, sir."
"You're late!"
Hala! Anong oras na ba? Late na ba talaga ako?
"I'm sorry, po."
"Follow me in my office, I have some important matters to discuss with you."
Nagkatinginan kami ni Gave. Halata rin ang pagtataka sa mukha nito. "Bad trip si Sir President. Sige, pumasok ka na sa loob. Baka lalo kang mapagbuntunan ng galit kapag nagtagal ka pa dito."
"Thank you ha?"
Tumango lang ito, bago pinatong sa desk ko ang mga papeles at folders.
Pumasok na ako sa loob ng opisina.
"Care to explain to me why are you late?"
"Sir, traffic sa Edsa."
"Traffic... Na-traffic din ako papunta dito pero bakit naunahan parin kita pagpasok?"
"Nasiraan po yung taxi na sinakyan ko."
"Fine! Ayoko nang mauulit ito. Especially yung nakita kong ginawa ninyo ni Mr. Vono."
"Ha?"
"Are you two having an affair?"
Napasamid ako. "Of course not! Magkaibigan lang po kami--"
"So, sinasabi mong mali ang nakita ng mga mata ko? You two were kissing at the parking lot!"
Ha! Kissing! Was he crazy? Bakit naman kami maghahalikan ni Gave?
"Nakita ko kayo. If there's something going on between the two of you, ilugar ninyo ang mga sarili ninyo. This company is not a place for lovers. I won't tolerate any act of public display of affections between my employees. Especially from you, Miss Dimacuja. Of all people, I expect you to be the first to abide on the rules and regulations of this company since you are my secretary."
"But Sir, you're wrong--"Ang nakita niya ay yung eksenang hinihipan ni Gave ang mata ko dahil napuwing ako.
Mukha ba talaga kaming naghahalikan ng time na 'yon? Ang halay naman!
"I dont want to hear anything from you about the topic. But I hope, I made myself clear. For now, let's discuss my schedule for today."
I sigh. What a way to start my week. Nadapa. Napuwing. Napagbintangan. Napagalitan ni Boss. Honestly, may mas malala pa ba dito?