"GOOD MORNING, Tia!"Nakangiting mukha ni Sir Andrew ang bumungad sakin, pagkapasok ng office. It was just past one in the afternoon, katatapos lang ng lunchbreak. And what a sight to behold, seeing Sir Andrew, just right before I start my afternoon work. I felt, energized already.
"G-Good afternoon, Sir Andrew!"
"Oh! Is it afternoon already? I've been preoccupied with this thing.I didn't notice the time."He was probably playing something on his phone. "Have you ate your lunch, Tia?"
"Yes, Sir."
"Good, I don't want my former secretary to starve herself,"
Namula naman ako. Concern siya sa akin! Puwede bang mahimatay? One time lang! Para tuloy lalo siyang gumuwapo. Sir Andrew is beautiful. He has soft features, maamo ang mukha at mukhang babae. Maputi rin siya at sobrang kinis na mamula-mula ang balat.Maganda ang mga mata niyang parang nangungusap, matangos ang ilong at pinkish ang labi.
In short, mas maganda at feminine pa ang features sa akin. Mabuti nalang, he has a masculine body. Matangkad ito at malaki ang bulto ng katawan. May muscles din pero hindi kagaya ng ibang O.A na.
He is also nice. Mukha lang masungit pero mabait itong amo. Ang pinaka nagustuhan ko dito ay ang pagiging faithful at loyal kapag may girlfriend. During my three years stint as his secretary five years ago, isa lang ang naging girlfriend niya. Tumagal sila ng tatlong taon. Balita ko, hindi na siya ulit nakipagrelasyon after nung girl.
If it's not loyalty and fidelity... Ewan ko na lang. Bihira ang lalaking kagaya nito.
"Kakakain ko lang, sir. Kumain narin po kayo."
"Maybe later. I have to talk to J-Ty first. Nasaan ba ang pinsan kong iyon?"
"Nakipag-lunch date po kay Miss Suzane."
"Suzane? Who?"
Nagkibit-balikat nalang ako. Mahirap nang mag-comment. Sa dami ng babae ni sir, mauubos ang isang araw sa pagsasaulado sa kanilang pangalan. "By the way sir, what do you want? Coffee? Tea? Or juice?"
"Coffee will do. Thank you, Tia." Mayamaya lang higop-higop na niya ang kape. "Ahh... Sarap na nangingibabaw." panggagaya nito sa isang coffee commercial. Sabay ngiting ala- Daniel Padilla.
"Ikaw talaga, sir. Puro kalokohan." Natawa nalang ako.
"Papasa na bang Daniel Padilla?" kumindat pa siya muntik na akong mangisay.
Relax, Tia. Kaharap mo lang naman si Sir Andrew, yung crush mo! Usong huminga 'no?
"Actually puwede na. Pero sa tingin ko mas swak kang si Robin Padilla, sir."
"Tsk! Bakit? Dahil pareho kaming guwapo at ma-appeal?"
Napangisi ako. "Nope. Dahil hindi nalalayo ang edad mo sa kanya."I said then gave him a peace sign. Natawa ako sa naging reaksyon niya. Hitsurang na-offend ito pagkabanggit ko sa edad.
"Okay na sana, kaso binanggit mo pa ang edad na 'yan. It hurts you know?" Sinuntok-suntok nito ang dibdib.Umakto pa itong tila nasaktan talaga.
I just giggled.
"Serously, na-miss ko itong timpla mo . 'Yung secretary'ng pumalit sa'yo five years na, hindi parin ma-perfect yung lasang gusto ko."
"Kailangan kasi sa pagbu-brew ng coffee may pagmamalasakit at pagmamahal para lumabas ang tunay na lasa. 'Ha mo, I'll teach Yel how to brew a coffee." Nataranta ako. Bigla kasi itong tumitig ng mataman sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"How are you in here? Hindi ka ba inaalila ng pinsan ko?"
I was in shock. Why was he holding my hands? And why am I not feeling nervous or giddy? Di ba dapat mataranta ako kasi sobrang lapit namin?
For the first time, I feel comfortable around him. Was it good? Siguro nga. At least, walang kaba. Unlike noon, natataranta, natutuliro at nabubulol ako.
"Ahm... Hindi naman."
"Are you sure?"
"Huwag kang mag-alala, Sir. So far, mabait pa naman si Sir J-Ty, hindi pa nangangagat."
He laughed again. Ang sarap-sarap niyang tingnan. Ang saya-saya niya. "Basta, kapag kinagat ka at bumula ang labi mo lumapit kaagad sa akin. Ipapaturok kita ng anti-rabies."
"Lagot ka kay Sir J-Ty, sir."
"Isusumbong mo ba ako?"
Siyempre, hindi. "Hmm... Pwidi piru dipindi..."
Humalakhak na naman siya. Gawin ba akong clown?
"Yan! Yan ang nami-miss ko lalo sa'yo, Tia. Your sense of humor. Geez! Napapanisan kami ng laway maghapon ng sekretarya ko. Plus, no offense to her she's good but you're much a reliable and dedicated. So far, ikaw ang pinakamagaling na secretary nahawakan ko."
"Ikaw kasi, Sir. Pinamigay mo ako..."I meant it as a joke but deep inside, it was what I really want to say.
Napatitig siya sa akin. Pagkatapos ngumiti. He was about to say something when the elevator door open, lumabas si Sir J-Ty at ang bunso nitong kapatid na si Pierre.
"Whoa! What do we have here?" si Pierre.
Mabilis kaming nagbitaw ni Sir Andrew. "It's nothing. Nag-uusap lang kami."
"Pre-requisite na pala ngayon ang holding hands pag mag-uusap?"
"I told you, it's just nothing okay?"
"Good afternoon, Sir J-Ty."
Tumango siya. "What are you guys doing here? I wasn't inform we have a family reunion today." Si Sir J-Ty na mainit na naman ang ulo.
"Where's Suzette?"
"It's Suzane. She went home after Pierre ruined our date." Kaya, mainit ang ulo nasira ang diskarte sa babae.
"Hey! Kasalanan ko ba kung madiriin ni Suzy? I just showed her this video and then she freaks out! You shouldnt date her, kuya. Ang arte!"
"It's Suzane! Masisisi mo ba 'yung tao? You showed her a creepy video while we were eating. Grow up, Pierre. Twenty four ka na, isip-bata ka parin."He stormed to his private office. Nagmamadali naman sumunod ang mag-pinsan.
"Dude, wait! I have something to tell you."
"Kuya J-Ty. I'm sorry. It was just a joke. I never expected magri-react siya ng gano'n."
Iiling-iling na bumalik ako sa lamesa. Ganoon kabilis natapos ang moment namin ni Sir Andrew. At least, naghawakan kami ng kamay.
Ilang araw ko naman kayang hindi ito huhugasan? Inaamoy-amoy ko pa yung kamay kong hinawakan niya nang magbukas ang pintuan at iluwa si Sir J-Ty.
Napatayo ako. Salubong ang kilay niya habang nakapaweywang. Huling-huli nito ang ginagawa ko!
"What are you doing?"
"Nothing, Sir. Naglagay ho kasi ako ng lotion. Inaamoy-amoy ko lang."
He doesnt look convinced.
"Ipagtimpla mo kami ng two coffee and one orange juice."
"Y-Yes, Sir!"
Bunsod sa pagkapahiya tarantang sumunod kaagad ako. Bukod sa living room, comfort room, receiving area ay may nakalaang silid para sa dining area kung saan madalas kumakain si Sir J-Ty. May kahabaang wooden bar counter doon na kinalalagyan ng mangilan-ngilang kitchen utensils. Bukod sa paboritong coffee brewer, coffee beans and collections of imported mugs ni Sir J-Ty.
I can't forget Sir J-Ty's faced.
Nakakahiya talaga! Ano nalang iisipin ni Sir J-Ty? Patay na patay ako sa pinsan nito? Noong una si Gave tapos ngayon heto?
-
INIISIP ko si Sir Andrew pero parang tukso namang sumisingit si Sir J-Ty. Hindi kasi ako mapakali, knowing he might tell his cousin what he saw.
Hindi pa ako handa para mabuko.
Ang tagal kong inilihim yung feelings ko kay Sir Andrew, pagkatapos mabubuko lang niya ako ng ganoon?
What should I do?
Itinigil ko ang paggawa ng monthly report. Mas mabuti pang tumunganga sa computer screen. May pagka-topakin pa naman si Sir J-Ty, demanding at control freak na amo. Yes, mabait siya but when it comes to work he's very professional.
Limang taon na akong nagtatrabaho bilang secretary ni Sir J-Ty, at kapag wala siya o nagliliwaliw kasama ng mga babae nito ako ang madalas na gumawa ng mga trabaho niya.
Don't get me wrong, Sir J-Ty is one of the most responsible person I've ever met. In fact minana niya ang di matatawarang dedication sa trabaho ng Papa niya. Iyon lang as a young bachelor hindi niya maiwasang lumandi at magpalandi lalo na kung ang mga babae na mismo ang lumalapit sa kanya.
Nag-ring ang celphone ko. It was Sir J-Ty.
"Evening, Sir?"
"Tiana Dimacuja?"
Iba ang boses nang nagsalita. "Who's this please?"
"Ahm, this is Trayze. J-Ty's friend. I need your help, Miss."
Nang matapos ang tawag salubong na kilay ko. Mukha ba akong baby-sitter ng lasing? Ngunit mabilis din naman akong kumilos para magbihis maya-maya lang nasa isang high-end bar na ako sa Libis.
Naabutan ko siyang nakalungayngay sa bar counter. Lasing na lasing. He was humming something but I can't hear anything.
There was a woman beside him,who glare at me.
"Who are you his girlfriend?" She gave me a smirked. Makapal ang make-up, naninigarilyo, kinulang sa tela na damit. Kakaiba talaga ang mga tipo ng amo ko. Tsk.
"What if I am?"Nameywang ako.
"Hmp! You don't look like one. You look like his nanny."
"At least, I don't look like a slut."
Napikon ang bruha, nag-walk out. "Sir? Sir? It's me, Tia." Kinalabit, kinuwit-kuwit ko siya ngunit umungol lang ang lasenggo kong amo.
"Hmm..."
"Sir?"
"Tia?"Isang guwapong lalaking may pagka-mestizo ang lumapit. He must be Craze. Yung lalaking tumawag at gumambala sa pagkakatunganga ko.
"I'm Trayze. Kaibigan ng gagong lalaking ito. I'm sorry. Wala na akong ibang matawagan. Busy rin kasi sa bar, kaya hindi ko maasikasong ihatid pauwi."
"It's okay."May magagawa pa ba? Pinilit kong ngumiti. "Can you please help me with him nalang?"Walang kahirap-hirap na pinabuhat niya si Sir J-Ty sa mga bouncer, pumara naman ako ng taxi.
"Ortigas po."
Pagdating sa building ni Sir J-Ty nagpatulong ako kay Sir Andrew na nakatira sa fifth-floor. Masyadong mabigat ang amo ko. Wala akong balak mabalian ng buto para magpakadakila dito. Chance ko narin para makasilay.
"What the-?"bungad ni Andrew nang makitang nakasubsob sa kandungan ko si Sir.
Awkward... Mahabang kuwento kasi. Mamaya ko nalang sasabihin.
"Sir, mamaya ka na magmura okay? Puwede po ba pakitulungan muna ako kay Sir J-Ty?"
Mabilis siyang kumilos. Mayamaya lang nasa unit na kami ni sir sa fifteenth floor. Pagmamay-ari ng Torrez ang condotel, halos kalahati ng unit doon inookupa ng magkakamag-anak.
"I knew this would happen." Iiling-iling na nagtungo si Sir Andrew sa bar counter at nagtimpla ng kape for two.
Ako naman, inayos ang pagkakahiga ni Sir J-Ty sa kama nito. Tinanggal ang sapatos at medyos. Kinumutan ito at lumabas ng silid. I don't know what to say or think. It was the first time I saw him like this. Kanina sa taxi, I was actually worried sick, the man although tough on the outside seem rather broken inside.
And who was Carrie?
Inabot ni Sir Andrew ang tasa ng kape. "Thank you."
"He's back to his old self again, right before he went back here from the States."
Sa America nag-highschool at college si Sir J-Ty. Bumalik lamang siya ng bansa pagka-graduate nito para mamahala sa kumpanya five years ago.
"I trust you, Tia. Wag na sanang makalabas ito."
Naguguluhan man pero tumango ako. Kakatwang magkasama nga kami pero yung lalaking lasing naman ang nasa isip ko. The scene inside the car earlier, kept popping on my head. Ipinilig ko ang ulo para matauhan.
"May... May problema ho ba si Sir?"
Bumuntong-hininga si Sir Andrew. "Unfortunately, the ghost of his past is coming back to hunt him down."Matalinghaga nitong pahayag na lalong nagpagulo sa isip ko.
-
KINABUKASAN hindi pumasok si Sir J-Ty, natambakan ako ng paper works. Bago umuwi, sinigurado kong organize na lahat at pipirmahan nalang ang dapat pirmahan.
Paglabas ko ng building I saw Sir Andrew standing next to his brand new car. He waved at me, I smiled.
"Tia! Do you want to come with me? I'll visit your boss. I heard he was sick."
Kaya pala hindi nakapasok. Akala ko hang-over lang.
"Okay lang po ba? May sasabihin din kasi akong mahalaga about the Grader Construction."Tukoy ko sa latest contractor nang ipapatayong bagong hotel sa Baguio.
"Come on. We should buy foods on the way."
Excited akong sumakay ng kotse. Ang bait talaga ni God, nag-thirty lang ako mukhang magkakakulay narin ang lovelife kong tatlong dekada ng nganga. Curious din akong makita si Sir J-Ty. Akala ko kasi, halimaw na siyang hindi tinatablan ng sakit. Akalain mo iyon? Alak lang pala ang katapat?
"Tia, I want to ask you a favor."
"What is it?"
"Please, don't breath any single word about what happened to him last night. He wouldn't like it knowing you were there to witness everything."
"O-Okay, Sir."
Was the reason behind. His drunken incident so serious? Sabagay, Sir J-Ty must be a playboy but he was never an alcoholic.
Baka nga may malaki itong problema, kinakaharap.
Kumatok si Sir Andrew sa unit ng pinsan nito. No answer. Inilang ulit pa niya iyon hanggang kabahan na kami. Labing-limang minuto na pero wala pang nagbubukas.
Tinawagan ko narin siya pero walang sumasagot. Baka kung ano nang nangyari dito. After all, he was sick.
"Tatawag na ba tayo sa frontdesk parang manghingi ng susi?"
"No need. Pierre, J-Ty and I all have the same passkey."Nagsimula itong magpipindot, ako naman ay tumalikod.
Nang sa wakas bumukas ang pinto halos lumuwa ang mata ko sa nakita. J-Ty was naked on top of someone while the woman beneath him was screaming loud on the sofa.
The two were having s*x!
"s**t!"Mabilis na kumilos si Sir Andrew. Tinakpan pa niya ang mata ko hanggang tuluyan naisara ang pinto. "Are you alright? Tia? Tia?"
Umiling-iling ako. Mangiyak-ngiyak. Bakit parang naninikip ang dibdib ko? Dahil first time ko, makakita ng ganoon in live, pakiramdam ko I was molested.
"I'm sorry, okay? Papagalitan ko si J-Ty mamaya. For now, let me make it up to you. Let's have dinner. My treat."
Tumango nalang ako. Kahit hindi na yata maglalaho ang eksenang iyon sa utak ko. Lalong-lalo na si Sir J-Ty...
Sir J-Ty and his hot naked body...
Bakit biglang uminit?