chapter 8 meeting

1430 Words
Nang magising ako ng umaga, ay agad kong hinanda ang umagahan namin. Masama kasi ang pakiramdam ni lola ngayon kaya ako na lang ang nagluto para sa kanila. Nang matapos ko magluto ay hinanda ko narin ang aking binalot. Masyado kasing mahal ang ulam sa canteen kaya minabuti ko na lang na maglaga ng itlog. Ng mailagay ko na iyon sa aking binalot ay umakyat na ako sa taas para maligo at pumunta na sa office. Tulog pa ang anak ko, kaya dinampian ko na lang ito ng halik sa kanyang noo bago ako lumabas. Nang makalabas ako ay kinuha ko na ang paper bag sa lamesa at saka ko iyon binitbit. Pag labas ko pa lang ng bahay ay bumungad na agad sa akin ang ingay ng mga kapitbahay ko. Away dito, away doon, ang ilan pa sa kanila ay na inom ng alak habang nasa daan. Napabuntong hininga na lang ako dahil doon. Ito ang rason ko kung bakit nais ko ialis doon ang pamilya ko. Pagdating ko sa sakayan ng jeep ay agad akong pumara ng jeep para maaga pumasok sa office. Nang malapit na ako sa office, napansin ko ang mahabang traffic at hindi rin ito umuusad, kaya naisipan ko na lang na bumaba na lang para makapasok dahil malapit na rin ako malate. Pinili ko na lang maglakad hanggang sa makarating ako sa office. Dahil medyo amoy pawis ako, ay naisipan ko muna dumaan sa restroom para ayusin ang aking sarili. Medyo gulogulo rin ang buhok ko kaya sinuklayan ko iyon at inipitan ng maayos, saka ko pinunasan ang aking pawis at naglagay ng kaunting pabango. Ng maging maayos na ako ay nag tungo na ako sa office para ayusin ang mga papeles na kaylangan ni Mr. Wild. Pero bago ako pumunta doon ay naisipan ko na dumaan muna ng pantry para uminom ng malamig na tubig. Medyo nakaramdam ako ng matinding pag-kauhaw ng dumating ako dahil sa layo ng nilakad ko. Habang umiinom ako ng tubig sa water dispenser ay isang kamay ang nakita ko na sumahod rin sa water dispenser; may hawak rin ito ng baso kaya agad ako napatingin. Nagulat pa ako ng pagharap ko ay muntikan pa ako mapahalik dito dahil sa lapit nito. Hindi ko namalayan na nasa likod ko pala si Mr. Wild at nais din uminom ng tubig. “Mr. Wild,” gulat na wika ko rito. Pakiramdam ko ay biglang lumakas ang kabog ng aking puso dahil sa pagkakalapit namin dalawa. Amo'y na amoy ko ang mabango amoy nito at halos ikatulala ko rin ang matinding kagwapuhan nito. “Good morning, Ms. Dahlia.“ seryosong Pagbati nito sa akin. “Good morning din, sir.“ Nahihiyang wika ko. “Paki dala mamaya ng papeles ko sa office mamaya, at dalhan mo rin ako ng kape.“ “Sige, poh sir,” tumango ito at umalis. Habang ako ay patuloy na pinapakalma ang malakas na kabog ng aking puso. Ginamit ko pang paypay ang aking kamay upang mapawi ang kaba nararamdaman ko. Ng medyo ok na ako ay muli ako uminom ng malamig na tubig at saka ako nag timpla ng kape na dadalhin ko sa office ni Mr. Wild. Dumaan muna ako sa table ko at kinuha ang mga papeles ni Mr. Wild. Inabutan ko pa siya na may kausap sa cellphone niya at mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Inilapag ko ang kape sa ibabaw ng table nito at saka ko inilagay ang papeles na pinadala niya. Napatingin naman siya sa akin habang binababa ko iyon sa table niya. Paalis na sana ako ng tapusin niya ang tawag. “Ms. Dahlia, wait, wag ka muna umalis. Aalis tayo ngayon, may meeting ako sa isang client ko kaya isasama kita. Ayoko makipag-usap sa kanya kaya ikaw na lang ang makipagkita sa kanya.“ “Poh? Bakit po ako.“ “Dahil secretary kita! Don't worry, ako ang bahala sayo. Papipirmahan mo lang ito mga papeles na ito at wala kang gagawin iba. Siguraduhin mo lang na mapirmahan niya ito at pag natapos ay pwede kana umalis doon, ano? Kaya mo ba? “Napalunok ako ng tatlong beses, saka ako tumango sa kanya. “Yes, sir, kaya ko po iyan.“ Agad ito tumango at ininom ang kape tinimpla ko. Napatingin pa ito sa akin, saka siya huminto sa pag-inom ng kape na tinimpla ko. “Masarap ang kape mo, Ms. Dahlia.“ Napangiti naman ako sa papuri nito sa akin. “Salamat po, sir,” “Mukhang ito na ang Malimit ko iinumin sa umaga.“ Seryosong wika ito kaya napangiti ako. Matapos nito inumin iyon ay kinuha ko na iyon para hugasan sa pantry iniwan ko muna siya doon habang pinag-aaralan niya ang mga papel na dinala ko sa kanya. Ng mahugasan ko na ang tasa ay muli ako bumalik sa table ko at ginawa ang ilang trabaho. Nag-ring naman ang telepono ko kaya sinagot ko iyon. Narinig ko ang boses ni Mr. Wild sa kabilang linya kaya muli tumambol ang puso ko. “Ms. Dahlia, be ready. Aalis na tayo.“ “Sige sir, aayusin ko na poh ang gamit ko.“ Agad nito ibinaba ang telepono. Kaya mabilis ko ibinaba ang cellphone, at saka ko pinatay ang aking computer, at inayos ko rin ang mga papel na nagkalat sa aking table. “Ms. Dahlia, are you ready? “Wika nito sa akin ng makalapit ito sa table ko. Kaya tumango ako dito. “Yes, sir,” Agad ko kinuha ang bag ko at sumunod ako Kay Mr. Wild. Pag sakay namin sa elevator ay tahimik lang ako sa tabi nito ng bigla na lang nag sakayan ang maraming employee ng company. Dahil sa dami noon ay halos naipit na ako sa sulok hanggang sa napasandal na ako sa braso ni Mr. Wild. “Sorry sir,” Pag hingi ko ng paumanhin dito. Pero hindi ito umimik sa akin. Naramdaman ko na lang ang kamay. Niya na pimulupot sa aking baywang. “Let me hold you, para hindi ka maipit ng husto.“ Seryosong wika nito na ikinatango ko naman dito. Pakiramdam ko ay bigla nag-init ang pisngi ko dahil sa ginawa nito para sa akin. Matapos ng ilang sandali ay tumunog na ang elevator kaya mabilis na naglabasan ang mga tao at tanging kami na lang ang naiwan, dalawa. Agad lumuwag ang hawak nito sa akin hanggang sa kusa na niya tinanggal ang kamay niya, “Salamat po sir,” “It's ok, “ tipid na wika nito. Pagdating namin sa ground floor ay naglakad ito papunta sa isang kotse. Hinawakan ko ang pinto sa backseat para doon maupo. Pero binuksan nito ang pinto sa passenger seat. “Dito ka maupo, Ms. Dahlia. Ayoko magmukhang driver mo.“ Seryosong wika nito sa akin kaya napakawang ang aking bibig. Ganoon pa man ay sinunod ko na lang ang nais nito. Agad ko Sinara ang pinto ng back seat at pumasok sa passenger seat. Si Mr. Wild na ang nag-Sara noon para sa akin. Nang makapasok na ako ay pumasok na ito sa driver seat. At nag-simula na magmaneho. Tahimik lang ako sa buong byahe, at minabuti ko na lang ibaling ang attention ko sa aking cellphone. At nag-scroll sa aking social media accounts. Huminto kami sa isang mamahaling restaurant at inabot na sa akin ni Mr. Wild ang folder na papipirmahan ko sa ka-meeting nito. Pagdating ko sa loob ay hinanap ko agad si Mr. Sanchez. Agad lumapit sa akin ang isang babae na sa tingin ko ay manager ng restaurant. “May I help you, ma’am? “ “Hi, I'm Dahlia, Mr. Wild's secretary. Did you know where Mr. Sanchez is?" “Yes, ma’am, kanina pa po siya nag hihintay sa VIP room. Halika po kayo, samahan ko kayo sa kanya.“ Nakangiting wika nito kaya tumango ako rito. Naglakad kami patungo sa isang VIP room at kumatok doon ang manager ng restaurant, kaya agad ako pumasok doon. Nakita ko ang isang lalaki na nasa edad 50's na. “Sir, narito ang secretary ni Mr. Wild para kausapin kayo.“ Agad, ito tumayo mula sa kinauupuan niya at nilahad ang kamay niya sa harap ko. “Hi, Ms., I'm Rico Sanchez.“ “Hi, sir, I'm Mr. Wild's secretary. Ako po ang pinadala niya para kausapin kayo. Masama po kasi ang pakiramdam niya kaya hindi siya makararating. Agad ko inabot ang kamay ko sa kanya at tinanggap naman niya iyon. Agad sumilay ang kakaibang ngiti sa labi nito bago ako nito pinasadahan ng tingin ang buong katawan ko na naghatid ng matinding takot sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD