chapter 7 kwintas

1423 Words
Grayson POV Nagising ako sa malakas na pagtunog ng aking cellphone. Kaya mumukatmukat ako na sinagot ko ang tawag. Hindi ko na nagawa tingnan kung sino ang tumatawag, at basta ko na lang iyon sinagot. “Grayson, nasaan kana? Hindi ba at my meeting tayo? Pumarito kana ngayon din.“ “Lolo, pasensya na, papunta na ako diyan.“ “Mukhang kagigising mo lang, dahil na naman ba ito sa babae na iyon? Sinabi ko naman sayo, hindi ba, itigil mo na ang kahahanap sa babae na iyon. Nariyan naman si Sydney at bagay kayo dalawa.“ “Lolo, hindi ko siya gusto kaya pwede ba itigil na ninyo ang kapipilit ninyo sa akin.“ Seryosong wika ko. Agad ko pinatay ang tawag at saka ko iyon ipinatong sa isang coffee table. Napahilamos ako ng mukha dahil sa sobrang sakit ng aking ulo. Napatingin ako sa table at napansin ko ang isang sticky note na nakalagay sa table. Kinuha ko iyon at saka ko ito binasa. “Sir, pasensya na kung hindi na ako nakapag paalam sa inyo. Lasing na lasing po kasi kayo at oras narin ng out ko sa trabaho. Umuwi na poh ako at nilagay ko na rin sa table ninyo ang mga papeles na kaylangan ninyo pirmahan. Salamat poh.“ Agad ko bihaba ang sticky note at sumandal sa sofa. Habang pinapahinga ang pananakit ng ulo ko. Ng maging maayos na ako ay agad ko pinsadahan ng tingin ang aking sarili. Doon ay napansin ko na ang itsura ko. Wala na ako suot na kurbata at office coat. At bukas rin ang ilang bitones na suot ko long sleeves at wala ring suot na sapatos. Napakunot ang noo ko kaya agad ko kinuha ang aking cellphone para panoorin ang aking CCTV. Nakita ko ang pagpasok ng secretary ko sa aking office at ang pag-aasikaso nito sa akin. At ang pagkuha nito ng larawan sa akin. Hindi ko maiwasan na hindi mapailing at mapangiti doon. Unang beses na nakita ko siya, nakuha na nito ang attention ko. Maganda siya at sexy, at kita ko ang pagiging maamo ng mukha nito. Kilala ako ng tao sa pagiging mapanganib at kinatatakutan tao, pero hindi ko magawa magalit sa kanya ng matapunan niya ako ng Sardinas. Sa halip na magalit ay nagawa ko pa siya kunin bilang secretary ko dahil lang sa nalaman ko may anak ito na nasa apat na taon. Hindi ko alam pero naging malambot ang puso ko sa kanya. Bagay na hindi dapat, hindi ako pwede maging malambot hanggang hindi ko pa nakikita ang babae nakasiping ko ng gabi na iyon. Agad ko ibinaba ang cellphone ko at inayos ang aking sarili. Ng maging maayos na ako ay kinuha ko muli ang aking cellphone para tawagan ito. Nakailang ring iyon bago niya sinagot ang tawag, at mula sa kabilang linya ay narinig ko ang malambing na boses nito. Na nakapagpabilis ng t***k ng aking puso. Agad akong napatikhim upang alisin ang Bara ng aking lalamunan. Bago ako nag-salita. “Thank you for taking care of me.“ seryosong wika ko. “Mr. Wild?“ “Yes, it's me.“ “Wala poh problema sir, ginawa ko lang po ang trabaho ko.“ “Ganoon pa man ay salamat parin. Tumawag lang ako para magpasalamat.“ “Ahhh … ok poh sir,” “Sige, salamat.“ Ng masabi ko iyon ay agad ko binaba ang tawag. Pinagmasdan ko pa ang cellphone na hawak ko, at saka ko iyon sinilid sa aking bulsa. Ng maisilid ko na iyon ay saka ko kinuha ang lahat ng gamit ko para pumunta sa meeting namin. Agad akong nag-tuloy sa aking kotse at tahimik na minaneho iyon. Pagdating ko sa black market. Ay nag tuloy na agad ako sa aming office. Inabutan ko doon ang mga members ng black mamba. Kung saan ako nabibilang. Tahimik na naupo ako sa tabi ni lolo at nakinig sa mga hinaing ng mga members ng black mamba. Tahimik lang ako sa buong meeting habang seryosong nakikinig ang aking lolo. “Sir, nalalapit na ang pagdating ng mga illegal firearms na kaylangan natin maging ang mga kotse na ibebenta natin sa mga banyaga. Sa darating na linggo ay darating ang mga ito sa isla. Sakay ng isang barko.“ “Kung ganoon, doublehin ang ating tauhan at siguraduhin makarating ng maayos ang ating mga armas at sasakyan sa itinakdang oras.“ “May balita ba kayo sa black dragon?“seryosong tanong ko sa Kanila. “Ayon po sa nasagap namin impormasyon, patuloy po ang pag-papalaki ng kanilang grupo. At ayon din sa balita ay malakas ang negosyo nila. Tulad ng pagbe-benta ng mga droga at organs.“ “At pag nagpatuloy ang magandang takbo ng negosyo nila, maaring malagay sa alanganin ang pangalan ng apo mo si Wild,“ seryosong wika ng isang member ng Black Mamba. “Apo, kung ganoon, kaylangan na natin kumilos, kung hindi mauubusan tayo ng groupo na iyon.“ “So ano ang plano ninyo?“Tanong ko kay lolo. “Pakasalan mo si Sydney, makapangyarihan ang pamilya ni Sydney kaya nararapat lang na pakasalan mo siya.“ “Lolo, hindi ko gagawin iyon,” “At bakit hindi? Apat na taon mo na hinahanap ang babae na iyon at kahit anino niya ay hindi mo makita. Paano kung hindi naman siya nagkaanak? Apo, kailangan mo magpakasal kay Sydney dahil siya ang makakapagligtas sa atin.“ “Bigyan pa ninyo ako ng panahon para magdesisyon. Ayoko magpakasal alang-alang lang sa pangalan iniingatan natin. Kung gagawin ko man iyon ay sa tao na karapat-dapat. At hindi si Sydney iyon. Hayaan ninyo ako gumawa ng ibang paraan para isalba ang pangalan natin, Lolo." “Napakatigas talaga ng ulo mo, apo, para kang iyong ama. Puro puso ang inuuna ninyo kaya tingnan mo ang nangyari sa ama mo, inuod na sa lupa.“ “Bakit hindi na lang natin gayahin ang ginagawa ng black dragon. Mag benta na rin tayo ng dr*ga at organs.“ Agad akong napatayo mula sa aking kinauupuan at ibinagsak ko ang aking dalawang kamay sa isang mahabang lamesa. “Hindi tayo gagawa ng ganoon. Ayoko Madamay ang mga bata sa masamang gawain natin. Labag iyan sa patakaran na iniwan ng aking ama. Hindi tayo gagawa ng bagay na maaring ikapahamak ng mga kabataan. Bigyan ninyo ako ng isang taon para maibalik sa dati ang negosyo natin. At kung hindi ako makahanap ng paraan sa loob ng isang taon, gagawin ko ang gusto ni lolo. “Seryosong wika ko. "Pero napakatagal ng isang taon. Mr. Wild." “Sa oras na may nilabag kayo sa patakaran ko, asahan ninyo ako mismo ang papatay sa inyo. Galit na wika ko at agad ako umalis sa meeting namin. Napakuyom ako ng aking kamao sa labis na galit at nagpasya na lang umuwi. Ang black dragon, ang isa sa pinakamatinding kalaban namin sa negosyo. At sa sandaling ito, ako ang humahawak sa buong mafia at kinikilalang mafia king. Bagay na hindi matanggap ng ilan, kaya may ilan sa samahan namin ang tumiwalag at nagbuo ng isa pang grupo. Ang layunin nila ay talunin ako at sila ang bago maupo sa aking trono. Ako ang pumalit sa aking namayapang ama ng mamatay ito dahil sa pag-alyansa ng ibang myembro ng organization. At dahil doon ay mas naging mahigpit ako, at dahil doon, ang ilan sa kanila ay ayaw sa akin na maging pinuno. Kaya para maisalba ito, kaylangan ko pakasalan ang anak ng isang dating mafia leader na pinalitan ng aking ama. Ayon sa kagustuhan ni lolo. Bata pa lang kami ay pinagkasundo na kami. Pero nawala ang batang iyon kaya si Sydney ang pumalit sa kanya. Pero dahil ayoko kay Sydney, marami sa kanila ang patuloy na umaalis sa grupo para sumama sa kabilang grupo. Ganoon paman ay wala akong pakielam dahil para sa akin ako ang magdedecide ng buhay ko at hindi ang ibang tao. Natuloy ako sa aking condo. Dahil ayoko makita si lolo. Pagdating ko sa condo, kumuha ako ng isang bote ng wine, at muli ko ininom iyon. Naupo ako sa aking sofa hanggang sa napadako ang tingin ko sa table ko. Agad akong lumapit doon at hinila ang isang drawer. Doon ay nakita ko ang isang kahon at binuksan iyon. Muli ko kinuha mula roon ang kwintas na nakita ko sa ibabaw ng aking kama at saka ko ito pinakatitigan. "Alam ko malapit na kita makita. Malakas ang kutob ko na nasa paligid lang kita." Mahinang wika ko sa aking sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD