Sobrang sakit para sa akin makita nahihirapan ang aking anak na si Conan. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng malaking halaga para sa pagpapagamot niya. Sinubukan ko tawagan ang matandang lalaki na pumupunta sa bahay, pero hindi ko siya magawa tawagan. Pakiramdam ko ay nag-iisa ako ng sandaling iyon kahit nariyan naman sina lolo at lola. Hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas ng mga oras na iyon. At kung paano ko malulusutan ang problema ko. Kanina lang hinatid ko siya sa paaralan at sobrang saya niya, pero ngayon narito na siya sa isang hospital bed at wala parin malay. Never nag kasakit ng malala ang anak ko kaya pakiramdam ko ngayon ay durog na durog ako. “Iha ok ka lang ba?“Wika ni lola. Doon na nag simula ang pagtulo ng luha ko. “Hindi ko alam ang gagawin ko, lola. Paan

