“Handa ka na ba? " “Uo, kung ganoon, halika na, hinihintay na tayo ni madam. Baka magalit pa iyon satin.“ Agad nito hinawakan ang kamay ko at naramdaman niya ang panlalamig ko.“ “Grabe ang lamig mo ahhh… Kinakabahan ka masyado.“ “Sino ba naman ang hindi kakabahan, friend? “Wag kang matakot, wala naman masama mang yayari sayo doon, sasayaw lang tayo.“ Nakangiting wika nito kaya tumango ako dito, hinila ako nito sa isang sasakyan hanggang sa makarating kami sa isang hindi pamilyar na lugar. Isang mataas na building ito at maraming mga lalaki ang may hawak na baril. Kanina, bago kami makarating sa lugar na iyon, ay nilagyan kami ng piring sa mata kaya hindi namin alam kung saan kami dinala. Ang kwento pa ni Cindy, ito ang pangatlong beses na nakarating siya doon, kaya medyo nasanay na r

