Halos hindi ko na maigalaw ang aking mukha dahil sa dami ng aking pasa, at namamadhid na rin ito dahil sa mga sampal na aking natamo. Pakiramdam ko ng sandaling iyon ay katapusan ko na dahil sa ginawang pagpapahirap ni Sydney sa akin. Halos umikot narin ang paningin ko sa sunod-sunod na suntok na natanggap ko sa kanya . Hanggang sa bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang matandang lalaki . Malakas ang dating nito pero makikita mo ang pagka-istrikto nito . “Sydney, tama na iyan,“ suway nito sa anak niya. Kasakasama nito ang ina ni Sydney, kaya alam ko na ama ni Sydney ang bigla na lang dumating. “Dad, narito na pala kayo, narito na ang babae kinakabanaliwan ni Grayson. Tingnan ninyo siya. Talaga naman, binigyan ko siya ng magandang make up para sa kasal nila ni Grayson. Hindi ba'

