Dahil sa nangyari ay agad dinala ni Roberto si Dahlia sa ospital. Pagdating sa loob ay agad inasikaso ng mga doctor si Dahlia at ipinasok sa E.R. “Sir, ano po nangyari sa pasyente? “ Wika ng doctor. “Tinamaan siya ng bala sa dibdib niya, nakikiusap ako sa Inyo gamutin ninyo siya at gawin ang lahat para mabuhay siya. Handa akong magbayad ng malaking halaga para lang sa kanya.“ Nakikiusap na wika ni Roberto sa mga doctor na naroroon. Agad naman sumunod ang mga doctor dito at mabilis na inasikaso si Dahlia. “Roberto, ano ba nang yayari? “Nag-aalalang wika ng Ginang sa kanyang asawa. “Nagkamali yata tayo, mahal.“ “Ano ibig ninyo sabihin, Dad?“ “Nakita ko sa kanya ang kwintas, ang kwintas ng anak natin si Lara. Ang matagal na nawawala nating tagapagmana.“ “What? Ibig mo sabihin siya

