Matapos akong yakapin ni Grayson, ay agad lumapit sa akin ang aking anak . “Mama, congratulations, ikakasal na kayo ni Papa. Nakangiting wika ng aking anak at saka ako ginulugulo ang buhok nito . “Oo, anak, at bubuo na tayo ng masayang pamilya kasama ang papa mo .“nakangiting wika ko sa kanya at saka lumapit si Grayson akin at hinlikan ako sa aking labi . “Bukas na bukas, magpapahanda ako ng dinner para sa ating lahat. Gusto kong hingin ng pormal ang kamay mo sa mga lolo't lola mo.“ “Talagang inihanda mo ito talaga para sa akin, salamat Grayson, mahal na mahal din kita .“ Nakangiting wika ako sa kanya, agad naman itong tumango sa akin at niyakap ako na mahigpit; matapos noon ay napagpasyahan na naming umuwi sa bahay. Pagdating namin doon ay patay na ang mga ilaw dahil gabi na . Mahim

