Kinaumagahan, nagising na lang ako na nasa tabi ko na si Grayson. Hindi ko alam kung anong oras ito nakauwi dahil sa labis sa pagod ko kahapon. Dahan-dahan akong bumangon upang magluto ng umagahan. Agad akong nagtungo sa banyo para maligo, at nang matapos ay lumabas na ako para magbihis. Nang makabihis na ako, ay agad ako nagluto ng umagahan namin nina Grayson. Maaga kasi ang alis namin papunta sa isang mall para mamili ng mga bagong damit ng anak naming si Conan. Matapos kong magluto, ay narinig ko na matinis na boses ng aking anak. “Good morning, Mama. Bati nito sa akin agad, ito lumapit at hinalikan ang aking pisngi. “Good morning, anak.“ “Umuwi po ba si Papa kagabi? “ “Tulog na tulog pa siya sa kwarto. Mabuti, papuntahan mo siya at gisingin.“ Nakangiting wika ako sa kanya. ag

