"Kamusta ka, ayos na ba pakiramdam mo?" Wika ni Zinky sa akin. Kasalukuyan na nasa tapat kami ng isang convenience store. Kung saan pinili ni Zinky na tumigil upang bumili ng tubig. Wala kasing tigil ang aking pag-iyak matapos ng nangyari kanina sa akin. "Kilala mo ba ang mga tao na iyon?" Tanong nito sa akin na ikinailing ko rito. "Ngayon ko lang sila nakita at hindi ito ang unang beses na plano nila akong dukutin." "Bakit? Anong dahilan at plano nila ikaw dukutin? Alam mo ba ang dahilan?" "Hindi ko alam, pero salamat sa pagligtas sakin." "Wala iyon, sakto lang na nakita ko ang lahat ng nangyari sayo kaya hindi na ako nag-dalawang isip na tulungan ka." "Salamat, huh, kung hindi ka dumating, baka may nangyari na sa akin masama. Naramdaman ko ang paghawak nito sa aking kamay at an

