Second Semester
❀ Elize
By the next semester binigyan kami ng Special Project ng Prof namin, pa Contest daw yun ng isang prominent na Business Club sa Makati. Isang Feasibility Study Business Plan ang pina pagawa nila.
Si Gabriel Mojica at ako, plus 2 pa naming classmate ang Team na mag represent our school.
- Naku naman tong mga Prof namin di pa ba ako busy neto... Pano yung pag Student Assistant ko haayuuuu...
Dito nag simula ang mas malalim naming friendship ni Gabriel. Lahat na halos ng free time ko na punta sa Special Project. Hindi din namin mapabayaan nalang at grades namin ang naka salalay dito. Buti nalang magaling talaga ito si Mr. Mojica, sabi niya may experience na daw siyang gumawa ng ganito plus ung ibang subjects niya sa US malaking tulong din.
Gumagawa siya ng iba't ibang proposal tapos tsaka kami ng deliberate kung alin ang ididevelop namin.
"What you think sa mga Proposals??" tanong ni Gab
"I like the Sustainable Tourism one" sagot ko
- Ewan ko ba may pagka Environmentalists din kasi ako
"Hindi mabilis ang ROI dyan..." sabi nung isa naming ka Team.
"But in the long run dahil sustainable siya makaka bawi ka din" anas din nung isa pa
"Ok Let's vote, para walang sisihan"... sabi ni Gab
"Farm to Table Restaurant Project" ang nanalo...
Wala namang akong against dun gusto ko din talaga yun medyo mas broad lang kasi sakop sa "Sustainable Tourism" sana... anyway majority wins.
~~~~~
"Gurl wala ka ng time sa amin... mukhang mas love mo na si Mr. Mojica mo" sumbat ni Lucas
"Grabe siya Love na agad" sagot ko
"Nahahalata ka na kaya, impress ka na sa kanya" tukso pa ni Lucas sa akin, nag ba blush ka pa...
Puro na kasi Mr. Mojica or Gabriel ang kwento ko sa kanya...
"Guard your heart Dear, kilalanin muna ng buong buo bago mag tiwala" maka hulugan niyang pag papaalala nya sa akin.
Medyo napaisip din naman ako dun. Hindi ko pa nga totally kilala si Gabriel. Gaano ba sila ka yaman, sino ba parents niya, may mga kapatid ba siya. Masyado siyang misteryoso hindi kasi siya pala kwento.
He has been sweet, hinahatid na niya ako sa bahay. Lalo na pag late na kami nakakauwi dahil sa Special Project na yan.
Lagi na din siyang naka bunot sa amin nila Lucas. At etong puso ko lagi nalang kabado pag andyan siya. Ang gwapo naman talaga kasi niya at panay ang pa simpleng kindat or pa cute na smile sa akin... sarap na nga kaltukan minsa eh…
~~~~~
** Flashback to the First day of school of the new semester
"Hi Elize na miss mo ko???" Isang baritonong boses bumulong mula sa likod ko habang nag aantay kami ng Prof.
"Bat naman kita ma mi miss aber???" naka simangot kung sagot sa kanya...
- Kasi nga one week hindi siya mag pakita at dumaan nga sa bahay wala naman ako
"Ay masungit, Sorry po Mam Elize..." malambing niyang sagot
Nilapag niya sa desk ung isang Book ni Margaret Atwood, nan laki mata ko... excited akong humarap sa kanya...
"This is for me???" naka taas pa kilay kung tanong sa kanya... but with matching super big smile...
"Hindi po akin yan???" sabi ni Emma, sabay kuha ng Book... "Thank you Gabriel" lingon niya dito...
"Huwag kang mag alala papahiramin ko yan si Elize" sabay tawa tsaka binalik ung Book sa akin...
"Mag Thank you ka po, Mam Elize??? Hey! where are your manners" sermon neto sa akin.
"Kung akin yan baka na yakap ko na mag bigay niyan sa akin" bulong niya sa akin sabay tawa...
Nag Blush tuloy ako...
"Thank you Gabriel" mahinahon kung sabi habang nakaharap sa kanya... medyo awkward tuloy ako,
- Ito kasing si Emma…
**The Past Few Weeks naman...
"Hatid na kita" nang minsang ginabi kami
"Mahirap mag commute niyan gabi na masyado" may pag aalalang sambit ni Gabriel...
- Yung first time niya ginawa yun tahimik lang kami sa sasakyan pero paglaon naging at ease naman na ako...
Nung last time na hatid niya...
"Good Evening po Mam Felize, inihatid ko lang po si Elize ginabi na kasi kami"... sabay manong kay Nanay
"Pasok ka muna Anak... kain ka na muna bago ka umuwi" pati si Nanay close na ata sa kanya...
"Salamat Nanay" naka ngising sagot niya...
"Kain daw tayo, Tara na gutom na ako" biro neto sa akin... ganyan na siya ka at home sa bahay, minsan gusto ko na tuktukan para ma tauhan…
**Almost Every Nauwi sya sa province naman...
Pag balik niya ng Manila nadaan siya sa bahay, kung ano ano dalang pasalubong kay Nanay... Fruits, Kakanin, minsan naman...
"Good Evening Nanay" bati ni Gabriel, Sunday today may dala siyang Insulated na Baunan...
"Elize, may surprise ako sayo... tara sa kusina tulungan mo akong initin"
"Ha ano ba yan" nakakunot noo ko...
"Masarap ito huwag ka na sumimangot... tatanda ang Face
This will surely make you Smile" kulit niya pa
Ramen at Maki dala niya... muntik ko na siyang mayakap sa saya favorite ko kasi yun...
- Buti nalang malakas ang powers ko mag pigil. Grabe ang kabog ni heartie heart ko... enebenemen kassheeee…
- Hayyy?! dami na niyang pinapakitang sweetness overload sa puso ko, sweet siya Pag kami lang pero Pag Sa school serious lagi, kaya na lilito ako...
- Bahala na si Batman, hindi naman agad ako ma in love sa mokong na ito... siguro…
"Hooooyy lalim isip natin ah???" singhal ni Lucas na nag pa balik sa akin sa kasalukuyan.
"Lucas di ba former classmate mo naman si Gabriel? tanong ko sa kanya
"Hmmmppp Bakit, if you'll ask me something about him, sa kanya mo nalang tanong huwag sa akin" inunahan na nya ako...
"Grabe ka naman, curious lang naman ako..."
"Anak mayamam siya, Eldest siya yun lang pwede ko sabihin, baka masabihan pa akong tsismoso" anas niya
~~~~~
Halos ka sabay ng Final Exams ang presentation namin nung Special Project. Sa akin naka toka ang Introduction ng presentation namin, kaya medyo super kabado ako.
Puro mga Billionaire Businessman ang nasa Panel of Judges. Naisip ko nalang kailangan ma impress sila sa amin para at least kung later mag apply kami sa kanila eh maalala nila kami.
"Don't be nervous, isipin mo nalang isa ka ng Successful Businesswoman na mag pi present sa Board ng Business Proposal mo..." pag papalakas ni Gabriel sa loob ko...
"You're Beautiful and Confident, sila dapat na intimidate sayo" bulong niya pa, ang lapit na ng labi niya sa mukha ko... I can feel and smell his minty breath...
- Kaka tong mamang to, mahahalikan na ako...
- Haaayyy... Uyyy Ateng huwag ka masyadong advance mag isip dyan
We are really getting close...
- Ito namang puso ko naman ayaw paawat sa pag takbo ng mabilis pag nasa malapit ang Anak ni Adonis na ito...
- Haaayy puso slow down
~~~~~
✰ Gabriel
Elize is so Beautiful today, nag ayos kasi siya… mas na enhance ang kanyang ganda. Kaka gigil gusto ko siyang halikan at yakapin kanina.
- Sure sampal aabutin ko kung di ako mag pipigil.
She's confidently beautiful sa introduction niya, kitang kita sa mukha ng mga judges na impress sila. Kung ako ka harap neto sa Board Meeting... I'm sure di ako makakapag concentrate sa ganda ng kaharap ko...
I've been busy impressing her, mukhang nag bubunga naman pero feel ko pa din ang pag pipigil niya sa sarili nya. Kaya ayokong mag madali baka matakot siya.
Kahit si Nanay medyo nakaka palagayan ko ng loob, siya naman talaga dapat kung unang ma impress if I like to be with Elize.
~~~~~
**Epic ung reaction nya dun sa Margaret Atwood...
"Hi Elize na miss mo ko???" bulong ko sa kanya
"Bat naman kita ma mi miss aber???" naka busangot sya... parang galit kasi nga one week akong hindi nagpakita… assuming and feeling ko lang
"Ay masungit, Sorry po Mam Elize..." biro ko pa
Nung makita nya ung Book ni Margaret Atwood...
"This is for me???" tanong nya with the sweetest smile
- Gusto ko syang halikan at yakapin ang cute ng reaction nya... lalo ng inasar siya ni Emma…
**Yung mga unang beses na hinahatid ko siya.. tahimik lang siya binibiro ko nalang lagi, ngayon ma kwento na siya. Minsan nasabay ako sa jeep pero pag late na hinahatid ko ng kotse.
"Sayo to?" tanong niya nung first time namin ginamit yung kotse... Sabi ko sa kasama ko sa apartment baka mayabangan kasi. Pero alam kung di siya convince pero di na siya nag usisa pa... gamit ko din kasi pag na daan ako sa kanila pag Sunday.
**Yung may dala akong Ramen at Maki ang the best talaga... Muntik na niya ako mayakap sa saya niya
- Haaayyy halikan kita dyan eh makita mo…
~~~~~~
"Naka ngisi ka mag isa dyan" bati ng isang naming ka Team...
"May na alala lang ako"
"Si Ms. Elize ba yan?" biro niya
- Kung alam mo lang... Hayyyy isip isip ko...
Ang "Friendship Foundation" na tinatatag ko now… I'm sure mag bubunga ng maganda...
- But I want to be more than friends with her.
I knew it the first time I saw her, she'll be a special part of my life. She changed me without me knowing it.
Hulog na hulog na talaga ako sa kanya... ngayon lang ako nag antay ng ganito sa babae...
Lahat na halos ng nagustuhan ko dati sila pa nag kandarapa sa akin. Ni hindi ko kailangan manligaw.
But then I know Elize is worth the wait.
"Ladies & Gentlemen, here are the results!" the moderator announced, which brings me back to the present...
At hindi nasayang ang sacrifice namin... kami nanalo
"We Won!!!!" sabay pa kami ni Elize
Napa Group Hug kami…
~~~~~
"Gabriel !" tawag ni Lucas sa akin, worried face niya
Hinatak niya ako papalayo kina Elize...
"Nakita ko ang Parents mo sa labas" sabi niya...
S**t... hindi pwede to...
"Paki sabi kina Elize na una na ako" paki usap ko kay Lucas...
Mabilis akong lumabas, nakasalubong ko si Mommy... Papasok na siya sa Hall. Buti nalang... hinatak ko na siya palabas... nakakahiya pag may nakakita sa kanila dun baka ma question pa ang pagkapanalo namin sabihin na influence nila ang judges. Kahit na wala talaga silang alam na kasali ako.
"Mom, Dad what are you doing here" worried kung tanong...
"May meeting Daddy mo kanina diyan sa kabila, nakita ko si Lucas sa Lobby sabi niya nasa Contest ka daw kaya sisilipin sana kita" sabi ni Mommy
"Mommy, nakakahiya kasi baka sabihin ng iba na kaya kami nanalo dahil sa inyo... kawawa naman mga ka Team ko na nag pagod din dun sa Project" sagot ko
"Sinabihan ko yang Mommy mo kanina, masyado yatang na excite tumuloy pa din" sabi ni Daddy
"Let's Go, we need to be out of here" aya ko
~~~~~
❀ Elize
"Lucas nasaan si Gabriel? tanong ko habang naka tingin sa likod nya...
- Nakita ko kasing lumabas siya ng Hall at parang hinila niya yung babaeng nakasalubong niya... sino yun...
"Nauna na siya, may emergency yata sa kanila"
"Wag ka na malungkot andito naman ako"
- Napansin niya siguro ang pag lungkot ng face ko...
"Tara I'll treat you dinner... dahil Winner ka, daanan natin si Emma, nasa Lobby siya iniwan ko kanina" pinapasaya niya ako...
"Thank you my friend ikaw talaga "Joy" ng buhay ko" masayang sagot ko kanya... Buti nalang andito silang mga besties ko...
- Sayang wala yung mamang pogi
"Congratulations Gurl!" bati ni Emma sa akin...
"Asan si Prince Charming?" hirit pa niya
"May Emergency sa kanila..." si Lucas na din sumagot
"Huwag na natin hanapin ang wala... dito naman kayo my Besties" masaya kung sagot...
Masaya kaming ang Dinner treat naman ni Lucas kaya dinamihan namin ni Emma ang order... ganyan kami mukhang patay gutom pag libre...
Na sanay na din si Lucas sa amin... pero palagi niya kami pina pangaralan ng mga etiquette sa pagkain. Para daw pag mayaman ang mapangasawa namin, we know how to act sa harap ng family neto.
Siya ang Teacher namin, sa anything pang mayaman
Sa pagkain, sa pananamit, sa pag asikaso sa bahay at kung ano ano pa... kung saan saan nagbabakasyon mga filthy rich etc.
Nang maka uwi kami, Tsaka ko nakita mga messages ni Gabriel... pati 10 missed calls...
- Praning aalis alis kanina tapos ngayon tatawag...
Messenger
Gabriel : Sorry po kanina hindi man lang ako nakapag paalam sa inyo... lalo sayo... sad emoticon
Gabriel : Sorry na rin hindi man lang tayo nakapag celebrate after...
Gabriel : Sorry na, please sagot ka naman
Gabriel : Sorry na po, wag ka na magtampo… babawi ako pag balik ko promise... Sorry na po...
Gabriel : Naka uwi ka na ba? Sagot ka naman please...
- Hala, kala ata nya nagalit ako kaya hindi ako na sagot.
Messenger
To Gabriel : Hi Sorry.. now ko lang nabasa mga messages mo... nag Dinner kasi kami nila Lucas
To Gabriel : Don't be Sorry, Ok lang naman po sabi ni Lucas may Emergency ka... hope you're OK,
To Gabriel : Wala po akong karapatan mag tampo sayo Sir (with smiley emoticon) Nakauwi na po ako... Goodnight...
Maya maya nag ring phone ko... Tumatawag si Gabriel
- Ano ba naman itong mama... Sabi ko Goodnight na, Tsaka pa tumawag...
"Hello po" pa bulong kung sagot
"Hi! sleep ka na? bedroom voice na boses nya...
-Haaayyy, kaka talaga... ina akit pa ata ako... Di ako makaka tulog neto eh...
"Nag Goodnight na nga po ako hindi ba" sagot ko
"Gusto ko lang naman marinig boses mo bago din ako matulog" malambing niyang bulong...
-S**t !&$& Gabriel what's happening to you...
"Goodnight my Elize, sleep na tayo" bulong niya ulit
-Ano kaya nangyari dito parang timang...
"Goodnight Gabriel" sabay patay ng phone
- S**t! ang totots... kinikilig ako sobra...
- Haayyy pano pa ako makaka tulog neto... bwisit kang puso ka... stop beating that hard...
~~~~~
✰ Gabriel
"Goodnight Sweetheart" bulong niya ulit sa phone
Alam ko namang call ended na... Hindi ako lalo makaka tulog neto eh...
Kailangan kung maka bawi kay Elize sa pag alis ko ng walang paalam... kasi naman eh, haayyuuu... minsan talaga, pag mamalasin ka nga naman.
Padalhan ko kaya ng Flowers?
- Kahit isang piraso lang... para hindi halatang… I'm into her. Ayoko mag madali we need a deeper foundation sa gusto kung mangyari para sa amin.
I'll take her to Dinner and Movie? First Date?
- Wala naman magandang movie ngayon, ayoko ko pa naman sa mga romantic movies hehehe... action adventure lang ako...
Movie marathon sa Apartment ko?
- Ay medyo mahalay... baka hindi ako maka pag pigil malandi ko siya. I've been controlling myself whenever she's near. Those luscious lips how many times I've dreamed of kissing it. Her body is to die... that's the reason I've been avoiding her in the swimming pool.
Dinner or Lunch Date ko sila ni Nanay...
- I'm sure ma tutuwa yun, this one is better...
Sana ma impress siya...
- Koyang baka naman gusto mo matulog na, anong oras na oh umaga na...
Oh my... Shaakksss Umaga na nga... kaka iisip ko sa mga gagawin ko for Elize...
- Grabe ka Sweetheart... pinupuyat mo na ako ha
- Hmmmpp pa kiss nga dyan... haayyy I'm dreaming of her already, S**t I'm so doomed...
To Elize : Good Morning my Elize