With Nanay
❀ Elize
Late na ko nagising kinabukasan, buti nalang weekend. Kasi naman itong si Gabriel tumawag pa… tuloy etong heartie heart ko masyadong kinilig ayaw mag pa tulog.
- I don't know what to feel really, he's been sweet but still secretive. I would like to believe that we are Friends and I do hope we are kahit madami pa rin akong questions sa pagkatao niya.
Messenger
Gabriel : Good Morning my Elize
- Ang aga naman ng message neto, Hala madaling araw pa... napuyat kagaya ko...
- Ikaw ha, Mr. Mojica you've been thinking about me aaiissttt... Gurl assumera ka na...
~~~~~
Buong maghapon na walang paramdam ang mokong na Gabriel, kakainis...
-Yung last na message niya yung nung madaling araw pa. Akala ko babawi siya, paasa...
- Pag nagkita tayo "Who you" ka sa akin...
- Babawi pala ha, babawian kita loko ka...
Naglaba ako, naglinis na din ng bahay... nagtataka na nga si Nanay ang sipag ko daw. Kung alam lang niya sa asar ko to sa taong paasa... Haaayyy kaka...
After kung mag linis, hindi pa din ako mapakali nag aantay sa wala.
Hindi din ako makatulog inabutan na ako ng hapon kaka ikot sa higaan.
- Anong nangyayari sa akin bakit iritable akong hindi siya nagpaparamdam, ano ba yan nagiging clingy ako... ano ba yan tssskkk...
"Nay! jogging muna ako" paalam ko
"Sige Anak... Ingat ka"
Papagurin ko nalang sarili para makatulog, Bwisit !…
~~~~~
The Next Day
Mga bandang 10am kami nag simba ni Nanay, ganun oras kami lagi para lunch out kami after.
After the mass...
"Elize may "artistang" nag hahanap sayo" sabi nung ka kilala namin sa church
"Ha? Artista?" naka kunot noo kung sagot
"Yes, kapoging mama kasi... ay ayan na pala" sambit niya with kindat pa...
"Good Morning Nanay, Hi Elize" bati ni Gabriel with his most dashing smile...
Ang dami ng nakatingin sa kanya, nga naman artista. Ano ba kasi ginagawa neto dito.
- Ang pogi masyado. Masarap yakapin... bakit ba kasi pa macho ang suot...
- Fitted long sleeves paired with jeans pero S**t ang s*x appeal oozing... at ang bango
Para na naman nagwawala ng aking puso. Naka kita ng Adonis ang landi...
-Hooy magtigil ka heartie heart diyan... paasa siya kahapon di ba,
-Kala ko ba "who you" haaaa... ngayon landi na...
Kay Nanay siya unang lumapit para mag manong...
Tsaka niya ako ulit nginitian ng pag ka tamis tamis sabay dutdot sa mukha ko. Nangungulit... ganyan siya pag naka busangot ako...
"Nay, lunch tayo... sama na rin natin si Elize" bulong niyang biro niya kaya Nanay, inirapan ko siya
"Ikaw talaga, ayan naka busangot na ulit siya... kahapon pa yan ganyan" pam bubuking ni Nanay
Lumapit siya sa akin...
"Elize Hello po... Tara Lunch tayo nila Nanay" with matching dutdot ulit sa face ko...
- Hmmmppp kakagigil itong mamang to, kung hindi to pa pogi ngayon na umbag ko to...
"Anak bawal tumanggi sa grasya" sulsul pa ni Nanay
Pati ba naman Nanay ko, na dala na niya sa pa charming niya...
"Saan ba tayo?" naka busangot pa din ako
"Tara na Nanay, sasama na din daw si Elize" asar niya sa akin...
- Di na ako naka pag pigil hinapas ko siya ng bag ko
"Aray naman kasi, bawal manakit" pa bebe niyang anas
Nauna na ako lumakad... nakasunod sila ni Nanay naririnig ko hagikhik nila, Napangiti ako at least nag kaka sundo sila ni Nanay.
- Gabriel, dumadami na ang check mo sa checklist ng Man of my Dreams list ko.
Ipinag bukas niya ng pinto si Nanay sa likod siya kasi sasakay, tatabi na dapat ako kay Nanay. Hinawakan niya ako sa kamay, sabay bulong...
"Tabi tayo sa harap, kawawa naman ako" tsaka nya ako ipinag bukas din ng pinto,
"Thank you" nalang nasabi ko
Sa isang Japanese Resto nya kami dinala,
- I'm sure inaakit na talaga ako neto.
Nag pa reserve na daw siya nag order na din para hindi kami mag antay ng matagal. Grabe talaga tong mamang to, pa impress.
Masaya kaming nag Lunch, maasikaso siya kay Nanay, pati din sa akin, but he's extra sweet kay Nanay. Dami niya ni order, take out nalang daw namin pag hindi naubos.
"Anak baka naman naubos na allowance mo dito" sabi ni Nanay sa kanya...
"Wala po yun, mag titipid nalang po ako sa mga susunod na araw, minsan lang naman po ito" sagot niya
- Basta para kay Elize ko, gagawin ko lahat... isip isip ni Gabriel
"Gabriel, may point si Nanay" sabi ko naman
"Wag kayong mag alala Nay, pag wala na po ako makain punta nalang ako sa inyo dun ako makikikain" biro niya pa
Natawa si Nanay
"Walang problema Anak, anytime" sagot nito sa kanya
~~~~~
After Lunch, hinatid niya na kami sa bahay. Si Nanay direstso siesta pagka dating namin.
Kala ko aalis na siya, tumambay pa.
"May pasalubong pala ako sayo" sabi nya
Bumalik siya sa kotse para kunin yun...
Isang malaking White Rose binigay niya...
"Congratulations" nakalagay sa Card, pananlakihan ko siya ng mata, pambawi niya daw sa pag alis niya ng maaga after nung Contest...
- Pa kilig nemen ito masyado...
"Thank you" sabay pingot sa ilong niyang matangos
"Wala ba akong Kiss?" Pa bebe ni Gabriel
"Excuse me???" Taas kilay kung sagot sa kanya
"Joke lang, ito naman di na mabiro"
- Ano supalpal ka noh, kasi naman eh… maka hirit kasi eh - anas ng utak ni Gabriel
- Joke lang nga sagot ko kay brain...
~~~~~
Nanood lang kami ng TV, mamaya na daw siya uuwi kasi. Tahimik lang kami.
Medyo inaantok talaga ako kasi naman itong Mama tagal umalis. Hindi ko napansin naka idlip na ako... nagising ako sa na nakasandal sa braso nya...
- S**t kakahiya, OMG
"Ayan gising ka na pala, kanina ka pa na nantsing diyan eh" biro niya sa akin
"Hindi ba ako tulo laway??" biro ko nalang din
"Matagal ba ako naka tulog? tanong ko pa
"Mga 30mins din siguro, naka yakap ka na nga akin kanina eh" asar niya pa...
"Hoooyyy, hindi yan totoo" sabay hampas
"Aray, sa susunod you'll pay for your actions" hawak niya braso niyang hinampas ko...
- Next time hahalikan na talaga kita, makita mo... isip isip ni Gabriel…
~~~~~
✰ Gabriel
Ganda tingnan ni Elize habang tulog, ang mala Dyosa niyang mukha apaka peaceful.
Sarap amuyin ng buhok. Yun lang nagawa ko, di ko magalaw kamay ko baka magising kasi. Sarap sanang halikan ang naka pout pang red lips.
- Pasalamat ka gentleman ako and I respect you very much... Gigil, mo ko eh, My Elize...
- Haayyy habaan mo pa pasensiya mo Gabriel she's not like the other girls you've met then, she's different and precious. You can't lose her with your aggressiveness. Patience...
Mabilis lumipas ang mga araw, after nung manalo kami lahat naging busy. Sa Exams, Reports, Clearances etc. Tapos end of the school year na. Grabe last year na namin next school year.
"San kayo mag school break???" tanong ko sa kanila
Si Emma :
"Province ako... Miss ko na parents at mga kapatid ko"
Si Lucas :
"May Family Trip kami, di sana ako sasama di pumayag si Mommy"
Ako :
"Baka after 2 Weeks, balik ako sa States... may mga kailangan pa akong ayusin para makasabay sa Graduation this coming school year"
- Malungkot kung sabi sa kanila… napapadalas na ang pakikipag bonding ko sa mga katropa ni Elize at mukhang tanggap naman na nila akong kasama…
"Dito lang ulit ako Manila" sabi ni Elize
“Busy din kasi si Nanay sana maka pag vacay kami kahit overnight man lang.” habol niya pa
"So pano messenger nalang or Viber or text nalang muna, I'll miss you guys" hirit niya
"Ayan ha Guys narinig niyong lahat, She'll Miss me" biro ko sa kanilang lahat
"Siya kayo na, sagutin mo na kasi yan si Gabriel... Elize" dugtong naman ni Emma
"Ang tanong nanliligaw ba, mukha namang hindi" hirit naman ni Lucas
"Ano ba yan, I will not miss you Guys... ayan para wala ng gulo" sabi ni Elize kasabay ng kanyang apaka famous na pag-irap…
"Grabe siya, di na mabiro" pang aamo ko
"Tara na po, ihahatid na kita..." aya ni Gabriel sa akin
"Para di mo ko ma miss masyado" bulong ko pa sa kanya... ang lapit na naman ng labi ko sa tenga niya, amoy na amoy ko ang halimuyak niya…
Hinampas niya ako, buti mabilis na reflex ko… naka ilag ako… mapahalakhak na rin ako.
- Bigat pa naman ng kamay niya…
~~~~~
❀ Elize
Weeks After
Walang pa ramdaman kaming lahat... ganyan kami nila Lucas at Emma. Para ma miss daw namin ang isa't isa, drama namin yun. Pati to si Gabriel naki sali din. After niya ako ihatid nung last day of class sabi niya… “Huwag ko daw siya ma miss masyado” Loko talaga yun.
Messenger
Gabriel : Hi! How are you, Miss ko na ako? (smiley emoticon)
Gabriel : Sabi ko naman sayo, Don't miss me...
Elize : I'm OK na sana, may nag message na mokong
- Hmmmppp di ko siya na miss...
Gabriel : To naman... Hello my Elize, Miss you! Ako talaga naka miss sayo, totoo po yun...
Gabriel : Pwede ko ba kayo invite ni Nanay…
Pasyal tayo... kina Lucas naman ung Rest House diyan sa Tagaytay.
Elize : Ha? Bakit...
Gabriel : Para naman maka pag relax si Nanay...
Next week na kasi alis ko pa States, Please...
Elize : Ok, sabihin ko kay Nanay... I'll let you know
Si Lucas naman ni Messenger ko
Elize : Nag aaya si Gabriel sainyo daw sa Tagaytay... totots???
Lucas : Yes, ang kulit ni Gabriel gusto ka daw ipasyal bago siya umalis... kayo ni Nanay...
Elize : Ah OK, see you then...
Lucas : Grabe siya hindi ka manlang tumanggi... Kayo na ba???
Elize : Kasama ka naman kasi, hindi naman po yun nanliligaw ng pormal kaya pano ko sasagutin....
Lucas : At mukhang may pag-asa naman... Know him more please...
Elize : Thanks my friend, I will po... don't worry wala akong balak mag relasyon habang student pa ako...
~~~~~
Natuloy nga kami mag Tagaytay.
Maaga pa kami sinundo ni Gabriel, Big Car dala niya now hiniram daw nya sa Daddy niya...
Ganda ng Rest House nila Lucas, may pool pa overlooking the Taal Lake... Kita ko sa mukha ang saya ni Nanay. Buti nalang hindi ako nag inarte na di sumama. Dami din Foods, puro fresh... dami fruits & veggies.
"Nay, kung gusto niyo po mag pa masahe may on-call na Therapist dito... kung gusto niyo lang po..." sabi ni Lucas habang nag la lunch kami...
"Sige Anak, minsan lang naman ito" nakangiting sagot ni Nanay
- Nasanay na din kasi siya, lagi naman kasi siya ini spoil neto.
- Laging may gift card for Spa yan si Nanay from Lucas... yun kasi Negosyo nila.
"Ikaw Elize? Massage?" tanong ni Lucas
"Heated po ba ang Pool??? parang mas type ko yun" sagot ko sa kanya...
"Yes, Heated po ang Pool... siya Massage kami ni Nanay Swimming naman kayo ni Gab" sagot niya
- Shaayykkss... Swimming with Gabriel, those wonderful six pack abs hmmmppp.
- Gurl mahalay ka na, mahiya ka nga...
**Sa kabilang banda…
Paktay na, Gabriel mag behave ka baka matakot ang Elize mo... makaka sabay mo na sa wakas ang Dyosang Sweetheart mo,
- Hmmmppp. Koyang, Behave di ba uyyyy.
After Lunch nag siesta muna kami lahat masyado pa mainit mag swimming kasi, yung Therapist naman mamaya pa daw... before dinner naman.
Nasa pool na sina Lucas & Gabriel pagdating ko dun. Makulit kaming ng swimming... umalis din si Lucas after ilang minuto. Papa luto daw kasi siya ng Dinner sa katiwala nila. Na tahimik kami ni Gabriel nung kami nalang sa Pool. Biniro ko sya...
"Hooyyy tulaley ka dyan..." bati ko sa kanya para kasing iwas siya sa akin
"Sexy mo kasi" naka ngisi niyang sagot… hanggg cute siya pa nag blush
Di ko alam kung nang aasar or totots sabi niya
- Naka titig kasi parang nang aakit
"Hey staring is rude" biro ko
- Pero ang totoo, grabe na ang kaba ko di ko naman maintindihan dito sa dibdib ko parang nag wawala. Grabe ang katawan ng anak ni Adonis pang model ng Calvin Klein. Drool worthy ganurn!
"Ganda dito noh, pag yumaman ako papagawan ko si Nanay ng ganito" pagak akong tumawa
- Ayoko na siyang tingnan baka tumulo laway ko...
- S**t! &$? kasi ang sexy... bwisit !
"Elize, curious lang ako bat galit ka daw sa mayayaman? asked Gabriel out of nowhere and serious siya ngayon... Nakatitig pa din.
"Hindi naman sa lahat, kita mo nga best friend ko si Lucas di ba... what I don't like are those na kailangan pang ipagmayabang ang yaman nila sa school"
"I hate spoiled brat kids, na akala mo pera nila ang linawaldas kung maka gastos." explain ko sa kanya...
- Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya... kese nemen eh koyang stop staring... ganda pa naman ng eyes mo
"So kung filthy rich kami di ka magagalit?" tanong niya pa...
"Well, as I can see naman hindi ka spoiled brat, so I don't think I'll hate you" balik ko sa kanya
"And I do consider you "a friend" already, di ba friends naman tayo"? habol ko pa...
"Yes we're friends" sagot niya
"Pwede bang boyfriend" bulong niya.. narinig ko pero di ko na pinansin…
**Gusto kitang maging girlfriend Elize... I'll wait until you are ready... bulong ng isip ni Gabriel
Nagkwentuhan pa kami, nasabi ko na din sa kanya ang pagiging single Mom ni Nanay, na hindi ko kilala ang Tatay ko. Ewan ko ba, panatag loob ko kay Gabriel dahil na din siguro sa mabait siya sa amin ni Nanay.
Na sabi niya din, panganay siya, he has two siblings next to him is another Boy & ang bunsong Girl naman.
Matipid pa din siya mag kwento, parang may details na hindi niya pa ma share sa akin. Kung sabagay sino ba naman ako. Pasalamat na siguro ako dahil kahit kunti tinapunan niya ako ng tingin. He's really been a Friend, a very good one indeed.
Hindi din naman ako manhid not to feel ang mga palipad hangin niya, I can feel he likes me.
I like him too, sino ba naman ang hindi, Pogi na matalino pa… yun pa naman weakness ko sa Boys matatalinong nilalang.
Sana tama ang assumptions ko…