CHAPTER FOURTEEN

1921 Words
NAGLALAKAD na kami ngayon ni Caleb sa tabing dagat patungo kina Gette, pagkatapos namin kumain kanina nagpahinga lang kami saglit at ngayon pupuntahan na namin sila. Habang patungo kami roon ay may mga nakakasalubong kaming mga foriegner at tourist na panay ang tingin saamin which makes me conscious wala kasi akong suot na mask dahil sabi nina nanay at tatay pwede ko naman alisin ito as long as kasama ko si Caleb. I wonder why?   Pakiramdam ko wala talaga akong sakit, pinapasuot lang ako ni nay at tay ng mask dahil sa itsura ko. Nong unang beses ko kasing makita ang mukha ko na realize ko na baka dahil kakaiba ang itsura ko at pwede ko itong ikapahamak gaya ng nangyari noon. Sabay kaming naglalakad ni Caleb pero hindi kami magkatabi, siguro mga isang metro lang naman ang pagitan naming kaya nagulat ako nang may makasalubong kaming grupo ng mga lalaki ay hinapit niya ako palapit sa kaniya at hinawakan ang aking baywang dahilan para magdikit ang aming mga katawan. Kahit nagtataka at naiilang ay hindi ko na siya sinata dahil naasiwa at natakot ako sa mga titig at tinging ipinukol saakin ng mga lalaking nakasalubong namin, iba kasi sila makatitig. Binitawan niya naako ng malagpasan na namin ang mga ito pero magkalapit pa rin kami. Tanaw ko na mula sa malayo ang puwesto nina Gette ilang metro na lang at nandoon na kami pero hindi pa man kami doon nakakarating ng may makasalubong na naman kaming mga babae, magaganda sila sa katunayan mukha silang mga artista o modelo.   “Caleb”tawag sa kaniya ng babaeng matangkad at morena na nasa gitna. Mukha itong nagulat ng makita si Caleb. Napatigil si Caleb sa paglalakad ganon din naman ako. Baka mga kaibigan o kakilala niya base kasi sa nakikita ko sa mukha ng mga babae parang kilalang kilala nila ito at pansin ko din na parang hindi nila alam na kasama ko si Caleb, lahat kasi ng attention nila ay na kay Caleb lang. “Caleb you’re here but I thought you can’t make it?”Dahil mukha namang hindi nila ako napapansin, aalis na lang ako at pupunta na lang kina Gette. Aalis ako hindi dahil sa wala akong respito pero pakiramdam ko out of place lang ako sa kanila. Siguro naman makakarating doon si Caleb kahit hindi ako kasama. “Hey what are you doing?”napatigil ako sa pagtatangkang pag alis hindi dahil sa sinabi ni Caleb kundi dahil hinawakan niya aking kaliwang kamay, malay ko ba kung may iba pa siyang tinatawag. “Umm mauuna na patungo kina Gette”alanganin kong sabi pagkatpos tiningala ko siya para makita ang mukha niya. Nakakunot ang kaniyang noo habang matiim na nakakatitig saakin. “Then let’s go”nagulat ako sa sinabi niya kasi parang hindi man lang niya napapansin na may mga babaeng nagtatanong sa kaniyag harapan, nakatitig lang saakin ito at ganon din naman ako. Akala ko kakausapin niya pa ang mga babaeng ito na kanina pa hinihintay ang sagot niya sa tanong nila. Nakarinig kami ng pagtikhim dahilan para mapatingin kami ni Caleb sa kanila. Mukhang ngayon lang nila ako napansin dahil kita ko pang pinasadahan nila ako ng tingin mula ulo hanggang paa habang nakataas pa ang kanilang mga kilay. “Yeah, I’m with friends just unwinding and taking a break.”Ngumiti naman ang mga ito ng sagutin sila na Caleb, nong tangkang magtatanon pa ang isa bigla na lang akong hinigit ni Caleb papunta kina Gette kaya wala naakong nagawa kundi magpatangay sa kaniya. “Snow I’m glad now that you are here”sigaw ni Gette mula sa malayo, nasa dagat kasi siya naglalangoy. Kita ko ang pagtingin saamin ng mga kasama namin dahil hanggang ngayon hawak pa rin ako ni Caleb. Nailang naman ako kaya binawi ko na ang kamay ko at lumayo ng konte sa kaniya. Wow ang ganda talaga ng tubig ang sarap maglangoy pero dahil medyo mainit pa ang sinag ng araw mamaya na lang siguro ako maglalangoy. “Buti Caleb dumating ka”sita naman ni Alex kay Caleb. Umahon ito sa tubig na naka black short lang at lumapit saamin. Magkakakilala kaya sila? Friends or magkamag-anak? Hindi ko na naitanong kay Gette siguro sa susunod tanungin ko na lang siya. Tinanguan lang siya ni Caleb. “Snow hindi ka pa ba mag s-swimming?”naka bikini na lang si Gette habang ang mga pinsan naman niya at kaibigan ay naka shorts at wala ng pang itaas pero yong iba may nakadamit pa. Nasa parte naako ng gilid ng dagat kasama si Caleb at si Gette naman at yong iba nasa dagat, umahon pagdating namin. “Mamaya na lang siguro medyo mainit pa kasi”pinasadahan nila ako ng tingin mula ulo hanggang paa kaya nailang ulit ako at nagbaba ng tingin. “That dress suits you well, halos hindi kita nakilala kanina”ngumiti naman ako kahit naiilang. “S-salamat”kinausap paako ng mga ito bago sila bumalik sa paglalangoy habang ako sumilong sa punong medyo malapit dagat at malaya silang pinagmamasdan. “Bakit hindi ka pa naliligo Caleb kasama sila?”sumunod saakin si Caleb kanina ng sumilong ako dito, katabi ko siya at sabay naming pinapanood sina Gette. Tumingin ako dito habang nakatanaw pa rin siya sa dagat. “I’m tired mamaya na lang”mukha nga itong inaantok dahil namumungay na ang kaniyang mga mata nang lumingon siya saakin. Ganon na ba talaga ito ka busy at hindi na nakakatulog ng maayos? “Kung inaantok ka, matulog ka na lang sa room mo”umiling ito saakin at bigla na lang sumandal saaking balikat, nakaupo na kami kasi ngayon sa buhangin. “Caleb?”nakapikit ito habang nakasandal saakin. “Let me rest in 10 minutes, just 10 minutes baby”wala naakong nagawa kundi hayaan siya dahil napakalambing ng boses niya habang sinasabi saakin ang mga katagang iyon at saka mukha naman itong pagod kaya pinagbigyan ko na. Kapag talaga pagdataing sa lalaking ito wala akong magawa kundi pumayag sa gusto niya. ANG sampong minuto na pamamahinga ni Caleb saaking balikat ay naging dalawang oras hindi ko na siya ginising dahil mukhang maganda ang pagkakatulog niya. Kanina paako tinatawag nina Gette pero hindi ko namang magawang gisingin si Caleb, pinuntahan pa nila ako dito sa puwesto namin para ayahin akong maglangoy pero sinabi ko na lang na mamaya na. Kita ko pa ang pagtiim bangag at pagkunot ng noo nina Miguel ng makita ang posisyon namin ni Caleb na ipanagsawalang bahala ko na lang. Makaraan ng ilang sandali sa wakas nagising na rin ito at siya na ang nagyaya saakin na maglangoy kami na sinang ayunan ko naman dahil sakto ang sinag ng araw at gusto ko na rin namang magtampisaw sa dagat. Ang nangyari pagdating pa lang namin sa dagat kung na saan sina Gette ay pinagbabasa na kami ng mga ito kaya ayon naghabulan kami na para bang mga bata. “Snow musta naman kayo ni Caleb?”Sa mababaw na parte ng dagat kami ni Gette malayo sa mga lalaki habang kinakausap niya pero nagulat ako ng bigla niyo akong tinanong pa tungkol kay Caleb. May alam kaya siya sa nangyayari saamin ni Caleb? “What do you mean?”namumula na siguro ang mga pisngi ko“Ang ibig kong sabihin, anong kumusta kami ni Caleb?”mahina lang kaming nag uusap kaya hindi rinig ng mga kasama naming lalaki. “Don’t deny it Snow. I know there is something betwwen you two”napatahimik ako at tinitigan siya nakangisi saakin ng may pagkapilya“The way you look at him I think you like Caleb. No scratch that, you love him already”ganon na ba ako ka transparent para malaman niya na mahal ko si Caleb? “Gette-“hindi pa man ako natatapos ng mag salita siya, nawala na ang pagkakangiti niya saakin at napalitan na nang pagka seryuso ang kaniyang ekspresyon. “Payong kaibigan lang Snow, kung may namamagitan sainyo putulin muna hanggang maaga pa dahil ayokong maskatan ka sa bandang huli”seryuso itong nakatitig saakin. Paano ko puputulin ang sinasabi niyang relasyon na mayroon kami ni Caleb kung wala naman talaga kaming relasyon simulat sapol. “Gette wala kaming relasyon”umiling ito saakin at hinawakan ako sa aking mga kamay. “I know you love him but you have to stop it” “Gette bakit? Bakit sinasabi mo saakin ang mga ito?”nagtataka naako kay Gette. “Dahil ayokong masaktan sa bandang huli, kaibigan kita kaya iniiwas kita sa mag bagay na makakasakit sayo.”Ako naman ngayon ang umiling at bumitaw sa pagkakahawak niya. “Hindi ko maintindihan Gette. Bakit ba hindi ko pwedeng mahalin si Caleb?” “Dahil may nakalaan ng babae para kay Caleb, Snow”mas lalo akong naguluhan. “Ano bang-“tatanungin ko pa sana siya ng bigla siyang tinawag ni Samuel kaya natigil kami sa pag uusap. Pagkaalis ni Gette saakin harapan natulala ako ng ilang sandali. Ang ibig ba niyang sabihin may girlfriend na si Caleb? Hindi ko namalayang nasa may bandang parte naako ng malalim na dagat. “Hmmmp-“napasinghap at labis ang takot na naramdaman ko ng biglang nasa ilalim naako ng dagat dahil may mga kamay na humila saaking paa. Sa sobrang gulat ko sa pangyayari hindi ko na nagawa pang umahon at lumangoy. Nang pakiramdam ko mauubusan naako ng hininga may mga brasong humila saakin at iniahon ako. Naghahabol ang hiningang kumapit ako sa leeg at braso ng taong nakahawak saakin ngayon habang ang mga binti ko ay nakapalibot sa kaniyang baywang sa takot na baka ilubog na naman niya ako sa dagat. Hindi ako takot dagat pero nagulat lang ako sa sobrang bilis ng pangyayari. “Hey what’s wrong?”nakasubsob na ang mukha ko sa leeg nito, hinawakan niya ang aking mukha para suriin ako. Sa nanlalabong mata nakita ko si Caleb, nang makita niya ang mukha ko ay bigla itong nataranta at mukha itong guilty. Nag mura pa itong malutong habang hinahaplos ang mukha ko. “Shhh hush baby, sorry. I’m sorry.”Paulit ulit niyang sambit saakin. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako habang buhat buhat niya. Naramdaman ko na lang na umahon siya at pinapalibutan na kami ng mga kasama. “Hey what happen to her?”nahimigan ko ang pag aalala sa boses ni Gette habang ang ibang kasama namin ay gulat na gulat. “f**k, it’s my fault”Hinahagod na ni Caleb ang likod ko upang pakalmahin at paulit ulit siyang humihingi ng sorry saakin dahilan para mas lalo akong umiyak sa kaniyang dibdib. “Sorry baby. I’m sorry.”sari saring emosyon ang naramdaman ko ng mga oras na yon takot, lungkot, sakit at kung ano ano pa. Takot ako dahil akala ko sa pangalawang pagkakataon mamamatay na naman ako, lungkot dahil naalala ko ang pamilyang meron ako dati at nasasaktan ako dahil sa pinag usapan namin kanina ni Gette. Ramdaman ko pa ring buhat buhat ako ni Caleb patungo sa kwarto ko, hindi ko na alintana na kitang kita na pala ang mga binti kong nakapalibot sa kaniyang baywang at basa pa rin kami. Nang makarting kami sa aking kwarto inilapag niya ako sa kama habang ako ang aking mga kamay ay nakatakip na aking mukha. Siya na ang nagbihis saakin at ilang sandali pa lang ay pinahiga niya ako at kinumutan. Tumabi siya saakin at kinulong ako sa kaniyang mga braso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD