NAGLALAKAD naako pauwi sa bahay ng may maramdaman at narinig akong nag uusap na mga lalaki at sa tantiya ko ay medyo malapit lang sa kinaroroonan ko. Kagagaling ko lang sa Agustin falls dahil katatapos ko lang maligo at ito ako ngayon kasalukayang pauwi pero mukhang may makakasalubong paakong mga lalaki.
"Pre mag abang pa tayo sigurado ako dito sa lugar na ito ko na nakita ang babaeng maganda."
"Sigurado kaba talaga?" Ani pa ng isang boses.
'Sino kaya tinutukoy ng mga ito?' napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang pinag uusapan nila.
"Di pa naman masyadong gabi kaya sige dito muna tayo abangan natin siya" mga alas kuwatro ng hapon ang oras ngayon pero mukhang gabi na dahil sa madilim ang kalangitan.
"Di naako makapaghintay shitt tinitigasan naako"
"Oo nga mga pre iniisip ko pa lang na mahahawakan ko siya lalabasan naako"
"Ako ang mauuna saating lahat" sabi ng isa pang lalaki na pakiramdam ko boses pa lang maniyak na at hindi gagawa ng mabuti.
"Sige" parang napipilitang sabi ng ng mga kasama nito.
Bigla akong napaatras ng mag sink in saakin lahat ng sinasabi nila, natutop ko ang aking bibig at nanlalaki ang mata huwag nilang sabihing ako ang pakay nila. Natandaan ko ang sinasabi saakin noon ni tatay na huwag magpapaabot ng gabi sa labas dahil mapanganib para saakin, ito ba yon?
Paano ako uuwi nito ng hindi dumadaan sa kung saan naroroon ang mga lalaki? Mag gagabi na at baka nag aalala na saakin si Nanay at Tatay. Di ko namalayan sa kaka atras ko ay may nabangga akong puno? Wala naman puno sa daanan ah puro mga palay at mais lang mayroon dito na dinaig pa ang mga puno sa taas.
Nanigas ako sa aking kinatatayuan ng makarinig ako ng buntong hininga at parang nahihirapang humingang tao. Tao? Mas lalo akong kinabahan ng mapagtanto kong tao ang nasa likod ko.
Dahan dahan akong humarap dito at ganon na lang ang aking gulat ng makita ko ang madilim na anyo ni Caleb. Si Caleb? Hindi ko namalayang napasinghap ako kaya mukhang narinig ata ng mga lalaki kasi bigla kong narinig mga yapak ng kanilang mga paa. Wala naakong naintindihan sa mga oras na yon dahil sa sobrang takot ko napapikit na lang ako ng hablutin ako ni Caleb nagpatangay na lang ako sa kung saan at kung ano ang gagawin niya.
Namalayan ko na lng nasa isang puno kami nagkukubli ang lakas ng t***k ng puso ko ang naririnig ko lang ay mga yapak ng mga tao at ang bilis ng paghinga ng kasama ko.
"You can breathe now" kanina ko pa pala pinipigilan ang aking paghinga.
"s**t" bigla niya akong kinulong sa mga braso niya napapikit na lang ako ulit habang pinagsiksikan namin ang aming katawan sa puno na hindi ko alam na mayroon dito.
"Pre ano nahanap niyo ba?" Boses ng mga lalaking kanina pa naghahabol saamin hinihingal din sila.
"Wala pre pero siguro akong nandito pa sila"
"Doon tayo sa kabilang daan at kayong dalwa bumalik kayo sa pwesto natin kanina"nawala na ang kanilang mga yabag buti mag medyo madilim na kaya hindi nila kami makikita.
Ilang minuto pa ang lumipas saka ako nagmulat ng mata at tiningala si Caleb na kanina pa pala nakatitig saakin. Nag iwas ito ng tingin kaya malaya kong napagmasdan ang mukha nitong napaka kinis, dahil naka side view siya saakin kita kita kong ang tangos ng ilong nito, mahahabang pilik-mata, makapal na kilay, matigas na panga at ang kaniyang labi na sobrang pula, napalunok ako.
"Paano naako makakauwi ngayon?" Mahinang usal ko panigurado nag aalala na ang mga magulang ko dahil gabi na. Inalalayan niya akong tumayo.
"We can't go back to your house, it's so risky and dangerous." paniguradong magtatagal doon ang mga lalaki kanina.
Bigla niya akong hinila at ewan ko kung saan kami dumaan basta natagpuan ko na lang ang sarili ko sa isang magandang mansyon tulad ng mansyon nina Gette, ang kaibahan lang ay walang tao dito at parang napakatahimik. Saan kaya ang mga magulang ni Caleb?
UMUPO ako sa malambot at malaking kama dito sa kwarto kung saan ako pinapasok ni Caleb pagkatapos niyang sabihin saakin na magbihis at maligo iniwan niya lang ako bigla at doon lang pumasok sa isipan ko na sobrang lagkit ko na pala.
Pumasok ako sa pintuan patungo sa baniyo para maglinis ng katawan pagkapasok ko don tumambad saakin ang napakagandang baniyo na panglalaki dahil sa amoy nito at pagkaka design gaya ng kwartong kinaruruanan ko ngayon.
Tumapak ako sa malamig na tiles at pumunta sa may malaking salamin at doon ko pinakatitigan ang aking itsura, ang dumi dumi na pala ng damit ko dahil sa nangyari tiningnan ko ang mukha ko at nakita ko ang mukha ng isang babae napakaganda parang inukit sa isang painting ang mukha nito, indeed she's the epitome of Venus.
Hindi ko alam kung nakakabuti o nakakasama saakin na may ganito akong itsura, napabuntong hininga ako. Ngayon ko lang naalala na ang suot ko ay isang simpling bestida na kulay berde na hanggang sa tuhod ko ang haba at wala pala akong suot na mask.
Lumabas ako ng banyo na naka tuwalya lang at buti naman walang Caleb akong nadatnan kita ko ang mga damit na nasa king size bed na hiniram ata saakin nito at akmang kukunin ito ng bumukas ang pintuan. Napako ako saaking kinakatayuan at hindi na gumalaw kita ko ang pagtiim bangag niya at paglunok.
"A-ah Caleb" Napaatras ako ng makita kong walang sabisabi siyang nagmartsa patungo saakin tapos hinubad ang kaniyang shirt kasunod ang kaniyang pantalon, ang natira na lang ay ang kaniyang boxer.
Napaiwas ako ng tingin at napalunok ewan ko ba pero nakaramdam ako ng kakaiba, nag iinit ang pakiramdam ko at kinakabahan. Hindi ko alam ang gagawin pero kaakibat nito ay para akong na excite sa hindi ko malamang dahilan. At doon ko lang namalayan na nakatayo na ito saaking harapan at ako naman ay nakasandal sa pader at wala nang maatrasan.
"C-caleb a-anong ginagawa mo?" Kinakabahan kong sabi feeling ko matutumba naako sa sobrang kaba at sa emosyong hindi ko maintindihan.
Hinawakan nito ang baba ko at pinapantay ang tingin namin napakainit ng kamay niya at nakukuryente ako don..
"Say my name again!" Malambing at napapaos nitong sabi at para bang nagpipigil sa kung ano mang gusto niyang gawin, amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga na nagpainit lalo sa aking katawan, sobrang bilis ng t***k ng puso ko.
"C-caleb anong-?"Kahit hindi ko alam kung bakit niya gustong ipaulit saaking ang pangalan niya ay ginawa ko pa rin.
"Can I claim your payment now?"
"Huh?" Kahit nagtataka tumango ako pero ganon na lang ang gulat ko ng biglang naglapat ang aming mga labi at siniil ako ng halik na kailanman hindi ko pa naranasan, sa sobrang gulat ko hindi naako nakakilos.
Kakaibang pakiramdam ang aking naramdam dahil sa paghalik nito saakin lalo na noong bigla niyang kinagat-kagat ang pang ibabang labi ko parang nag uudyok na tumugon ako.
"Hmm" ewan ko pero nagugustuhan ko ang kaniyang ginagawa napakapit ako sa kaniyang balikat para doon kumuha ng suporta dahil feeling ko mawawalan ako ng lakas.