Third Person POV
KANINA pa pinagmamasdan ng binata si Snow sa looban ng palengke at kanina pa siya naiinis at naiirita dahil sa suot ng dalaga. Hindi man alam ni Snow pero dahil sa kaniyang kasuotan labis na lumitaw ang kagandahang taglay nito kahit naka suot pa siya ng face mask mula sa makurba nitong katawan at maputing balat na nakapag alattract ng maraming tao sa palengke.
Napaka simply ng kasuotan nito pero dahil sa taglay nitong kagandahan nagmumukha tuloy siyang anghel na napadpad sa lupa, hindi niya alam pero kanina pa siya pinagtitinginan at pa sikritong sinusundan ng mga tambay sa kanilang lugar.
Mula sa poste malapit sa labasan ng palengke nakatayo doon si Caleb at hinihintay ang dalaga, hindi na niya kayang mag tiis pa baka mahuli pa siya kung hindi siya kikilos.
Nang makita niya si Snow na papalabas ganon na lang ang galit niya at pigil sa sarili na magwala sa palengke dahil sa mga lalaking kung makatingin kay Snow ay parang kakainin nila ito ng buhay pero paano na lang kung makita nila ang mukha nito na walang suot na face mask na lalong ikinababahala niya.
Napahinto ang dalaga ng makita siya siguro ay nakilala siya nito o may tinitingnan lang sa likod niya.
Hindi inaasahan ng mga tao sa palengke ang eksinang nangyari lalo na si Caleb nang aksidenteng may nakabangga si Snow at iyon pala ay si Gette na kaibigan niya kasama ang mga pinsan nito.Pero ang ang mas matindi don noong natanggal ang mask ni Snow na nagpasinghap sa mga tao sa palengke.
Napaawang ang labi ng mga kalalakihang nando doon at nanlalaki naman ang mga mata ng kababaihan, yong iba nainggit sa taglay na kagandahang mayroon si Snow pero yong iba naman ay nangamba at natakot para sa dalaga dahil sa taglay kasi nitong ganda maaari siyang mapahamak.
Tulad na lang ng tatlong lalaki na may mga demonyong ngiti sa labi habang tinatanaw si Snow mula sa malayo, mukha may masama silang binabalak sa dalaga.
"s**t!" Ang nasabi ni Caleb sa nasaksihan dahil naiinis siya, ito na nga ba ang sinasabi niya kapag makita ng mga tao ang tinatagong ganda ni Snow maaari itong mapahamak at maraming lalaki ang maghahabol dito. At kabilang na doon ang mga lalaking nasa harapan ni Snow na hindi na makagalaw sa kanilang pwesto dahil sa nakita puro nakaawang ang kanilang bibig pati si Miguel na hindi makitaan ng ekspresyon ngayon ay nakatulala na din kay Snow.
Sa eksinang inakbayan ni Gette si Snow saka naman gumalaw si Caleb sa kaniyang pwesto at tinungo ang dalaga, walang imik na kinuha nito ang mga bitbit sa kamay ng dalaga at umalis.
Samantalang si Snow halos hindi na nakapagsalita ng kinuha ni Caleb ang kaniyang mga bitbit dahil sa sobrang taranta sinundan niya ito at nagpaalam kay Gette at sa mga pinsan nitong hindi na gumalaw sa kanilang pwesto. Nilisan niya ang mga tao sa palengkeng gulat na gulat sa mga nasaksihan na para bang nanonood ng isang Nobela.
"WHAT the f**k!" Si Andrew matapos mahimasmasan dahil sa pangyayari si Gette naman ay gumalaw na din sa kaniyang pwesto, hindi niya inaakala na makikita niya dito si Caleb tapos kilala pala nito si Snow na kaibigan niya.
"Gege why you don't tell us that Snow is so f*****g-" sabi naman ni Alex the playboy na mukha na atang hindi playboy dahil sa nasaksihang ganda ni Snow.
"Pretty?" Pagpapatuloy ni Gette.
"Gorgeous is the right term" pagtatama ni Hiro.
"And an angel" Wala sa loob na wika ni Miguel.
'Mukha atang lahat sila magkakagusto kay Snow' ang nasa isip ni Gette.
"Well I don't know that you'll be interested to her cousins. Besides Snow is too kind for you." They groan in unison tapos sinamaan ng tingin si Gette. Sa ganong eksina iniwan sila nito at pumunta sa kung saan ang kaniyang destinasyon.
'But wait. Why Caleb is here?'
'Why Caleb is with her? Mga tanong nila sa sarili.
"Sandali po Mr. bakit mo ba kinuha ang mga pinamili ko?" Habol ko sa lalaking bitbit ang mga gamit ko, kanina ko pa ito sinusundan.
"Huwag mong sabihing wala po kayong makain?" Nagtataka kung tanong na may halong awa.
"Kung ganon sayo na lang po yan" Tumigil ito sa paglalakad at humarap saakin kaya naman napaatras ako pinahawak nito saakin ang mga pinamili ko pagkatapos tumalikod at pumunta sa may tindahan 'Err ang ano bang nangyayari don?' bumalik itong may dalang face mask tumitig ito saakin ng ilang sandali bago pinasuot saakin ito.
Nagulat man ako sa ginawa niya pero di na ako umangal pa, I don't know why pero mukhang palagay ang loob ko sa lalaking ito.
"A-ano salamat po" nahihiya kong sabi dito at napatungo. Bininbit ulit nito ang mga gamit ko at lumakad na muli na sinundan ko naman nang huminto ito sa terminal ng mga tricycle and gesture na sumakay ako wala akong nagawa kundi sumakay though ok lang naman saakin na lakarin ang palengke mula sa bahay kasi sayang yong pera.
Nang makasakay ako ay sumunod naman siya naglapat ang balat namin dahil maliit lang naman yong space ng motorsiklo kaya nagdikit ang mga braso namin, ang init ng balat niya na nagbigay saakin ng kakaibang pakiramdam para akong naku kuryente. Hindi man ako komportable ay tiniis ko na lang.
Pansin ko kanina pa lumilingon lingon saamin ang driver kaya naiilang ako, doon na lang ako tumingin sa katabi kong lalaki seryuso itong nakatingin sa labas kitang kita ko ang napakagwapo nitong mukha.
Napakagwapo pala nito sa malapitan at ngayon ko lang napansin ang kulay ng kaniyang mga mata- itim napaka itim maihahalintulad sa gabi na wala kang makita kundi kadilaman at mangangapa ka na lang na kapag tinititigan mo ito dahil para kang malulunod.Walang mababasang emosyon sa mga ito. Gayon na lang gulat at pamumula ng pisngi ko ng bigla itong lumingon saakin.
"Ayusin mo ang pagmamaniho" saakin ito nakatingin pero alam ko na sa driver niya ito sinasabi lumingon ako sa driver buti naman at tumigil na ito sa kakalingon at nag drive ng maayos baka kasi mabangga kami ng wala sa oras.
"Dito lang" 'paano niya nalaman na dito kami hihinto?' kahit nagtataka bumaba na lang din ako. Magbabayad na sana ako ng makita kong naka alis na pala yong tricycle at naglalakad na siya patungo sa daanan ng bahay namin sa may sakahan. Nang malapit na kami sa bahay bigla itong huminto at humarap saakin since napakatangkad niya napatingala ako sa kaniya.
"Umm ano-" bigla niyang binigay saakin yong mga gamit ko akmang aalis na siya ng pigilan ko
"Sandali yong bayad ko po para sa face mask at yong tricycle" tumitig ito saakin ng ilang sandal.
"Maraming salamat po sa tulong kuya ay Mr. pala" nahihiya kong sabi.
"Call me Caleb and don’t use po I’m not old" seryusong sabi niya.
"Sa susunod ko na lang sisingilin ang utang mo saakin and by that time you'll pay me big time" medyo nag-aalinlangan tumango naman ako. Nakakapanindig balahibo kasi yong 'you'll pay me big time' niya sana naman maliit na halaga lang ang kunin niya saakin. Tumalikod na ito at naglakad paalis wala naakong nagawa kundi titigan ang papalayo nitong bulto.
"Maraming salamat Caleb" mahinang bulong ko. So Caleb pala ang kaniyang pangalan what a breathtaking name like him bagay na bagay sa kaniya.