SNOW
NAGING maganda ang selebrasyon ng aking kaarawan. Sinorpresa ako nina Inay at Itay at binigyan ng regalong itim na flat doll shoes at bestidang kulay puti at peach — simple pero cute. Kaya naman sobra-sobra ang pasasalamat ko sa kanila. Sobrang saya ko sa piling nila. Noong ako pa si Ella, hindi ko naranasan ang ganitong kasiyahan. Oo, marami akong natatanggap na regalo noon mula sa mga magulang at kamag-anak ko, pero hindi ako ganoon kasaya.
Hindi dumating si Gette sa birthday ko kahapon. Inaasahan ko naman iyon dahil hindi naman talaga kami magkaibigan. Pero laking gulat ko ngayon dahil nandito siya, may dalang malaking cake at mga regalong hindi ko magawang tanggihan. Mapilit siya kaya tinanggap ko na. Kasama niya ang kanyang yaya, sa tingin ko.
"Snow, dali! Suotin mo ito. Alam kong bagay na bagay ito sa'yo" sabi niya, walang tigil sa pagkulit sa akin. Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod. Sa mga oras na kasama ko siya, masasabi kong mabait siya, pero minsan mataray.
"Wow, ma'am Snow! Napakaganda niyo po talaga" sabi ng yaya ni Gette. Samantalang si Gette, natulala na lang sa akin, parang nagtwinkle-twinkle pa ang mata niya.
"Gette, bakit ganiyan itsura mo?" tanong ko dahil kanina pa siya tulala sa akin.
"Never mind that. By the way, pwede bang isama kita sa bahay namin sa susunod? Pretty please!" Para siyang bata na nag-puppy eyes pa. Kung lalaki lang ako, baka na-in love na ako sa kanya, pero dahil babae ako, imbes na humanga, naaasiwa na lang ako.
"Ah, baka hindi ako payagan nina Inay at Itay" sabi ko, medyo alanganin. Ayaw ko namang ma-offend siya.
"Don’t worry, ako ang kakausap sa kanila. I got you" sabay ngiti at kindat pa niya. Nakakatawa pero parang mapapasubo ako sa babaeng ito.
"Hmm, sige" sabi ko na lang, sabay ngiti. Ewan ko na lang kung papayag sina Inay at Itay.
Mag alas kwatro na nang hapon ng dumating si inay at itay galing sa sakahan kaya naman kinausap na sila ni Gette at ewan ko kung anong sinabi nito at napapayag niya ang mga ito.
Isang napakagandang ancestral house ang bumangad saakin pagkapasok namin sa tarangkahi nina Gette. Hindi naako nagtaka na galing sa mayamang angkan si Gette, sa mga kilos at suot pa lang nito hindi kana maghihinala. Nilibot niya ako sa buong kabahayan nila at pinapasok sa kaniyang kwarto, ilang oras kaming nag usap bago ako nag pasiyang umuwi na dahil mag gagabi na.
Nadaanan ko pa ang mga pinsan ni Gette at mga kaibigan nito sa dinning area. Nag iisang anak kasi ito kaya malamang mga pinsan niya yon. Hindi ko na nakita pa ang mga mukha nila dahil hindi naman ako lumingon sa kanila. Nang maihatid ako ni Gette sa gate nila ay nagpaalam na ako sa kaniya at umuwi. Ramdam kong may nakasunod na naman saakin habang tinatahak ko ang daan patungo sa bahay.
NAPASIMANGOT na lang ako ng hindi ko maabot ang bunga ng Bayabas kanina ko pa tinatankang abutin pero hindi ko pa rin makuha kahit tumalon talon paako wala pa rin. Masyado kasing mataas at hindi ko naman maakyat ang puno nito dahil naka bestida ulit ako ng mabulaklakin, luma na ito pero pwede pa ring suotin.
Bahala na tatalunin ko na lang ito "Uhh nakakainis kang bayabas ka" sinamaan ko ng tingin ang bayabas at napanguso. Hindi ko pa rin kasi ito maabot kahit tumalon naako. Ganon na lang ang gulat ko ng may umabot ng bayabas mula sa likuran ko.
"Wahhh salamat po ita-" nanlaki ang mga mata ko nong pagkaharap ko. Hindi pala si itay ang umabot nong bayabas, yong lalaki sa Agustin Falls. Nakasuot ito ng pansakahang damit pero napakagwapo pa rin nito. Bumilis ang t***k ng puso ko.
Tinitigan ako nito ng ilang sandali pagkatapos tinalikuran niya ako, ang bayabas ko kinuha niya. "A-ano sandali lang po!" hindi pa rin ito tumigil sa paglalakad kaya naman sinundan ko ito."Yong bayabas ko po" napahinto naman ito sa paglalakad at para bang nag isip pagkatapos humarap siya saakin. Seryuso ang mukha niya at wala akong mabasang ekspresyon.
Akala ko ibibigay niya saakin ito kaya naman ngumiti ako dito pero ganon na lang ang gulat ko ng sabihin niyang "Ako ang nakakuha kaya akin na ito" napakabaritono ng boses niya.
"Pero-" napahinto ako sa pagsasalita at napaatras ng bigla itong humakbang palapit saakin, galit ba ito? Para kasing naaasar ito saakin.
Kinuha niya ang kanang kamay ko at nilagay ang kalahating bayabas, ang bilis naman niyang naputol yon. Buti naman at binigyan niya ako wala na kasing bunga yong puno ng bayabas kaya ganon na lang reaksyon ko ng kunin niya ito.
Napapasong kinuha ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Parang may kuryente akong naramdaman. Tumalikod siya at naglakad palayo. "Salamat po!" sigaw ko habang tumatalikod at naglakad palayo.
Habang naglalakad ako pauwi, naramdaman kong may sumusunod na naman sa akin. Pakiramdam ko ay hahawakan niya ako sa balikat, kaya binalibag ko siya nang walang lingon-lingon — isa sa mga tugon ng katawan ko simula pa sa nakaraang buhay ko bilang si Ella. Nag-aral ako ng martial arts at sanay ako sa self-defense, lalo na’t matanda na sina Inay at Itay, kaya dapat protektahan ko ang sarili ko.
"Ugh, s**t!" sabi ng lalaking nakahandusay sa lupa. Buti nga sa’yo! Pero sandali, parang pamilyar siya— hala! Siya pala yung lalaki kanina! Dali-dali kong nilapitan siya. Nakapikit pa rin siya at hindi na gumagalaw.
"Pasensiya na po! Hindi ko sinasadya!" Hindi ko alam kung anong gagawin sa kaniya. Hindi ko naman siya mahawakan dahil baka may nabaling buto sa kaniya.
"Kuya ayos ka lang po ba? Kuya! Diyos ko anong gagawin ko?" akmang hahawakan ko siya ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Dahan-dahan niyang minulat ang kaniyang mga mata, sabay sabi.
"May gagamba sa likod mo" Huh? Hindi ko na sana papansinin iyon, pero nang maramdaman ko na parang may gumagapang sa batok ko, nanlaki ang mga mata ko at hindi na ako nakagalaw. Nakaupo pa rin ako at siya naman ay dahan dahan ng inayos ang sarili at tumayo ng tuwid at mukhang aalis na.
"SANDALI! Kuyaa parang awa mo na po, tulungan mo kong mawala yong gagamba" nahihintakutan kong sabi, halos mangiyakyak naako. Pinaka ayaw ko sa lahat ay mga ganitong eksina. Yong may gumagapang sa likod mo na na maliliit na insekto kahit sabihin nating harmless sila natatakot pa rin ako sa isipang nasa likod ko sila ng wala man lang akong kaalam-alam.
Nakita ko sa mukha niya ang pagkamangha pero napalitan din naman ito ng pag ka seryuso. Pumunta ito sa likuran ko "Wala na!" maikling sabi niya, full view niyang nakikita ang batok ko dahil nakapuyod ang buhok ko.
Huh? Impossible kasi hanggang ngayon nararamdaman ko pa ring gumagapang ito saaking balat mula sa likuran ko.
"Nandoon pa rin po, s-sa likod ko po." tiningnan niya ulit ito pero hindi niya talaga makikita kasi naman sa loob ng damit ko na ang gagamba pero nahihiya akong sabihin.
"S-sa loob po ng dami-"
"What?" malakas niyang sabi kaya napagalaw ako.
"Ahhh!" Napasigaw ako nang maramdaman kong gumagapang na ito pababa sa likod ko. "Sa beywang ko po," nahihiya at nanginginig kong sabi. "Please, parang awa mo na po, kunin mo na!" napalabi ako para pigilin kong matawa kahit nahihintakutan naako ay hindi ko mapigilang mapatawa nakikiliti kasi ako sa bawat pag galaw ng gagamba. Naging mabangis ang itsura nito at napabuntong hininga kalaunan saka ito nagsalita.
"Saang banda dito?" tinuro ko naman kung saan ito hindi ko alam kung paano niya ito kukunin sa ano mang paraan pero ganon na lang ang gulat ko ng bigla niyang pinasok ang kanang kamay niya saaking bestida mula sa taas ng bestida sa likod ko, napagalaw ako ng maramdaman ko ang init ng balat niya saaking balat.
"Stay still" paos niyang sabi, at napakagat-labi ako sa kiliti at kaba. Hindi niya sinilip ang loob ng bestida, na ikinagaan ng loob ko. Nakuha na niya ang gagamba at humarap ako sa kanya, namumula ang mukha ko.
"A-ano po, kuya, huwag mo na lang patayin. Ilagay mo na lang sa dahon" sabi ko nang nahihiya. Kita ko ang pagyukom ng kaniyang kamay.
"Don’t call me kuya, I’m not your brother" sabi niya, na para bang naiirita pa rin.
"S-sige po, salamat nga pala at pasensiya na ulit kanina" sabi ko habang nakatungo dahil sa hiya.
"Tsk" sabi niya bago tuluyang umalis.
"Salamat po ulit!" sigaw ko, at bigla kong naalala na wala pala akong suot na mask. Paano kung magkasakit siya dahil sa akin?