bc

Blind Eyes

book_age16+
1.3K
FOLLOW
4.1K
READ
revenge
manipulative
independent
brave
bxg
mystery
genius
witty
betrayal
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

Isa lang ang tumatatak sa utak ko ngayon. Ang kilalang ‘di pangkaraniwang bulag na magpapabago sa takbo ng kwentong ito. Ang babaeng namulat nang tuluyan sa katotohanan na ‘di sa pagbabalat-kayo ang sulosyon panlaban sa taong naging puno’t dulo ng kaguluhang nangyayari ngayon sa buhay ko. Bagkus, ang totoong katauhan ko ang tutuldok sa kahibangang ginagawa niya ngayon.

I'm Katana Vodka Zeimore known as Blind Eyes, promise, na when we will meet again, I'll make sure na he'll die. I will make sure na I will end his life with my bare hands. Hindi ako nabuhay sa mundong ito para lang gawing human tester kundi nabuhay ako para tudlukan ang mga pangyayaring mismo ang mga magulang ko ay walang nagawa para pigilan ang mga utak na punong-puno ng kabaluktutan, na inuod at pinuno ng kademonyohan. In short, antagonist na walang inisip kundi magpakahari sa ibabaw ng lupa at ilalim ng langit. Psh!

Are you brave enough to enter my world?

If, yes?

Close your eyes and walk with me and let's start my journey.

I may blind in your eyes, but I can see you clearly in mine.

So, be careful, because if looks can deceive, my eyes can too.

chap-preview
Free preview
Prologue
HEARTH ACADEMY: Isang lugar kung saan magsisimula ang lahat sa buhay ni Katana Vodka Zeimore. Isang lugar kung saan magiging isang susi sa mga kasagutang matagal niyang hinahanap. Lugar kung saan matatagpuan din ang kaniyang pag-ibig.   ***   Nakakagulat na pangyayari ang naganap sa isla ng mga kinikilalang mga scientist, chemist at assassins sa buong mundo.   'Di inakala ng iba na lulusob ang kalaban sa loob mismo ng kanilang headquarter. Ngunit dalawang tao lamang ang nakakaalam sa mangyayari. Sina Dr. Z at ang asawa nito na isang Legendary Assassin sa kapanahunan niya.   Sa kabilang banda ay nahihirapan nang makipaglaban ang labing-isang malalakas na kasamahan ni Era at nawalan nang pag-asa ang bawat isa. Alam nilang tuluyan na silang mamamatay sa kamay ni Leonard. Alam nilang lahat na si Era at Leonard ay 'di nagkakalayo nang lakas at kakayahan ngunit nasakop na nang puot at ganid ang puso ng dating kasamahan kaya wala silang magawa kundi makipagpatayan dito.   ‘Do or die.’   Namimilipit na sa sakit si Allena kaya wala siyang magawa para lumaban pa. Hawak na siya sa leeg ni Leonard.   "Allena!" Sigaw ng asawa nitong si Jaime.   "Ow! Haha. This will become a tragic love story of yours, Jaime." Sabay ngiting demonyo ni Leonard sa kanila at lalo na sa lalaking galit na galit na nakatitig dito.   Bago pa matuluyan si Allena ay biglang may malakas na hangin na dumaan sa harap nila. Alam ng Alpha na 'di basta-bastang hangin lang iyon.   "E-Era." Mahinang bulong ng Alpha sa bagong dating.   Kinilabutan sila nang makitang putol na ang kamay ni Leonard at dala-dala ng bagong dating si Allena.   "Argggg! Era!" Galit na sigaw ni Leonard.   Tinanggal ni Era ang kamay ni Leonard na nakahawak nang mahigpit pa rin sa leeg ni Allena kahit kakaputol lang nito sa may-ari.   "Hala! Kamay mo?" Gulat na patanong nito at mas lalong naging dahilan nang pagkagalit ng kalaban.   "Patayin niyo silang lahat! At iyang babaeng iyan ang akin!" utos nito sa mga alipin niya.   Lumipas ang ilang minuto ay umalingawngaw ang malutong na tawa ni Era kasabay nang paghiga niya sa kasamahang si Allena na nanghihina na dahil sa nangyayari.   Kinilabutan lahat sa nararamdaman nilang awra na nilalabas ni Era. Ibang-iba sa Era na kasama nila dati at kanina.   Kumalansing ang hawak nitong katana na tela matagal na itong hindi tinanggal sa lagayan nito ng ilang taon at ngayon lang ulit gagamitin. Mas lalong nanginig ang tuhod ng kasamahan nito nang pag-angat ng katana nito ay punong-puno ito ng sariwang dugo.   "Sino, Leonard? Kasamahan mo ba? Sorry ha? Kasi nainip na ang katana sa pinaglagyan nito at nadali sila habang papunta ako rito." Sarcastic na sabi nito sa lalaking halos mapugto ang ugat sa leeg at kamay dahil sa nararamdamang galit sa kaharap.   Nilingon nina Brint ang pinanggalingan ni Era kanina at halos lumuwa ang mga mata nito nang makitang nagiging buto na ang mga ito.   "The sword of death." Ngiting saad ni Era.   Sinugod na ni Leonard si Era pero panay depensa lang ito at nanatiling nakabalandara sa mukha ng babae ang sarcastic na ngiti nito.   Tumalon nang mataas ang lalaki at pina-ikot ni Era ang hawak na katana at laking gulat ng lalaki matapos tumilapon palayo rito at nasipa pa ito nang malakas sa sikmura. Bago pa ito bumagsak ay sinipa siya ulit ng babae at sa ulo na nga ito tumama at tuluyan na ngang tumilapon sa pader. Sakasamang palad ay lumusot pa ito sa kabilang pader sa lakas nang binitawang sipa sa lalaki.   Mabilis ang galaw ni Era at pati paghinga ng lalaking pinapahirapan niya ay kalkulado na niya. Malalakas na combat-attack ang binibitawan nito hanggang tuluyan na ngang naliligo sa sariling dugo ang lalaki.   "Tibay mo ah. Buhay ka pa rin?" Ngiting saad ni Era.   Lahat ng nakasaksi kay Era ay nanlamig sa kinatatayuan nila. Natakot ang bawat isa na gumalaw o magsalita man lang. Baka sila ang susunod kay Leonard na pati mukha ay wasak na wasak talaga. Alam ng lahat na buhay pa ito ngunit kunting oras na lang ay bibigay ng tuluyan ito dahil sa mga natamo niya galing kay Era.   "Yo-u'll never g-get her..." Huling ngiti ng lalaki nang tuluyang bumaon ang katana na hawak ni Era sa puso nito.   Walang nagsalita, walang gumalaw at paghinga na lang at pagsabog sa labas ang maririnig sa loob.   "Dr. Z-Z?" Gulat na reaksyon ni Era sa lalaking bumagsak sa harap nila.   "... ke-keep th-this..." Bago tuluyan na itong nalagutan nang hininga.   "Dr. Z!" Sigaw ng lahat at ang pinakamas nakakagulat ay nang dumaan sa gawi nila ang mapanganib na katanang gamit ni Era.   "Arrrggg!"   "F*cking traitor!" At umalis na ito kasabay nang pagbuhat sa labi ni Dr. Z.   "I'll keep my promise, Master and Dr. Z."   Tuluyan na ngang nilisan ang islang kinagisnan at iniingatan nila noon pa man.   Sa hindi inaasahang pangyayaring iyon ay may uusbong na panibagong panganib para sa lahat at sa susunod na henerasyon.   ***   Hindi pa ako nakababa sa kotse ko ng tumawag si Venger.   "He--..." sagot ko pero hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil narinig ko ang pagsigaw ni Veng sa kabilang linya.   Muntikan ko pang maibato sa labas ng bintana ang phone ko dahil sa pagkabigla ko. Ang sakit ng taenga ko.dahil sa kaniyang ginawa.   "Ruuuuunnnnnnnn! They are here!" Sigaw nito sa kabilang linya.   Magsasalita sana ako nang makarinig ako ng mga tilian sa kabilang linya. Alam ko na kung bakit ganiyan maka-react ang kapatid ko at bigla-biglang tumatawag ng ganito kaaga. Kaya naman pala kasi ang mga estudyanteng gusto akong makita after how many months na hindi ako pumapasok.   "Kyaaaaah!! Kana, is here!"   I'm doomed! Agad kong pinutol ang linya at binuksan agad ang kotse ko at kumaripas nang takbo palayo sa mga fans na dudumog sa akin dahil kung hindi ko iyon gagawin? Papalibutan nila ang kotse ko at kakatukin ng paulit-ulit ang bintana na halos mabasag na o minsan kulang na lang ay magkuta na sila sa tabi ng kotse ko. Hihintayin akong bumaba at magpa-autograph o magpapa-picture pa. Ang ilan pa sa kanila ay hahawakan ako hanggang sa masaktan na talaga nila ako.   Alam kong blessed ako sa beauty na meron ako pero minsan disadvantage rin ito at ang best example nito ay itong nangyayari sa akin ngayon. You see? Mahirap maging maganda, swear!   "WTF! Kailan pa naging ganito ang mga tao rito?" Bulong ko sa sarili ko.   "I have no choice kaysa naman maging espasol ako dahil sa mga wild na mga fan na iyan." At tumakbo na ako papunta sa bintana.   "Wala kang takas p arin kasi may paparazzi rin sa baba at tigok ka pagtatalon ka ta ----KANAAA!" Hysterical na sigaw nila sa ginawa ko pero umikot lang ng 360 degrees ang mata ko dahil doon.   Hindi ko na pinatapos magsalita si Rico, ang president namin dahil tumalon talaga ako sa bintana na binuksan niya kanina lang kasabay nang pagkawasak ng pintuan ng classroom.   Tumingin ako sa baba at nagbabakasakali na makakita ng puno but sad to say na malayo sa gawi ko iyon at kitang-kita ko ang nagkakagulong estudyante sa baba. Kakalat na naman ito at mas lalong pagkakaguluhan ako at sana hindi umabot sa media. Baka gawing apple of the eye na naman ako ng mga tsismosa sa buong mundo.   Kumapit ako sa flag pole na nakasabit sa 2nd Floor at pinaikot ko ang aking katawan at buong lakas na tumalon papunta sa hallway nito.   "Ay palakang nakabuntis ng bakla!"   Gulat na bulalas ng isang grupo ng bading na naglalakad sa may hallway ng 2nd floor.   "Ms. Kana?" Takang tanong nila pero halata pa rin sa mukha ang gulat.   Nginitian ko lang sila at kumaripas nang takbo para makapagtago ng tuluyan sa mga humahabol sa akin. Ayokong masayang ang buwis buhay na stunt na iyon para matakasan sila.   Lagot talaga sa akin iyang sina Eunice dahil alam ko sila na naman ang may pa kana nito. Gawin ba namang fans day ko ang araw nato. Gusto atang i-hulog ko sila sa isang mataas na building dito sa Pilipinas.   ***   "Kuya, totoo nga sinasabi ko sa inyo! She saved me and she is the one who cured me, why wala akong bruises or etc."   "Hindi nakakatuwa iyang pinagsasabi mo, Arella."   "Tumahimik ka Venger, kung ayaw mong bangasan kita! Si Kuya Allen ang kausap ko! Kuya, naman totoo kasi ang sinasabi ko."   "Hindi ko pa siya nakitang humawak ng mga chemical o nagka-interest man lang sa mga ganoon. Kaya impossible ang mga sinasabi mo, Arella"   "Tumahimik ka sabi eh."   "What do you mean, Veng?"   "Ilang taon ko na siyang nakasama at alam ko kung ano ang mga hilig niya kaya impossible talaga na mangyari ang sinasabi niya."   After ng usapan nila ay naisipan kong tumakas para hanapin ang kotse ko.   Itatakas ko sana ang baby ko nang may kumatok sa bintana nito. Bumaba ako at sinirado iyon.   "What do you want?" Sabay taas ng isang kilay ko.   "Who are you? Alam kong hindi ka basta-bastang babae at girlfriend ni Venger." Walang paligoy-ligoy na tanong ni Arella sa akin.   "Akalain mong natumbok mo, Arella. I'm not an ordinary girl at mas lalong hindi ako basta-bastang girlfriend ni Venger." Sabay taas naman ng isang kilay sa kaniya.   "Aalamin ko ang tunay mong pagkatao at papatunayan ko sa kanila na ikaw talaga ang may pakana sa lahat ng nangyari sa isa sa lungga ng kalaban namin at hindi ako." Nanlilisik na saad nito.   Dinuduro-duro pa ako. Sarap kagatin ang kamay eh.   "Alam ko kasing lampa ka." Pang-aasar ko sa kaniya.   "Aba't!"   At tinalikuran ko na siya baka mabasag ear drums ko sa kakasigaw niya. Siguraduhin mong magagawa mo Arella, the hacker.   ***   Nakaharap ako ngayon sa babaeng nakapanlumbabang nakatingin sa akin. Ang babaeng isa sa importante sa buhay ko at ito ang araw ng pinakahihintay ko ang makalaban ang ini-idolo ko aside sa mama ko. Kinakabahan man pero tinatagan ko lang ang loob ko. Ito ang aking pinakakahintay kaya hindi ko sasayangin ang pagkakataon na’to.   "I hope you'll do everything to win this battle, Kana." Seryosong saad nito at tumayo nang maayos.   Tinitigan ko lang siya at hindi na ako umimik pa o ipakita man lang ang emosyon ko. Kinakabahan kaya ako. Nangangatog na nga ang tuhod ko dahil sa awra na nilalabas ni mommy pero dinadaan ko na lang ito sa pag-tap ng paa ko sa ground. Para-paraan kumbaga. Nakakahiya rin naman kung mahahalata ng mga manunuod.   "This is the day between Kana and the second best of Alpha, Mrs. Era Light!"   Kasabay nang pag-anunsyo nito ang dagundong na ingay ng mga nanunuod sa amin. Kanya-kanya silang cheer at expected na mas marami kay mommy.   "Don't worry. Iisipin ko na lang na ikaw ay ako para malaman ko kung ano talaga ang mahina sa akin." Kalmadong saad ko habang nakatitig sa mga mata niya.   I smell blood! I lost my sight and the last I saw is blood! And now...   Sh*t! Magpigil ka, Katana Vodka Zeimore kung ayaw mong makapatay ulit pero this time mommy mo na!   'Focus, Katana! Focus! Don't kill! Don't kill someone lalo na ang mommy mo! Calm down! Calm down, Katana! Calm down!'   Paulit-ulit na sambit ko sa aking utak at sa sarili. I need to focus! Kailangan talaga.   'God, guide me.'   Iyan ang huling naalala ko bago tuluyang mag-take-over sa akin ang kakaibang ako. Ang isang ako na walang pakundangan na magpahirap sa iba hanggang mamatay. Ang isa pang ako na halos umabot sa milyon ang napatay. Ang ako na pilit kong pinipigilan kung kinakailangan but this time I failed. I failed to do it.   Lalong lumakas ang kalansing ng katana at papalapit na ito sa gawi ko. Defense mechanism? Dahil doon ay napadilat ako ng ‘di oras at napigilan ko ang tira nito sa pamamagitan ng paghawak sa dulo ng blade nito. Hindi ako nakaramdam ng sakit. Parang lapis lang ang hawak ko at hindi blade na humihiwa sa aking kamay at mahihiwa nang tuluyan pagbabaon pa iyon.   "Kana!" Hindi makapaniwalang sigaw ng kapatid ko.   Isa lang nakikita ko ngayon! Ang matalo ko ang kinikilalang second best ng Alpha dahil si mama pa rin ang kini-kilala nilang mas mataas kahit matagal na itong wala. Ganiyan nila karespeto si mama pero sa gabing ito it’s time for me to shine and show to them who really, I am.   "Oh? Bakit parang nawalan ka ata ng lakas?" Pilit kong kinakalma ang sarili ko habang sinasabi ko iyon.   Unti-unti na ring gumagapang sa katawan ko ang pamamanhid nito. Nararamdaman ko rin ang kakaibang feeling sa aking katawan. Hindi ko na maintindihan ano ba ang gusto ko para ma-satisfy ko ang sarili ko. Hindi ko alam ano talaga.   "Ka-Kana…" Gulat na bulalas ni mommy.   “Hindi ka makapaniwala? Then, accept what you see." Mas lalo ko pang hinawakan ang blade nito na bumabaon na ng kunti sa kamay ko.   Sh*tness ka, Katana Vodka Zeimore! Pigilan mo ang sarili mo!   Sa mata ng iba kawawang-kawawa na ang itsura ko. Oo nga naman. Galing kay mommy ang mga natamo ko at alam nila kung gaano kasakit lahat ng binibitawan niya.   Napapikit ako habang hawak ko pa rin ang blade ng katana ni mommy. Hindi niya rin kasi binibitawan iyon kaya hindi ko rin binitawan. Nagulat ako nang hindi ko naramdaman ang sipa ni mommy na papalapit sa akin at dahil sa gulat ko napadilat ako ng ‘di oras na siyang pinagsisisihan ko.   Nag-iba ang tingin ko sa paligid. Mas lalong tumalas ang paningin ko, ang pandama at alam ko ang kasagutan sa nangyayari sa akin. Bago pa mapansin ni mommy ang pagbabago ng mata ko ay ‘di ko napigilan na bigyan ng combo attack si mommy kasabay ng pagputol ko sa katana niya at pagtusok iyon sa binti niya.   "Arrrggggggg!" Gulat na sigaw ni mommy na ramdam doon ang sobrang sakit na nararamdaman niya.   'Damn! Anong nagawa mo, Katana! Pull yourself back!' Sigaw ng utak ko sa akin.   "Kana! Stop this battle! Ano ba?!" Paulit-ulit na sigaw ni daddy sa mga taong nandirito sa fighting ground pero ni isa walang kumibo o kumilos man lang.   Gulat, takot at kung ano-ano pang emosyon ang bumabalot sa fighting ground ngayon at ni isa ay pinipigilang makagawa ng ingay. Baka sa kanila ko ibuntong ang atensyon ko na alam kong mangyayari iyon.   "So, your finally awake?"  Mahinang tanong ni mommy, sapat lang na marinig ko.   Bago pa siya makatayo ng tuluyan at makawala sa paningin ko ay agad ko siyang sinipa ng tatlong beses. Sinuntok sa sikmura na siyang kinabaon niya sa pader na malapit sa kanya.   Wala na akong maintindihan. Hindi ko alam anong nangyayari sa paligid ko basta ang sinisigaw ng utak at katawan ko ay ang patayin siya.   Lahat ng tao sa fighting ground ay nabato na sa kinauupuan nila. Hindi nila alam ano nang nangyayari sa babaeng nagngangalang Kana. Para siyang halimaw na uhaw na uhaw sa dugo. Kahit bogbog sarado na ito hindi nila alam paano ito nakalaban at napabaon si Era ng ganoon-ganoon lang.   "Ano ba?! Kana! Itigil mo na iyan! Era?!" Paulit-ulit na sigaw ni Casper na tumatakbo na pababa sa fighting ground.   "Arrrrrrggggg!" Sigaw ulit ni Era nang mahuli siya nito ni Kana at balian ng buto.   Sa hindi kalayuan, may isang babaeng kanina lang nakamasid sa kanila.   "So, the Blind Eyes is here. I didn't know na ganiyan ka kalakas talaga pero kung hindi mo kayang kontrolin ang sarili mo. Baka mapatay mo lahat ng tao rito katulad ng ginawa mo sa kalaban." Mahinang sambit nito.   Nanatili pa rin siya sa kinatatayuan niya at nanunuod na lamang.   ****   "M-ma.. m-mama."   Napalingon ang lahat sa magdadalawang taon na si Athena habang nakahawak ito sa mukha ng nanay nito. Gusto mang sabihin nila kina Allen na may anak sila ni Katana at nasa kanila ang mag-ina nito pero hidi pwede dahil nangako sila sa master nila.   Hanggang sa dumating ang araw na mahihiwalay ng tuluyan ang master nila sa kanila at ihahabilin na si Athena sa kambal nitong si Karie.   Ngunit, huli na ang lahat para makuha nila ang master nila sa kwarto na kinahihigaan nito dahil sumabog na ang mansyon kasabay nang pag-alis ng sasakyan na lulan ang batang si Athena. In-ambush sila ng taohan ng anak ng traydor na pinatay ni Era noon.   Agad na pumunta sina Keira at Chloe sa kwarto ng master nila kahit sumabog na ito at nag-aapoy na ito para tignan. Pero laking gulat nila nang may makita silang hindi inaasahan na makikita ng dalawang mata nila ni Chloe.   ****   Hindi ako nabuhay sa mundong ito para lang gawing human tester kundi nabuhay ako para tudlukan. Tudlukan ang mga pangyayaring mismo ang mga magulang ko ay walang nagawa para pigilan ang mga utak na punong-puno ng kabaluktutan na inuod at pinuno ng kademonyohan. In short, mga antagonist na walang inisip kundi magpakahari sa ibabaw ng lupa at ilalim ng langit. Psh!   Are you brave enough to enter my world?   If, yes?   Close your eyes and walk with me and let's start my journey.   I'm Katana Vodka Zeimore, the owner of the Blind Eyes.   I am blind in your eyes but I can see you clearly in mine.   So, be careful because if looks can deceive, my eyes can too.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SILENCE

read
381.8K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
326.3K
bc

YOU'RE MINE

read
894.2K
bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
273.1K
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
342.2K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.5K
bc

That Professor is my Husband

read
505.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook