Umalingawngaw sa arena ang kalansing ng bakal na magsasarado na papalibot sa kinalalagyan namin. Kompermadong seryosong labanan na ang magaganap ngayon kahit second round pa lang. Kaya mas lalo kong nakomperma sa sarili ko na ito na ata ang simula ng plano ng grupo nina Flame. O hindi kaya ay iba ang may gawa nito? Kahit ano sa dalawa ay hindi pa rin kami ligtas. "Hindi normal na bakal na rehas na iyan." Biglang sabi ni Leopon na nasa tabi ko na pala. Tumingin naman ako sa rehas at tama nga siya. Hindi nga kakaiba iyon dahil sa tingin palang siguradong tusta ka na. "Bakit?" tanong naman ni Kraiven habang hinahanda ang sarili para makipaglaban dahil kapag nasarado nang tuluyan ang arena ay magsisimula na talaga ang lahat. Sigurado kaming kami na naman ang unang pagtutulungan

