Nahihirapang tumayo si Allen dahil sa mga natamo niyang sugat, pasa at bali sa buto pero dahil ayaw niyang magpatalo kay Tristan ay tinitiis niya ang mga sakit na kaniyang nararamdaman ngayon. Ang nasa isip niya ay ipaglalaban niya hanggang kamatayan ang pagmamahal niya para sa babaeng kaniyang mahal na si Katana Vodka Zeimore. Kahit wala na ang babae ay wala siyang pakialam. Sa puso at isip niya ay buhay pa rin ito at mananatili iyon hanggang sa huling hininga niya. "Ano na? Mahina ka pala eh. Bakit ba kasi ikaw pa ang minahal ni Katana eh ‘di mo nga siya nailigtas at ‘di ka pa malakas? Bakit hindi na lang siya pumayag na maging akin? Hindi sana mangyayari ang lahat ng ito kung hindi siya nagmatigas pa. Sinayang lang niya ang buhay niya para lang sa mga walang kwentang tao. Ay teka? M

