THE PAINFUL TRUTH

2261 Words
Dahan-dahan ngunit paulit-ulit. Paikot akong naglakad sa mesa sa loob ng silid aklatan. Pilit iniisip kung ano ba dapat ang tamang gawin. Gusto kong makatulong ngunit ayaw kong manahimik na lamang sa isang tabi gaya ng palagi nyang sinasabi. Isang bagay lang ang makakakumbinsi sa akin, ang masilayan ito mismo ng aking mga mata. Tama! Pagmamalaki kung sabi. marahan kong itinabi ang mesa at ang iba pang upuan sa silid at mabilis akong pumaroon sa tapat ng pinto. "Anim na hakbang pasulong." Gaya ng nakasaad sa aklat, dahan-dahan kong hinakbang ang aking paa ng anim na beses sa pasulong na direksyon. Tumapat ako sa maliliit na aklat. Ang aklat tungkol sa kalikasan. Dalawang hakbang pa bago maabot ang dulo ng silid. "Tatlong hakbang pakaliwa" Maingat kong hinakbang ang aking paa ng tatlong beses. Kagay na lamang ng nakasaad sa liham. Makikita sa ibaba nito ang malalaking libro, ngunit mayroon pa itong ispasiyo. Mapapansing dalawa pang hakbang ang pagitan bago mo maabot ang mga libro. Ganon din sa kabilang direksyon sa aking bandang kanan, ngunit maliliit na aklat lamang ang nasa ibaba nito. Maingat kong tinanggal ang limang malalaking aklat at gaya na lamang ng sinasabi ng liham, kusang nagsitumbahan ang mga katabi nitong libro. Mabilis kong tinanggal ang mga natumbang aklat na nakaharang sa sinasabing lagusan. Hindi na ako nagsayang pa ng oras para ibalik ito sa dati at gawin muli ang proseso. Mula sa ilalim, ipinasok ko ang aking kamay at kinapa ang madilim na sulok nito, ngunit wala akong maramdamang munting sinulid. Mayroon itong maliit na ispasiyo, kasya para lamang sa isang tao. Hindi kaya isa lamang itong katuwaan? Naiinis kong sabi. Maingat ko namang sinunod ang sinasabi sa liham ngunit wala paring lagusan ang lumalabas mula sa dulo ng pader. Kung ganon, saan pumunta ang munting bata? Hindi kaya isa lamang na multo ang nakita ni 1696? Naguguluhan kong tanong. "Anim na hakbang pasulong at tatlong hakbang pakaliwa. Seryosong boses ni 5050. Kaylangan iksakto ang bawat hakbang ganon din ang pinagmulan. Tumayo ka sa pinaka gitna ng pintuan. Kaylangang hindi lalagpas sa dalawang dangkal ang gagawin mong paghakbang." Tumayo ako sa pinaka gitna ng pintuan at sinunod ang kanyang mga sinabi. Anim na hakbang pasulong at hindi lalampas sa dalawang dangkal. Tumapat ako sa bandang gitna ng lugar. Malayong malayo sa una kong ginawa. "Tatlong hakbang pakaliwa!" May kalakasan kong sabi. Ginawa ko ang tatlong hakbang pakaliwa, ngunit tumapat sa akin ang gilid ng istante kung saan nilalagay ang mga aklat. Ganito rin ang makikita sa kabilang direksyon. Ano bang klaseng pagpapahirap ito? Ang naitanong ko na lamang sa aking sarili ng hindi na malaman ang gagawin. "Tatlong hakbang pakanan at humarap ka sa kaliwa." Seryoso nitong sambit. Pakanan? Pagdududa kong tanong. Maliwanag ang nakasaad sa liham, tatlong hakbang pakanan. Maaaring kaliwete ang nagsulat ng liham, at dahil sa pagmamadali hindi nya na ito napansin. Isinulat nya ang liham sa harapan mismo ng tagapag-alaga. Marahil iisang bagay lang ang tumatakbo sa kanyang isipan. Nakasasiguro akong mayroong nagtago ng aklat. Kung sino man iyon, isa sya sa naging tagapag-alaga ng lugar na ito. Maaaring patay na sya o nagmamatyag parin hanggang ngayon. Pagpapaliwanag nito. Bigla akong natahimik sa kanyang mga sinabi. Lubhang natatandaan nya ang mga sinabi sa aklat. Tumayo akong muli sa gitna ng pintuan at ginawa ang unang proseso. Gaya ng dati, huminto ako sa bandang gitna ng silid. Dahan-dahan kong ihinakbang ang aking paa tatlong beses sa pakanang direksyon at humarap pakaliwa. Doon tumapat sa akin ang pinaka gitna ng isang istanteng punong puno ng mga aklat. Sa deretsong direksyon naman nito ay isa lamang gilid ng stante. Mabilis kong tinungo ang gitna nito at masusing binilang ang mga aklat na nasa ibaba upang makuha ang pagitan. Marahan kong tinanggal isa-isa ang limang malalaking aklat. Tulad na lamang ng isang mapayapang lugar, kahit kunti ay hindi man lang gumalaw ang katabi nitong mga libro. May kadiliman man ngunit maaaninag parin ang munting sinulid sa pinakadulo nito. Maingat ko itong hinawakan, mapapansing hindi lamang ito isang ordinaryong sinulid. Tumingin ako kay 5050 at tumango. Nagpapahiwatig na tugma ang kanyang mga sinabi. Mariin ko itong hinila ng tatlong beses. Matutunghayan na ang imposible ay maaring magkatotoo. Kusang tumaas ng dahan-dahan ang pakwadradong pader, tila ba ginawa lamang ito para sa nag-iisang dahilan. Panandalian akong tumingin kay 5050 na nito'y nakatayo na malapit sa akin. "Magmadali ka, ako na ang bahalang magbalik ng mga libro!" Wika nya habang manghang-mangha sa mga nasaksihan. Mabilis akong pumasok sa pakwadradong butas habang si 5050 naman ay nagsimula ng ibalik ang mga aklat. Lubhang napakadilim sa loob, ang magagawa mo lang ay pakiramdaman ang paligid kung saan ka dadalhin ng lagusan. Masikip ang daanan ngunit mayroon paring ispasiyo, sapat upang makagalaw. Sa dulo nito ay mapapansin ang pataas na butas. Maingat ko itong inakyat at sa pinaka-itaas ay mayroong dalawang lagusan. Ang isa ay nagtuturo sa pakanang direksyon at ang isa naman ay pakaliwa. Tinungo ko ang pakanang direksyon kung saan mas malaki ang ispasiyo. Maihahalintulad ito sa madilim na kweba sa kailaliman ng lupa. Habang tumatagal ay unti-unti na akong nakakaramdam ng hangin kasabay ng kakaibang tunog. Ilang sandali pa ay mayroong munting liwanag na maaaninag sa unahan nito at maririnig na palakas ng palakas ang kakaibang tunog. Mabilis kong tinungo ang dulo ng lagusan at doon bumungad sa aking mga mata ang isa pang napakalaking butas, pabilog ang hugis nito. Malalim itong hinukay hanggang sa kailaliman. Sa ibaba nito ay mapapansin ang dalawang malalaking bagay na umiikot, ganon din ang itaas nito. Marahil ito ang gumagawa ng hangin na naramdaman ko kanina gayon din ang kakaibang tunog. Sa magkabilang gilid ay mayroong mga ilaw na nagsisilbing liwanag sa buong paligid. Makikita sa aking itaas ang isang hagdan, patungo ito sa itaas ng lugar. Maingat kong tinahak ang bawat baitang ng hagdan, habang tumatagal ay palakas ng palakas ang hangin na nagmumula sa malaking bagay na umiikot. Sa pinaka dulo ng hagdan ay mayroon uling butas, kasing laki ito ng lagusan sa ibaba. Nagmamadali akong pumasok sa pangalawang lagusan at masusing sinuri ito. Gaya ng nasa ibabang lagusan ay mayroon din itong butas paibaba pagdating mo sa bandang gitna ng lugar. Nagpatuloy na lamang ako sa deretsong direksyon nito sa pangangambang baka hindi na ako makabalik. Habang tumatagal ay parami ng parami ang mga lagusan at paliit ng paliit ang butas kasabay ng paglitaw ng mahihinang mga sigaw. Maaaring ito na ang sinasabing silid na paroroonan ng mga batang may matataas na marka. Sa silid din iyon ay masasaya silang mag-uusap. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba. Palakas ng palakas ang mga sigaw habang papalapit ako sa munting liwanag na nanggagaling sa ibabang silid. Ibang-iba ito sa ingay na nagagawa ng mga tawanan. Nanginginig man sa takot ay lakas loob kong inalam kung ano ang nagyayari sa kanila. Nakasisiguro akong boses nga ito ng mga kwalipikadong mag-aaral na umalis nitong mga nakalipas na buwan. Subalit hindi sila tumatawa. Ito ang sigaw ng isang taong nakakaramdam ng hindi maipaliwanag na sakit. Mabilis kong sinilip kung ano ang mga nangyayari sa ibabang silid sa pamamagitan ng pakwadradong butas na may mga rehas ng bakal. Doon, masasaksihan ang karahasang hindi mo sukat akalaing umiiral. Sumisigaw, nagmamakaawa, namimilipit sa sakit. Tila ba nasilayan ko na ang impyernong sinasabi sa mga aklat. Ito ang lugar na binabalot ng kasamaan. Ang lugar na pipiliin mo na lang na mawala kaysa sa masaksihan ng inosente mong mga mata. Hindi ko lubos maisip kung anong uri ng pagdurusa ang kanilang nararanasan. Biglang gumulat sa akin ang isang kamay na mabilis tumakip sa aking bibig. "Gumawa ka ng ingay at mawawala sa iyo ang lahat." Mahina ngunit galit nitong sambit. Ang munting bata sa aking likuran. "Naririnig mo ba ang iyong sarili? Alam mo ba kung ano ang iyong mga ginagawa? Hanggang kaylan ka ba matototong isipin ang kapakanan ng lahat at hindi ang iyong sarili? Ang saya sa kanilang mga mukha. Ang mga ngiti na matagal na panahong pinangalagaan. Ang kislap sa kanilang mga mata na nagmimistulang bituin pagsapit ng payapang gabi. Papanoorin mo silang nalulunod sa kawalan habang unti-unti itong napapalitan ng sakit at pagdurusa. Nasa kamay mo ang mga kasagutan. Ang isang desisyon na maaaring magpabago sa lahat. Ang pagbabagong uusigin ka hanggang sa iyong kamatayan. Mabilis na tumulo sa aking mata ang kanina pa nagbabadyang mga luha. Maliwanag kong nakikita ang kanilang sitwasyon. Wala silang kahit na anong saplot. Ang maliliit na mga tubo na nakakabit sa kanilang katawan habang nakagapos ang kanilang dalawang kamay at paa. Kulay berde ang likidong dumadaloy dito na nagmumula sa isang bilog na lalagyan na gawa sa salamin. Mapapansin ang mga naka-usling buto sa kanilang mukha, napakahina ng mga ito. Ang iba ay hindi na gumagalaw dahil sa kapayatan. Mahihinang sigaw na lang ang lumalabas sa kanilang bibig. Humihinga ka pa ngunit nagmistulan ka ng isang bangkay. Mapapansin mula sa aking mga mata ang pangyayaring umuukit sa aking isipan. Napakabagal ng mga nangyayari sa paligid. Nakikita ko ang pagbikas nila ng mga salita. Ang di maipaliwanag na takot sa kanilang mukha. Ang patuloy na pagmulat ng aking mga mata habang tumutulo ang mga luha. Ito ang pangyayaring gustuhin mo mang pumikit, ngunit taliwas dito ang sinasabi ng iyong katawan. "Kaylangan na nating umalis!" munting boses sa aking likuran kasabay ng paghila nito sa aking katawan. Hindi ko na maalala kung paano kami nakabalik. Sarado ang aking isipan sa ano mang nangyayari sa paligid. Wala akong ibang maramdaman kundi ang malakas na panginginig ng aking katawa. Ang pinaghalong takot at paghihinagpis. Isa lamang itong bangungot hindi ba? Kahit sino! Paki-usap! Gisingin nyo ako mula sa kadilimang ito. 22! 22! 22! Boses ni 5050 sa aking harapan habang kinakaway nito ang kanyang kamay. Ayos ka lang ba? Naririnig mo ba ako? Ano ba ang mga nakikita mo? Paulit-ulit nitong tanong. Maririnig sa kanyang tinig ang pag-aalala. Nasaan ako? Nasaan ang munting bata? Mahina kong tanong habang malabo kong naaaninag ang buong silid. Wag kang mag-alala sa kanya, maayos ang munting bata, nagpapahinga lang ito. Naririto ka sa silid aklatan. 22, nakabalik ka! Masaya ngunit kinakabahan nitong sambit. Sumapit ang gabi at hindi parin nya ako pinuntahan upang kausapin, batid kong galit ito dahil sa aking ginawa. Mabilis lumipas ang mahabang gabi kasabay ng kakaibang tunog. Ang hudyat para sa almusal. Nagmamadali akong pumaroon sa silid-aklatan para kausapin ang munting bata. Gusto kong linawin ang mga malalagim na pangyayari na hindi parin mawala-wala sa aking isipan. Ngayong totoo ang nakapaloob sa liham, sigurado akong taon na lamang ang binibilang para kami naman ang susunod. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng silid. Napakabigat nito, tila ba isang selda na mayroong nakakulong na mabangis na hayop sa loob na gusto ng kumawala. Huminga ako ng malalim at hinanda ang sarili para sa mga susunod na mangyayari. Gaya na lamang ng aking iniisip, matayog ang kanyang tindig at nanlilisik ang mga mata sa galit. Para bang wala ng katapusan ang kamalasang nangyayari sa aking buhay sa loob lamang ng maikling panahon. "Siguro naman naniniwala ka na ngayon? Galit nitong bungad. Talagang hindi mo mapigilan ang pagigi mong mausisa! Paano na lang kung may nakarinig at nakakita sayo? Sabihin mo! Paano ko maipapaliwanag kay Ms. Melinda kung naligaw ga sa mga lagusan? Masyadong kumplikado ang mga butas ng bentilasyon. Maaaring hindi ka na makabalik. Piliin mong maigi ang gagawin mong desisyon! Ilalagay mo lang sa panganib ang lahat." Naglakad ito paikot sa lugar habang nakahawa sa ulo. Para bang mayroon itong iniiisip na isang bagay na hindi nya maunawaan. "Alam mo ba kung ano ang kulang sayo? Masyado kang mahina! Ni hindi mo nga kayang itago ang iyong imosyon! Sasapitin mo rin kung ano ang nakita mo sa silid na iyon. Dadaing ka sa sakit na para bang wala ng bukas! Paglalaruan ka muna nila bago ka mamatay. Galit nitong sambit." Unti-unting tumulo ang mga luha mula sa aking mata. Ang matinding imosyon na kanina ko pa pinipigilan sa aking puso. Sino nga bang hindi nagkasala? Kinakabahan man ngunit nakamulat kong hinarap ang kanyang galit. Kahit isang saglit ay hindi ako kumurap mula sa masasakit nyang salita na malalim na tumutusok sa aking dibdib. Batid kong ito ang tama, subalit lubhang napakasakit malaman ang totoo. Ang katotohanang isa lamang akong pabigat at nagdadala ng kapahamakan para sa iba pang gustong mabuhay. Mahigpit nitong hinawakan ang aking kamay. "Punasan mo ang iyong luha hindi yan karapat-dapat para sa sandaling ito." Sambit nito, mahinahon ngunit walang pag-aalala. Mabilis nyang binuksan ang pinto at naglakad palabas habang hawak-hawak parin ang aking kamay. "Pagmasdan mo sila. Ano ba ang nakikita mo? Nararamdaman mo ba ang galak sa kanilang puso? Naririnig mo ba ang mga masasayang tawanan sa kanilang bibig? Pagmasdan mo ang ngiti sa kanilang mga mata. Kung gusto mo silang iligtas, mananahimik ka, magsisinungaling, at gagawin ang mga sinasabi ko. Ang tama at makakatulong para sa lahat. Iiyak ka lang sa iyong isipan, sisigaw pagsapit ng malalim na gabi. Alam kong mahirap, ngunit kaylangan mong tiisin. Pagmamasdan mo sila habang namamatay ng walang ipinapakitang imosyon." Mahina at seryoso nitong wika. Ito nga ba ang nararapat? Nakatingin sa mga bata habang pinipigilan ang muling nagbabadyang mga luha sa aking mga mata. Hindi, hindi nila sasapitin ang ano mang karahasan. Ipinapangako ko yan sa mga boses na sumisigaw para sa katarungan. Sa lahat ng mga nagkasala, hinding hindi ko sila mapapatawad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD