FADED SMILE
Nakangiti habang tumutulo ang mga mga luha. Ang mukha na binabalot ng kalungkutan, tahimik ngunit dumadaing sa kadiliman ng kawalan. Ang mukha na unang nasilayan at tumatak sa aking murang isipan.
Marahang bumukas ang kanyang labi kasabay ng paglabas ng mga salita. Ang mga salitang malalim na nakabaon sa aking kamalayan. Napakalamig ng kanyang mga hikbi. Ang daing na nais makawala, ang paghahanap ng isang bagay na para sa kanya. Napakalamig ng kanyang palad, subalit ramdam ko ang init ng kanyang pagmamahal sa kanyang bawat haplos. Ang pananabik sa likod ng malungkot na pagpapaubaya.
Mabilis syang lumayo kasabay ng maliliit na boses. Tila ba isa itong mapait na kapalaran na kumukurot sa aking dibdib. Ang tinig na mas maingay pa sa katahimikan ng gabi.
Walang araw na hindi ko ginugol ang aking oras sa pag aaral. Wala ng mas gaganda pa sa pagkakaroon ng sariling pamilya. Sampong taon na rin ang nakalipas, naging masaya ako sa piling ni Ms. Melinda at ng mga batang katulad ko, na kalaunan ay naging kaibigan at maituturing na pamilya. Subalit iisa lang ang nakatatak sa aking isipan simula pagkabata magpahanggang ngayon. kalinga!
Mula sa aking kaliwa, ang isang batang walang muwang, kakamulat pa lamang sa presensya ng mundo.
Mahigpit kong hinawakan ang kanyang kamay, at mula sa likod ni Ms. Melinda at ng mga bata, ang yapak ay sinundan.
"Ayos ka lang ba?" Nakangiti kong tanong. Napansin kong magmula pa kanina ay hindi pa sya nagsasalita.
Kalmado nya akong tiningnan, tila ba nagpapahiwatig na walang dapat ipagalala. "Ayos lang ang lahat". Boses sa aking isipan. Katulad nya ang hangin sa umaga at ang banayad na alon sa karagatan. Mababakas sa kanyang mga mata ang salitang, katahimikan.
Hindi ko na sya pinansin o inabala pa. Marami pa syang dapat matutunan ngunit lahat ng iyon ay hindi dapat minamadali. Itinuon ko na lamang ang aking isipan sa paghahanda ng mga sagot para sa pagsusulit. Batid kong naninibago pa sya sa lugar, wala syang ibang ginawa kundi ang pagmasdan ang bawat sulok nito.
"Mga bata' oras na!" Sambit ni Ms. Melinda.
Ms. Melinda, 'ayos lang ba kung isasama ko sya? Nakangiti kong tanong. Marami akong dapat ituro sa kanya at gusto kong mapabilang ito sa kanyang karanasan para sa susunod nyang hakbang.
Malugod syang tumango, nangangahulugang pumapayag sya sa aking nais.
(Kakaibang tunog) marahan akong naupo sa aking pwesto, ang ika tatlumput lima, samantalang sya naman ay nakatayo sa aking tabi at tahimik na nagmamasid.
Sa buong lugar, ang silid ng pagsusuri ang masasabi kong pinakamalawak. Ginawa ito para sa limampung studyante. Bawat pwesto ay may pader na kurting letrang C, at isa't kalahating metro ang bawat pagitan. Sa unahan nito ay nakatatak ang bilang ng mga studyante at ito rin ang kanilang pagkakakilanlan.
Kusang bumukas ang kompyuter kasabay ng paglitaw ng mga tanong, nangangahulugang 'oras na para magsimula.
Maingat kong binasa ang bawat pangungusap, pilit inuunawa ang mga salitang bumubuo dito. Gaya ng dati, tungkol parin sa wika ang karamihan sa mga tanong. Marahan kong tinapik ang magkabila kong pisngi. (buntong hininga) Kailangan ko pang pagbutihan ang aking pagaaral.
(Kakaibang tunog) Mabilis na nawala ang mga tanong sa kompyuter kasabay ng pagsara nito. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata, tila ba binabalot ng katamaran ang buo kong katawan. "Talaga namang nakakapagod ang araw na ito!" Bulong ko sa aking isipan. Dahan dahan akong tumayo at marahang naglakad.
Makikita sa isang malaking screen TV monitor ang mga puntos ng bawat studyante. Gaya ng dati wala parin ang aking numero sa sampong kwalipikadong nangunguna.
Saka ko lang naalala ang munting bata, mabilis na nawala ang panghihina sa aking isipan. Dali dali akong lumingon sa aking likuran at doon muling bumalik ang sigla sa aking katawan na para walang nangyari.
Kagaya ng dati' tahimik syang nakatayo at tila ba mayroon pinagmamasdang kakaibang bagay.
Marahan ko syang hinawakan at itinuro ang aking kamay sa dereksyon ng monitor. Siguro naman alam mo na kong ano yung pagsusulit? Mahinahon kong sabi.
Dito mo makikita ang nakuha mong marka pagkatapos ng pagsusulit. Tanging sampong magaaral lamang ang kwalipikadong ilalagay sa sampong bilang. Ang mga studyanteng may matataas na marka, sila ang pipiliin para mapunta sa ibabang kwarto ng lugar na ito. Kagaya na lang ng pitong batang nakita mo kani-kanina lang. Doon' malaya silang makakapamili ng sarili nilang pamilya. Ang pamilyang pinapangarap ng lahat! Pagpapaliwanag ko.
Sa ngayon, kaylangan mo munang makuha ang iyong numero. "Itinuro ko ang numero sa ibaba ng kaliwa kong mata." Kaylangan mo ito para sa pagkakakilanlan. Karamihan sa mga bata ay mayroon na itong sarili nilang numero bago pa man sila mapunta dito. Nagkaroon ka ng malubhang sakit, kaya naman ipinagpaliban na muna nila ito. Mas pinagtuonan nila ng pansin ang pagpapanatili ng iyong lakas at pagbabalik ng iyong sigla.
(Buntong hininga) Nakatingin lang sya ng deretso na para bang walang naririnig. "Talaga namang kakaiba ang isang ito sa lahat ng mga bata!" Bulong ko sa aking isipan.
Nagpatuloy na lang sa paglalakad at itinuro sa kanya ang bawat sulok ng buong lugar.
Magmula ngayon, dito ka na matutulog kasama ng ibang bata! Sinamahan ko sya sa isang kwarto, ang kwartong para lamang sa mga batang apat na taong gulang hanggang anim.
Maituturing ang lugar na ito bilang isang paaralan. Binubuo ito ng sampong kwarto. Ang kwarto para sa pagsusulit, kung saan maingat na sinusuri ang kakayahan ng bawat magaaral. Ang palikuran, pinakamahalagang lugar upang maiwasan ang komplikasyon sa kalusugan at pinapanatili ang kalinisan ng bawat isa. kusina at ang hapag kainan, Isa sa pinaka malinis na silid sa buong lugar, dito ihinahain ang masasarap at masustansyang pagkain, dito rin nagkakaroon ng pagkakataong magharap at magsalosalo ang lahat. Ang klinika, ang kaisa-isang lugar kung saan namamalagi ang isang batang may sakit, ang nagsisilbing lugar ng tagapagtanggol para sa kanila. Ang silid aklatan, dito hinuhubog at nililinang ang mga nakatagong kakayahan at talino. Sa silid ding ito kusang natututu ang isang bata ng walang kahit na anong tulong na nagmumula sa iba. Dito malaya nyang tuklasin ang mga bagay bagay gamit ang sarili nyang kakayahan. Ang pinaka mahirap na baitang para sa pag-unlad. "Ang apat na kwarto," unang kwarto para sa mga batang edad isa hanggang tatlo, edad apat hanggang anim para sa pangalawa, pito hanggang sampo para sa pangatlo, at edad labing isa hanggang labing dalawa naman para sa pang-apat. Ang kwarto ni Ms. Melinda, ang pangalawa sa mahigpit na ipinagbabawal na puntahan. Ang una ay ang gitnang bahaging kwarto, ang iisang labasan ng lugar. Maaari ka lang pumasok dito kapag isa ka sa mga magaaral na mataas ang marka at nabibilang sa kwartong edad labing isa hanggang labing dalawa. Ang kwartong pinapangarap ng lahat.
Marahan itong naupo, bakas parin sa kanyang mga mata ang pagtataka kasabay ng mga katanungang nabubuo mula dito.
Bago ako umalis ay ipinaliwanag ko muna sa kanya ang iba pang detalye sa lugar. Ang oras ng almusal sa umaga, tanghalian, hapunan tuwing gabi, oras ng paliligo, at ang oras ng pagtulog.
Nagmamadali akong naglakad patungo sa gitnang bahagi ng lugar kung saan malayang nakakapaglaro ang mga bata. Kagaya ng dati, napapaligiran parin ito ng saya. Mababakas sa mga bata ang malalayang ngiti na walang halong pagdurusa, malayong malayo ito sa kalungkutan.
Mabilis akong tumungo sa kinaruruonan ni Ms. Melinda na noon ay nakikipaglaro. Malapit ang loob nya sa mga bata, at ganon din ang mga ito sa kanya.
"Ms. Melinda." mahinahon kong tawag sa kanya.
Kamusta naman? Tanong nya sa akin.
Biglang binalot ang aking isipan ng kalungkutan. Para bang may roong kulang sa nasisilayan kong mga ngiti. Itong ang lugar kung saan mag-isa kang mamumulat, walang pamilya o kaibigan. Ngunit kaylangan mong magpatuloy, makibagay ka at unawain ang lahat. Kalaunan ay matututunan mo ring tanggapin na isa itong tahanan, at kilalanin bilang pamilya ang nasa piligid nito. Ngunit hindi yun umiiral sa kanya, hindi ko maipaliwanag subalit pawang kalungkutan at pag-iisa ang nakikita ko sa kanyang mga mata.
"Kakaiba sya hindi ba?" Nakangiti nitong sambit. Sa loob ng isang taong pag-aalaga ko sa kanya ay ni isa hindi ko pa nakita ang totoo nyang mga ngiti, gayon din ang kanyang salita. Walang kabuhay buhay ang kanyang katawan subalit kumikislap sa liwanag ang kanyang mga mata. Isang araw nagawa nyang ngumiti, ang ngiti ng pangkaraniwang bata na natutuwa sa kanyang ina. Ngunit hindi parin mawala sa aking isip ang pagdududa, tila ba may kung anong mga salita sa kanyang isipan! Nakapagtataka!
Ms. Melinda! pagpuputol ko ng hindi ko maunawaan ang kanyang sinasabi. Tila ba may gusto syang malaman at pilit binibigyan ito ng kasagutan sa kanyang isipan.
1122! seryoso nitong sabi.
Bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba. Ngayon ko lang nakita ang mukhang iyon, hindi sya ang Ms. Melinda na kilala ko. Ang babae na maituturing na sikat ng araw dahil sa kanyang masiyahing pagkatao. Ilang sandali pa ay bumalik ito sa dati.
"Wala naman." Mahinahon at nakangiti nitong sambit. Napagod lang siguro ako sa pakikipaglaro sa mga bata.
Dahan dahan itong tumayo at naglakad patungo sa kanyang silid. Tila ba may nasabi syang hindi ko dapat marinig.
"Ate'" Munting tinig sa aking likuran. Saka ko lang napansin ang isang kamay na pilit humahatak sa aking damit. Ikaw lang pala! Masaya kong tugon. Sya ang nakababata kong kapatid.
Tatlong taon na rin magmula ng lumabas sa bibig ni Ms. Melinda ang malulungkot na salita. "Inabandona ako ng aking ina!" Yun ang madilim na katutuhanang pilit ko paring binubura sa aking isipan, subalit hindi ko inakalang may ididilim pa pala ito. "Kapatid?" Ilan pa bang kasalanan ang gusto nyang buohin sa kanyang buhay? Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha mula sa aking mga mata. Sa tuwing nasisilayan ko ang kanyang mga ngiti, unti unting nagkakaruon ng lugar ang kalungkutan at galit sa aking dibdib. Paano nagagawang kalimutan ng isang ina ang kanyang mga anak? Ang katanungan sa aking isip na hanggang ngayon hindi pa rin nagkakaroon ng kasagutan.
Marahan kong hinaplos ang kanyang buhok kasabay ng pagpunas ng mga luha. Nakangiti syang tumingin sa akin, ang mga matang binubuo ng saya at pagmamahal.
Ipinikit ko ang aking mga mata at mariin kong itinatak sa aking isipan ang mga salita. "Ipapangako kong kahit kaylan hindi ka magiisa. Hinding hindi mo hahanapin ang pagmamahal na kahit kaylan hindi maibibigay ng isang ina."
Mabilis lumipas ang kahabaan ng gabi. Nakapikit man ang aking mga mata, subalit maliwanag kong nakikita ang kanyang mukha sa nakadilat kong isipan. Pagtataka, iyon ang gumigising sa mahimbing kong pagkakatulog.
(Kakaibang tunog) oras na para sa umagahan.
Marahan kong ihinakbang ang aking mga paa palabas ng pintuan. Makikita sa kanilang mga mukha ang ngiti ng pagbati. "Isa lang naman itong ordinaryong araw hindi ba?" Tanong ko sa aking isipan. Ang ngiting bumuo at gumabay sa nakakayamot na kalungkutan. Ngunit hindi ko man lang ito kayang suklian.
"Ayos ka lang ba?" Boses sa aking likuran.
Payapa syang nakangiti na tila ba hindi lumitaw ang araw sa kahabaan ng gabi.
"Mukang hindi ka nakatulog ng maayos!" Mababakas sa kanyang mukha ang pag-aalala subalit taliwas ito sa sinasabi ng kanyang mga mata.
Marahan nitong hinaplos ang aking buhok sabay ngumiti.
Ingatan mo ang sarili mo. Kahit ang matatag na isipan ay nangangailangan ng pahinga.
Mahinahon nitong sambit.
Kagaya ng dati, hindi parin matatawaran ang pagaaruga nito. Tila isa syang ina na hindi nagsasawang gabayan ang kanyang mga anak. Subalit hindi ko maramdaman ang pagmamahal mula sa kanyang mga salita.
Alagaan mo ang iyong sarili. Hindi lahat ng oras mayroong gagabay sayo. Tandaan mo, hindi mo matatagpuaan ang pagkakaton sa oras na kaylangan mo ito. Wala kang ibang maaasahan kundi ang sarili mong kahinaan. Huling salita na narinig ko mula sa kanya bago ito naglakad paalis.