REACHING FOR KNOWLEDGE

2201 Words
I sang mesteryo parin sa aking isipan ang kanyang mga salita. Tila isa itong lugar na kaylangan mong tunguhin ngunit hindi mo makita ang daan. Ibat ibang katanungan ang pumapasok sa aking isipan, hindi ko na alam ang tama at ang hindi dapat sundin na mali. Ilang taon na rin magmula ng ipakita ni Ms. Melinda ang kanyang ganitong pag-uugali, sa loob ng sampong taon hindi ko parin alam kong paano sya mag-isip. Ano nga ba'ng landas ang naghihintay sa akin sa likod ng pintong yan? Sa tuwing naiisip ko ang mga bagay na ito, hindi ko maiwasang hindi magtaka. Nakayuko kong tinungo ang unang silid, ang silid kung saan naroroon ang bagong dating na bata. "Magandang umaga ate!" Bati sa akin ng masasayang mga batang nagtatakbuhan. Tila ba muling sumikat ang araw sa matagal nitong pagkakalubog. Ang liwanag na masisilayan mo lamang sa kanilang mga ngiti. Ito ang lugar kung saan ako nabibilang. (Tunong ng pagbukas ng pintuan) Bumungad sa akin ang katahimikan ng paligid. Ang maaliwalas na munting silid, walang ibang makikita kundi ang straktura at mga gamit, maliwanag ngunit nababalot ng pagkainip. Ang lugar na masasabing walang kalaman-laman. Nagmamadali kong tinungo ang bawat sulok at kwarto ng buong lugar. Marami pa syang dapat matutunan, magiging mahirap para sa kanya kapag masasayang lamang ang mga oras panahon. Subalit wala sya sa lugar kung saan maaaring puntahan ng isang batang wala pang muwang. "1122! May hinahanap ka ba?" Boses sa aking likuran. Mabilis akong lumingon, mula sa aking harapan ang masigla nilang presensya. Ang mga magaaral na may matataas na marka. Biniyayaan ng angking kakayahan, espesyal kung sila ay tawagin. Magandang umaga! Masaya kong bati. Hinahanap ko ang bagong bata. Ngayon ang unang araw ng kanyang pagaaral. Wala sya sa kanyang silid na dapat kinaruruonan nya ngayon. Pagpapaliwanag ko. "Mukhang ngayon ka lang nahihirapan, nagiging problema ba sya sayo?" Seryoso nitong tanong ngunit nakangiti. Mahirap basahin ang kanyang iniisip, hindi tugma dito ang kanyang ekspresyon. "Kung minsan napapansin kong tahimik si Ms. Melinda, tila ba meron itong iniiisip, mga katanungan na hindi magkaroon ng sagot. Sya ba ang dahilan?" Ikalawang Tanong nito. Gaya ng dati, nakangiti parin ito. Nagmistulan akong isang batang walang muwang. Walang boses ang aking bibig at hindi ito makapagsalita. Hindi ko kayang bigyan ng sagot ang kanyang mga katanungan. Ang batang iyon! Ramdam ko sa sarili ko ang dinulot nyang katahimikan sa paligid. Naiiba sya sa lahat. Bahagya syang lumapit sa akin kasabay ng marahang paghampas ng kanyang kamay sa aking ulo. "Hindi ka parin talaga nagbabago! Nakangiti nitong sambit. Masyado mo pa rin inaalala ang mga bagay. Huwag mong kakalimutang pamilya tayo dito, hindi ka nag-iisa." "Oo nga naman" Biglang nag-iba ang tono ng pananalita nito. Ngayon ko lang nasilayang unti-unting naglalaho ang ngiti sa kanyang mukha. "Pilit ko mang iwasan, subalit paningin ko na mismo ang kusang nagtuturo sa dereksyon ng kinaruruonan nya." Ngayon lang nagtugma ang kanyang pananalita sa ekspresyong pinapakita nya. "Napapansin kong madalas syang walang kasama, ngunit hindi sya nag-iisa. Maihahalintulad sya sa isang kahon na hindi pa nabubuksan ng matagal na panahon. Kahit sino gustong makita ang nasa loob nito." "Mesteryoso ang kanyang mga titig, nangungusap ang mga ito. Hindi ko masabi ngunit espesyal sya, may kung anong meron sa kanya na hindi pa nasisilayan ng sino man." Marahan nyang hinaplos ang aking buhok. Napaka lungkot ng kanyang mga mata. Ngayon ko lang nasilayan ang pagkakataon na ito. "Oo nga pala! Nakita ko syang naglalakad patungo sa silid aklatan." Pagpapaalala nito. Talaga! Maraming salamat! Masaya kong tugon. Yun na lamang ang mga salitang lumabas sa aking bibig ng hindi ko na alam kung anong dapat sabihin. Dahan dahan akong tumalikod kasabay ng muling pagbabalik ng sigla sa kanyang mukha. "1122! Pagpigil nito. Naniniwala kami sayo. Sana matulungan mo sya." Ang mga salita na narinig ko bago ako umalis. (masasayang tawanan) Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at doon, bumungad sa akin ang nakakabinging tunog ng katahimikan. Maayos syang nakaupo habang pinagmamasdan ang nakabukas na aklat sa mesa. Dahan dahang kong sinara ang pinto at marahang naglakad, masusi kong iniiwasan ang mga bagay na maaaring makagulo sa kanya. Sinusubukan nya bang unawain ang nakasulat sa aklat? Nagtataka kong tanong sa aking isipan. Batid kong hindi nya pa mauunawaan ang mga ito. Mariin ko syang pinagmasdan habang dahan dahan akong naupo sa may bandang gitna ng mesa habang sya naman ay nasa gilid nito. Tila isa akong ina na pinagmamasdan ang kanyang anak habang unti-unti itong nagkakaroon ng kamalayan sa mundo. Banayad ang hangin sa paligid, tumutugma ito sa payapang katahimikan ng silid. Tinitigan ko sya sa kanyang mga mata, napaka seryoso ng mga ito. Para bang walang pakialam sa anumang ingay na nagbabadya. Ang paggalaw nito at pagsunod sa mga salitang nakapaloob. Hindi maarai! Boses ng pagkagulat sa aking isipan. Ang paggalaw ng kanyang kamay. Ang dahan dahang pagbuklat ng bawat pahina ng aklat. Ang pagsunod ng kanyang mga mata kasabay ng nakakapigil hiningang katahimikan sa paligid. Saka ko lang napansin ang tumpok ng mga libro sa kanyang harapan. Maliwanag nyang naiintindihan ang lahat. Mabilis akong tumayo ng hindi ko na mapigilan ang pagtataka at mga katanungan mabilis na nabuo sa aking isipan. Alam ko sa sarili kong wala pa akong nagagawa. Hindi marahil na kaya nyang magbasa, gayong kakamulat nya pa lang sa presensya ng mundo. Hindi nya matututunan ang isang bagay sa loob lamang ng isang gabi. Hindi nya magagawang bigyan ng liwanag ang gabi ng walang hinihinging tulong sa iba. Ano nga bang itinatago ng batang ito? Isa sa mga katanungan sa magulo kong isipan. Bago pa man ako lumapit sa kanya ay bigla itong tumayo, naka deretso ang tingin palabas ng pinto na tila ba walang napapansin sa paligid. Tila ba isa akong multo na wala ng karapatang umiral sa mundo. Puno ng katanungan ang aking isipan habang pinagmamasdan syang umaalis. Wala ng mas kakaiba pa sa sitwasyong ito. (Tunog ng pagsara ng pinto) mariin akong huminga ng malalim at pinagmasdan ang buong paligid. Lubhang nakakapanibago ang isang araw at isang gabi magmula ng dumating sya. Wala na akong nagawa kundi iligpit ang naiwan nyang mga nakakalat na libro sa lamesa. Pagtataka parin ang namamayani sa aking isipan. Marahan kong kinuha ang nuo'y binabasa nyang aklat at masusing tiningnan ang bawat pahina. Tungkol sa wika ang mga ito. Hindi ang libro na maiintindihan ng apat na taong gulang na bata. Hindi kahit na ang nasa edad anim. Alam kong hindi lang nagkataon ang lahat. Saka ko lang napansin ang isang papel sa unahang tumpok ng mga aklat. Mabilis ko itong kinuha at sa aking mga mata bumungad ang mga salita. Ito ang liwanag na masisilayan lamang sa kadiliman ng gabi. Ang nag-iisang sagot sa libo-libong mga katanungan. "Wag mong hahayaang mangibabaw ang pagkamausisa sa nagmistulang araw mong mga ngiti." Ang mga salitang nakasulat sa munting papel. Napaka misteryoso nga naman ng pagkakataon! Bakas lang ang hinihingi ko subalit binigyan nya ako ng sagot. Mabilis kong nilisan ang silid aklatan at mula sa harapan ni Ms. Melinda, hindi nagatubiling bigkasin ang mga salita. Ayos ka lang ba 1122? Ano bang nangyayari sayo? Nag-aalalang tanong nito na may kasamang galit. Pasensya na, ayos lang ako Ms. Melinda. Pagpapaliwanag ko. Hindi parin sya nagbabago, maalaga parin sya sa mga bata. Kung tutuusin, higit pa ang pagmamahal na ibibinibagay nya para sa isang tagapagalaga. Maituturing syang ina, at kami ang kanyang mga anak. Tungkol na naman ba ito sa kanya? Nakasimangot nyang tanong. Hindi mo dapat ginagawa ang isang bagay na hindi naman saklaw ng iyong kakayahan. Magsumikap ka na lang sa pag-aaral, ngumiti gaya ng dati. Ang panahon na hindi pa umiiral ang problema sa iyong isapan. Sambit nito. Binigkas na naman ng kanyang bibig ang mga salitang hindi ko lubos maunawaan. Ang mga salitang hindi pa naliliwanagan dahil sa kalaliman ng mga ito. Ano bang ibig mong sabihin Ms. Melinda? Naguguluhan kong tanong. Tumingin sya sa aking mga mata na may halong pagkaawa. May gusto itong ipahayag subalit hadlang ang kanyang isipan upang sambitin ang mga salita. Mula sa kanyang kinauupuan ay dahan dahan itong tumayo. "Wala kang nakita, wala kang narinig. Seryoso nitong tugon. Huwag mong papakinggan ang mga tunog. Ang tunog na tila ba umaawit dahil sa kagandahan nito. Huwag mong susundan ang mga yapak. Ang mga yapak na inaakit ang iyong katawan patungo sa maliwanag na lugar. Hindi mo kaylangan ang kagandahan na iyon. Mas pipiliin mo ang dikanais-nais na kadiliman ng ng gabi kaysa sa liwanag na ibinibigay ng araw sa umaga." Tinitigan ko sya ng may punong-punong katanungan. Tila ba kapapanganak ko lang muli, mosmos at wala pang kahit na anong alam sa mundo. May ibig syang ipahiwatig, subalit napakalalim ng kanyang mga salita upang maintindihan ng nanliliit kong isipan. Alam ko. Pagpapaliwanag nito ng makita nyang hindi man lang ako makasagot sa kanyang mga sinasabi. Marahan nyang hinalikan ang aking noo sabay ngumiti. "Unti unting nagbabadya ang ulan sa oras na hindi mo ito kaylangan. Magpalakas ka! Sa ngayon yun lang ang magagawa mo. Sabay haplos sa aking ulo." Wala na akong ibang nagawa kundi titigan sya at pilit unawain ang kanyang mga salita. Nawala narin sa aking isipan ang sarili kong pakay sa kanya. Malayo ang tingin nito at ngumiti. "Gusto mo bang makarinig ng isang kwento?" Nakangiti nyang tanong sa akin. Tila ba kasing bilis ng hangin ang pagbabalik ng aking sigla. Espesyal ang araw na ito sa akin. Ang pagkakataon na minsan lang mangyayari sa loob ng mahabang panahon. Marahan akong naupo, umaapaw ang galak at pananabik sa aking isipan. Mula sa malamig at malawak na sahig. Sa kanyang titig na nagbibigay pag-asa sa sino man. Mula sa kanyang ngiti na punong puno ng pag-mamahal. Ang kwento ay nagsimula. "Isang babae ang naghahangad ng kapayapaan at kasiyahan. Naglakbay sya ng malayo para lamang hanapin ito. Ibat ibang uri ng tao ang kanyang nakausap at nakasalamuha. Lahat ng ito ay itinuring syang kaibigan, kapatid at kapamilya. Subalit nagpatuloy parin ang babae sa paglalakbay. Gamit ang walang kakuntentuhan nyang hangarin, hindi tumigil ang kanyang mga paa sa pagpadyak patungo sa lugar na walang sino man ang nakakaalam. Mariin nyang sinundan ang liwanag dala dala ang paniniwalang, mas mainam ang naghihintay sa kanya dito. Hindi nagtagal, ang liwanag na kanyang sinusundan ay palapit ng palpit hanggang sa maaari na itong abutin ng kanyang mga palad. Mula sa masigla at nakangiti nitong pagkatao, hindi sya nagatubiling ihakbang ang kanyang paa sa kagandahan ng liwang na kanyang minimithi. Ngunit bumungad sa kanyang mga mata ang kaparusahan ng mundo. Mabilis syang nilamon ng kawalan, malakas na dumadaing at sumisigaw sa pagdurusa. Ang dati ay masigla nyang mga paa ay unti-unting nanghina at nawalan ng lakas. Nabihag sya sa isang desisyon na inakala nyang tama. Mula sa lupa sya ay tumingala sa kalangitan, pinagmasdan ang mga ulap at humihingi ng sagot sa mga bituin. Ang mukha na punong puno ng pagsisisi, nanlilisik ang mga mata at sa kanyang mga kamay nagbabadya ang galit. Lumipas ang mga araw. Ang babae ay nagsilang ng dalawang sanggol kahit labag ito sa kanyang kagustuhan. Pinilit na gawin ang isang bagay kung saan pagdurusa ang kabayaran. Sa isang lugar na panlabas ang ipinapakita, kasinungalin at inuuod ang panloob. Mula sa kanyang paligid ay nakaabang ang munting mga mata. Mga matang hindi alintana ang pagdurusang kahihinatnan. Sarado ang isip habang dahan dahang ihinahakbang ang mga paa sa kawalan. Ang mga batang kapapanganak pa lamang. Mula sa kanyang kinatatayuan ay mabilis umagos ang mga luha. Ang mga luhang nagsasabi at nagpapahiwatig ng isang salita. Mariin nyang ipinikit ang kanyang mga mata, subalit maliwanag nya parin itong nakikita sa kanyang isipan. Tila ba isa itong masamang panaginip, imulat mo man ang iyong mga mata subalit hindi ka pa rin magigising sa katotohanan. Ang bangungot na susundan ka hanggang kamatayan. Dahan dahan syang tumayo at mahigpit na niyakap ang mga mosmos. Ang mga ngiti na nagbibigay liwanag at pag-asa sa walang hanggang kawalan. Mariin nyang binigyang liwanag ang kadiliman ng silid. Nagmistulan syang ilaw sa gabi at liwang na gumagabay pagsapit ng umaga. Pinalitan nya ng ngiti ang nakakabinging mga hikbi, mga boses na humihingi ng tulong at uhaw sa paghihiganti. Tinanggap ang kapalaran at hindi na muling ihinakbang ang mga paa upang maglakbay. Mula sa lugar na ubod ng liwanag. Ang liwanag na sumisilaw sa katotohanan. Bumuo sya ng panibagong buhay at ibinaon sa limot ang nakaraan. Sa mga lambak na dati ay kanyang tinatahak. Sa mga ilog at batis na kanyang tinatawid. Sa matatayog na bundok na kanyang inaakyat. Ang lamig ng simoy ng hangin sa kadiliman ng gabi. Ang unti-unting pagtalikod sa mga hayop, halaman, at punong kahoy. Ang pagpapatuloy ng kanyang kwento." "Kunin ang para sayo at hanapin ang kapayapaan. Sana mayroon kang matutunan sa mga sinabi ko." Nakangiti nyang sambit. Tumango na lang ako. Pilit ko mang intindihin subalit hindi ko lubos maintindihan ang kabuoan ng kanyang kwento. Tumingin sya sa akin ng may pagpapahalaga. "Hindi mo kaylangang unawain, balang araw maiintindihan mo rin ang mga ito." Napaka hinahon ng kanyang boses. Mabilis na tumatatak sa aking isipan ang kanyang mga salita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD