Mabilis na lumipas ang mga araw kasabay ng pagpapatuloy ng kakaibang mga sandali. Ang sandaling tila ba walang balak lumipas.
Sa maingay na araw ng pagsusuri na tila ba isang okasyon. Mga tunog ng yabag ng mga paa na tila ba nagmamartsa para sa katarungan. Mula sa kakaibang pintuan patungo sa panibagong lugar. Handa na ang pagsusulit na magsimula.
Taimtim ang kanyang hitsura, ngunit sumisigaw sa sabik ang kanyang presensya. Mayroon syang gustong malaman, mga planong handa ng gampanan. Napakalamig ng umaga, subalit umaapoy sa determinasyon ang kanyang mga mata.
Mabilis na pumunta sa kani-kanilang pwesto ang bawat mag-aaral. Kagaya ng dati, kusang bumukas ang kompyuter kasabay ng paglitaw ng mga salita. Walang nag-iba sa proseso, subalit tumutusok sa aking mga mata ang mabilis na pagbabago ng mga tanong.
Namayani ang katahimikan sa paligid. Wala kang ibang maririnig kundi ang paggalaw ng mga kamay. Ang pagsusulit para sa kinabukasan.
Marahan akong lumingon sa aking kaliwa. Ang munting bata na tahimik na nakaupo sa kanyang pwesto. Napakataimtim ng kanyang mga mata, na para bang walang kahirap hirap nya itong nauunawaan.
Ilang sandali pa ay dahan dahan itong lumingon, taas noong ngumiti na tila ba nanghahamon. Gaya ng dati, mapungay parin ang kanyang mga mata. Kung ano man ang magiging kahihinatnan, siguradong ito'y ikakagulat ng lahat.
(Kakaibang tunog) mabilis na natapos ang pagsusulit kasabay ng muling pagbabalik ng ingay sa paligid. Lahat sabik makita ang kalalabasan maliban sa isa.
Dahan dahan itong naglakad palayo ng silid ng pagsusulit. Inilalarawa ng tinatamad nyang katawan na hindi ito interesado sa ano mang mga marka. May kung anong kakaiba sa kanyang kinikilos.
Nagmamadali akong pumaroon sa mga nagkukumpulang mga bata, ang lugar kung saan naroroon ang leaderboard. Masusi kong tiningnan ang bawat bilang. Alam ko sa sarili kong may roong pagbabago sa posisyon ng mga numero na nakapaloob dito. Iba na ang nangunguna subalit walang nakalagay na pangalan o kahit numero man lang ng kanilang pwesto.
Kahit ang mga mag-aaral na may pinaka mataas na marka ay nagulat sa pangyayari. Isang daan, ang perpektong marka. Kahit sa kasaysayan ng lugar na ito ay wala pang nakakakuha ng ganitong puntos. Nakapagtataka! Ang nasabi ko na lamang sa aking isipan ng hindi parin makapaniwala sa mga nakita.
"Kakaiba ang araw na ito hindi ba? Boses ni Ms. Melinda sa aking bandang kaliwa. Ang batang kapapanganak pa lamang ay nagawang magtala ng pinaka mataas na marka. Hindi kapani-paniwala hindi ba? Sambit nito. Bakas sa kanyang mukha ang hindi maipaliwanag na saya."
Ito ba ang gusto mong sabihin sa akin kamakaylan lang? Nakangiti nitong tanong.
Wag nyong sabihing? Hindi maaari! Pagkagulat kong tugon.
"Oo sya nga! Pagmamalaki nitong sabi. Sinong mag-aakala na ang isang walang muwang na paslit ay may talentong itinatago? Ngayon lang nabigyan ng sagot ang mga pagtataka at pagdududa sa aking isipan."
"Ang mga matang iyon! Maliwanag nyang niintindihan ang mga salita sa aking dibdib. Talaga namang kakaiba ang araw na ito! Nagagalak nyang sambit."
Tila ba mayroon syang natanggap na isang bagay na maaaring magpabago sa kanyang buhay. Ngayon ko lang nakitang natuwa sya ng ganito, hindi kahit kaylan.
"Sabihin mo! Ano bang klaseng pagtuturo ang ibinigay mo sa kanya? Alam kong alam mo na ngayon lang nangyari ang bagay na ito. Bulong nya sa akin."
Hindi! Hindi kahit isang beses. Nakaukit sa aking mga mata ang kanyang buhay. Ang pagtulog sa gabi pagkatapos kumain. Ang paggising sa umaga kasabay ng almusal. Maliwanag kong naaalala ang lahat. Subalit wala akong itinuro sa kanya kahit isang salita. Pagpapaliwanag ko habang nababalutan ng pagtataka.
Kinaumagahan, matapos ang araw, ang araw na unang beses syang nasilayan ng aking mga mata. Ang araw ng paglabas nya sa klinika. Natagpuan ko syang nag-iisa sa silid aklatan. Taimtim ko syang pinagmasdan, ang pangyayari na walang halong pagdududa. Ang unang beses na nasilayan ng aking isipan ang mga nagawa.
Marunong syang magbasa, naiintindihan nya ang lahat. Natutu syang magsulat, nauunawaan nya ang mga salita. Alam kong hindi maaari, subalit totoo. Hindi lang sya isang ordinaryong bata.
Nakangiti lang ito na tila ba hindi nagulat sa aking mga sinabi. Para bang inaasahan nya na ang pangyayaring ito. May kung ano syang nalalaman. Ano ba ang nililihim nya sa amin? Ano ba ang meron sa araw na ito? Ang naglalakihang tanong sa aking isipan.
"Hindi ka ba natutuwa 1122? Unti-unti ng nagbabadya ang pagbabago. Ang pagbabagong matagal ko ng hinihintay. Araw na lang ang bibilangin para maintindihan ang mga salita."
"Hindi mo kaylangang mag-isip. Ngumiti ka lang at patuloy gawin ang nakagisnan. Dahan dahan itong tumalikod at naglakad palayo."
Biglang pumasok sa aking isipan ang isang tanong. Pagiging mausisa ang naglalaro sa aking buong katawan.
Hindi nyo ba sya tinuruan noong nasa loob pa sya ng klinika? Tatlong taon na ang nakakalipas. Pagpigil ko sa kanyan.
Lumapit sya sa akin sabay ngumiti.
"Sinong nakakaalam? Ang imposible ay posible, at ang himala ay nagaganap."
Mabilis itong umalis na may dala dalang ngiti sa kanyang labi. Ang kasiyahang ngayon nya lamang naramdaman.
Nagmamadali kong hinanap ang munting bata para unawain ang lahat. Gaya ng dati, taimtim syang nakaupo sa silid aklatan habang nagbabasa. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, lumapit ako sa kanyang harapan at taas noong sinambit ang mga salita.
Ano pa bang bagay ang hindi namain nalalaman tungkol sayo? Ano pa bang misteryo ang hindi mo ipinapakita? Hindi mo alam kung gaano kalaking katanungan ang dinulot mo sa lugar na ito. May kataasang boses kung tugon.
Tila ba isa itong batang may kapansanan. Sarado ang kanyang mga tenga sa mga ingay sa paligid. Wala syang naririnig kundi ang sarili nyang salita. Maihahalintulad ito sa isang mabangis na hayop, wala syang pakialam sa isang bagay na hindi kumukuha ng kanyang atensyon. Ang pagkamahinahon sa harap ng panganib.
Tumingin sya ng deretso sa aking mga mata at ngumiti. Dahan dahan nitong isinara ang binabasang libro kasabay ng pag-abot ng isang kapirasong papel.
"Kung ganon, hindi mo pala naiintindihan ang ibinigay kong mga payo." Ang mensaheng nakapaloob sa munting papel.
Ilang sandali pa ay marahan itong tumayo, at sa unang beses ay bumungad sa aking tenga ang kanyang mga salita. Ang tinig na ibinaon sa kailaliman ng isipan. Mga boses na itinago ng mahabang panahon. Tila ba pinapangunahan ng araw ang desisyon ng buwan. Ang liwanag na ibinigay kahit hindi pa kagustuhan.
"Ano ba ang nauunawaan mo sa kagandahan?" Unang salita na lumabas sa kanyang bibig. Nagmistulan akong pipi ng hindi parin makapaniwala sa naririnig.
"Tumatanggap ka ng payo subalit hindi mo ito pinapahalagahan. Pinapangalagaan mo ang kanilang mga ngiti, masaya ka habang nasisilayan ang mga ito, ngunit hindi mo naririnig ang mga daing sa kaibuturan ng kanilang puso. Pakinggan mo ang ibig sabihin, hindi ang mga salita."
Nakikita ko ang emahe ni Ms.Melinda sa kanyang pananalita. Napakalalim ng mga ito na tila ba mayroong ipinapahiwatig. May nangyayari bang hindi namin nalalaman sa lugar na ito? Boses sa aking isipan.
Marahan akong naupo na tila ba nanghihina ang buo kong katawan.
Ano bang nangyari sayo? Naguguluhan kong tanong.
Unti-unting namamayani sa aking isipan ang kaba, batid kong mayroong kakaibang nangyayari sa paligid.
"Nangyari? Nakasimangot nitong tanong. Maraming nangyari sa akin na hindi mo maiintindihan. Napakadilim ng aking nakaraan ngunit batid kong may ididilim pa ang mga ito. Ito ang lugar na nagsisilbing takip sa kadiliman ng mundo. Itinatago ang katotohanan at pilit itinuturo ang kasiyahang hindi naman totoo. "
"Wag mong hayaang palitan ng pagdurusa ang kasiyahang nakatatak sa iyong mga mata. Mabilis na nilalamon ng kawalan ang isang tao kapag hindi nito alam ang kanyang paroroonan. Dagdag pa nito."
Hindi ko na nagawa pang magsalita. Napakahirap unawain ngunit ibang iba ang mundo na aming ginagalawan. Hindi ko man lubos maintindihan subalit nanliliit ang aking sarili sa mga salitang kanyang binibitawan.
"Gusto kong sa atin lamang ang pag-uusap na ito. Hindi pa sa ngayon, pero malaki ang tiwala ko sayo. Huling sinabi nya bago nito isinara ang pinto."
Mabilis lumipas ang mga oras. Marahan akong naglalakad at pilit inuunawa ang mga nakaraang sandali.
"Ayos ka lang ba 1122?" Mabilis akong natauhan ng marinig ko ang kanyang boses. Di ko napansin na naroroon na pala ako sa silid-kainan.
1696 ikaw pala! Nakangiti kung tugon. Ang babaing kasama ko sa kwarto edad pito hanggang sampo, kabilang ang dalawa pang mag-aaral. Hindi sya masyadong nagsasalita, ngunit hindi rin sya mahiyain. Masyado syang mabait sa lahat ng bagay, iyon ang nagbibigay kulay sa kanya.
Ano bang ginagawa mo dito? Mahinahon kong tanong. Hawak hawak nya ang isang basket na punong-puno ng mga gulay. Ang paghahanda para sa magiging pagkain pagsapit ng gabi.
"Ito ba? Inosente nyang tugon. Tumutulong lang ako sa mga nakatatanda para maghanda ng hapunan para sa lahat. Oo nakakapagod, pero mas nakakapagod ang isang taong walang ginagawa."
Ito na ang naging libangan nya para magpalipas ng oras pagkatapos ng gawain nya sa mga bata.
Mapapansin mo dito ang mga mag-aaral na may matataas na marka. Sila ang naghahanda ng pagkain simula umaga hanggang gabi. Ang gawain para sa matatandang mag-aaral. Ang pinaka importanteng aktibidad na buwan na lang ang binibilang upang kami naman ang gumawa.
Mayroon ka bang nalalaman tungkol sa bagong bata? Seryoso kong tanong
Umiling ito na tila ba nagtataka. Mababakas sa kanyang mukha ang pag-iisip sa isang bagay.
"Madalas ko syang makitang pumupunta sa silid aklatan. Hindi ka parin nagbabago! Gaya ng dati ibinibigay mo ang lahat para matutu ang mga bata. Pagpupuri nito."
Bahagya akong nagulat. Kahit ang matulungin at mapagmatyag na si 1696 ay walang kaalam-alam sa mga nangyayari sa paligid. Kung ganon, si Ms. Melinda lang at ang matatandang mag-aaral ang nakakapansin nito.
"Bakit mo naman iyon natanong? Wala naman syang ibang pinupuntahan maliban sa silid aklatan. Kung meron mang higit na nakakakilala sa kanya ay ikaw yun. Ikaw ang kasama nya sa buong araw magpahanggang ngayon. Paglilinaw nito."
Tila ba inusig ako ng sarili kong tanong. Hindi ko aakalaing maiipit ako sa sarili kong problema. Ngayon ko lang nasaksihan sa buong buhay ko ang mga sandaling ito. Ang kakaibang araw sa lahat.
Sandali syang tumigil sa paglalagay ng mga gulay. Bakas parin sa kanyang mukha ang pagtataka.
"May problema ba 1122? Mahinahon nitong tanong. Hindi lang ngayon kundi madalas. Napapansin kitang palaging wala sa iyong sarili. Hindi ka naman ganyan, ang ngiti na tila ba hindi ko na masisilayan ng mahabang panahon. May kaylangan ba akong malaman? Tanong nya sakin na may halong pagtataka."
Iyon ba? Nakangiti kong tugon. Maniwala ka man sa hindi, meron lang akong isang bagay na hindi naiintindihan. Mga pangyayari na hindi ko lang nauunawaan sa simula.
Bahagya akong tumingin sa kanyang mga mata. Ito ang lugar ng kasiyahan. Sigurado akong maayos lang ang lahat. Hindi mo mapapansing mabilis na lilipas ang araw na ito. Pagpapaliwanag ko.
Batid ko sa sarili ko na mayroong nangyayaring kakaiba sa palid, ngunit ayaw kong mapalitan ng pagdududa ang kasiyahang nakatatak sa kanilang isipan. Ito ang lugar na kinamulatan naming lahat, hindi dapat mabalutan ng takot ang mga bata.
Tumulong na lamang ako sa kanya sa pag-aayos ng mga gulay. Paghahanda ng mga sangkap kasabay ng paglilinis ng silid.
Ano nga bang nag-hihintay sa amin sa likod ng kasiyahang ito? Ang nag-iisang tanong na hindi mawala-wala sa aking isipan.
Ang masasayang nagdaang araw na tila ba wala ng katapusan. Ang mga ngiti na masisilayan kahit saan. Mga ingay ng tawanan na araw araw mong maririnig. Ang pagkakaisa na hindi maihahalintulad sa ano mang materyal na bagay. Ang kanyang tahimik na pagdating kasabay ng unti-unti paglaganap ng pagbabago sa paligid. Maririnig mula sa bibig ni Ms. Melinda na tila ba hindi maipaliwanag na saya. Kakaiba ang araw na ito.