Bakit ka ba natutulog pinakamamahal kong anak? Gising! Gising! Munting tining na paulit-ulit sumasagi sa aking tenga.
Dadahan kong binuksan ang aking mga mata kasabay ng mabilis nitong pagpikit. Napakaliwanag ng buong paligid. Nakakasilaw ang sikat ng araw na tumutusok sa aking paningin. Mapapansin ang mga puno at halaman na sumasayaw sa awit ng hangin. Mga huni ng ibon na humaharana sa galak. Ito ang mundo na pinapangarap ng lahat. Ang lugar na paroroonan ng bawat isa.
Masaya ka ba mahal ko? Munting tinig ng mga asul na liwanag sa aking harapan. Nagsimula itong gumalaw papalayo kasabay ng mahihinang tawanan.
Mabilis akong bumangon at sinundan ang kakaibang asul na mga liwanag. Napaka misteryoso ng mga ito.
Sa kahabaan ng pagsunod ay pumaroon ito sa isang lugar na mayroong matatayog na damo. Napakalawak nito, tila ba walang katapusan. Mapapansin ang mga hamog na bumabalot sa buong lugar. Habang tumatagal ay pakapal ng pakapal ang mga hamog kasabay ng unti-unting pagkawala ng asul na mga liwanag.
Mabilis akong tumakbo na tila ba hindi nakakaramdam ng pagod. Pilit sinusundan ang liwanag hanggang sa tuluyan na itong naglaho.
Mariin akong napahawak sa aking mga tuhod habang hinahabol ang paghinga. Wala akong ibang nakikita kundi ang matataas na damo at makakapal na ulap.
"Nakikita kita!" Munting tinig sa aking likuran. Mabilis akong lumingon. Ang kakaibang asul na bagay. Mas maliwanag ito kaysa sa dati ngunit nagiisa na lamang. Gamit ang sumasakit kong mga paa ay hindi ako nagatubiling sundan ito.
Tila ba isa akong munting bata na humahabol sa paru-parong naliligaw. Ang liwanag na nagagawa nito na nakakahumaling sa aking isipan.
Hindi nagtagal ay huminto ito. Para bang kumakaway sa saya habang unti-unting naglalaho. Maliwanag kong naaaninag ang pasulyap-sulyap na sikat ng araw sa makapal na damuhan. Dahan dahan ko itong hinawi at doon ay bumungad sa akin ang panibagong sandali. Ang lugar na hindi mo aakalaing totoo.
Sa unahan nito ay ang mga mag-aaral na nakasama ko ng mahabang panahon. Ang mag-aaral na nasilayan na ang naghihintay na panibagong buhay sa likod ng malaking pintuan.
Nakatalikod ang mga ito na tila ba mayroong pinagmamasdan.
Mga kasama! Natutuwa kong sigaw. Ito ang sandali na himalang nangyari sa aking buhay. Mga tanong na gusto ng kumawala sa aking bibig. Ang pagbabalik ng mga araw na nawala.
Dahan dahan silang lumingon na para bang mayroong pumipigil. Mula sa kanilang mga mukha ang kalungkutang hindi mo sukat akalang umiiral. Ang pagdurusa sa kanilang mga mata na sumisigaw para sa katarungan. Mga salita sa kanilang bibig na humihingi ng tulong, nagmamakaawa at dumadaing sa sakit. Ang nakakapangilabot na presensya ng kamatayan.
Unti unti silang nilalamon ng dilim kasabay ng pagluha nila ng dugo na dahan dahang lumalabas sa kanilang mga mata. Ang lugar na binubuo ng karahasan.
Malakas akong sumigaw ngunit walang boses na lumalabas sa aking bibig. Pilit akong tumakbo subalit hindi gumagalaw ang aking mga tuhod. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata ngunit maliwanag kong naririnig ang kanilang mga daing. Isang masamang panaginip.
Mabilis akong bumangon habang hinahabol ang paghinga. Malinaw sa aking isipan ang bawat detalye na para bang nangyayari ito sa kasalukuyan.
Marahan akong nagmasid sa paligid. Wala akong ibang nakikita kundi ang malinis at tahimik na silid. Ang malungkot na pag-iisa.
Kahit ang kakaibang tunog na araw-araw gumigising sa aming lahat ay hindi ko man lang narinig. Nakakabingi ang katahimikang ito. Tila ba naroroon ako sa panibagong bangungot na walang ano mang paraan upang magising.
Mabilis kong inayos ang aking higaan at nagmamadaling pumaroon sa silid-kainan.
Magandang umaga! Masaya nitong bati na nito'y nagliligpit ng pinagkainan. Ang maunawaing babae na si 5425.
Pasensya na, hindi ka na namin nagawa pang gisingin dahil alam naming masyado kang napagod. Ito ang unang beses na hinda ka tumugon sa kakaibang tunog. Wag kang magalala, tahimik kaming nagpaalam kay Ms. Melinda. Alam mo ba kung anong salita ang lumabas sa kanyang bibig? Ang masayang pagpayag. Natutuwa nitong sambit.
Lumapit sya sa aking harapan sabay hawak ng dalawa nyang kamay sa aking pisngi.
Hindi lahat ng oras kaylangan mong mag-isa. Pamilya tayo dito, hinding hindi ka nag-iisa. Sanay na sanay kang ayusin ang isang problema sa sarili mong paraan ng walang hinihinging tulong sa iba. Malaya mo kaming malalapitan, walang kaming ipagkakait sayo. Kung sino man ang kaylangan ng pahinga, ikaw ang higit na nararapat para doon. Alagaan mo ang iyong sarili gaya ng pag-aalaga mo sa mga bata. Pagpapahalaga nito bago nagpaalam upang umalis.
Dahan-dahan akong umupo habang mag-isang kumakain ng umagahan.
"Nakakapagsalita sya hindi ba?" Mahinang boses ni Ms. Melinda sa aking likuran.
(Tunog ng pag-ubo) Panandalian kong nakalimutang huminga dahil sa pagkabigla sa narinig. Muntik na akong mabilaukan dahil sa pinaghalong gulat at pagtataka.
Paano nya nalaman? Mabilis kong binalikan ang mga pangyayari ng nakaraang mga araw. Sigurado akong ni isa ay hindi ako nagbanggit sa kanya ng mga salita. Batid ko sa sarili kong ngayon lang kami muling nagkausap. Ano bang nangyayari sa lugar na ito? Naguguluhang tanong ko sa aking isipan.
Tiningnan nya akong sa aking mga mata at unti-unti itong ngumiti.
"Kung ganon totoo nga! Kilala kita mula pagkabata. Sa lahat ng mag-aaral ikaw ang pinakamamahal ko. Wala kang kahit na anong maitatago sa akin, wala kahit isa."
"Sabihin mo. Ano pa bang lihim ang itinatago mo sa akin? Misteryoso nyang tanong."
Dahan dahan akong uminom ng tubig kasabay ng mabilis na paglunok nito. Bigla bigla na lang syang susulpot sa mga oras na hindi ko ito inaasahan. Higit pa sya sa isang lawin kung magmatyag.
Hindi mo lubos maisip kung gaano kamisteryo ang kanyang mga salita. Maikukumpara sya sa isang taong mayroong sapat na kaalaman na nag-anyong bata. Wala kayong kaalam alam kung anong pagkilos ang nakapaloob sa kanyang mga mata. Malaya mong baliwalain ang sinasabi ko. Isa lang naman syang bata. Seryoso kong tugon.
"Wala? Wala nga ba? Nangaasar nitong tanong. Alam ko ang lahat. Nakikita ko ang lahat. Mga anak ko kayo at ako ang inyong ina. Wala kayong ibang pagtataguan kundi sa aking bisig."
"Unti-unti ka ng natututo. Mabilis mong nauunawaan ang lahat. At yun ang isang bagay na dapat mong ikabahala. Tumatanggap ka ng payo subalit hindi mo inuunawa ang mga salita. Mag-iingat ka mahal ko. Ang kanyang salita na unang nagpakaba sa akin. Tila ba tumutusok ang bawat letra ng mga ito sa aking dibdib. May kung anong nangyayari."
Mabilis itong umalis, kagaya na lamang ng malayang hangin. Kahit kaylan hindi maaaring dayain ang mga mata nito. Mayroon syang itinatago sa amin.
Mabilis kong niligpit ang aking pinagkainan at nagmamadaling pumunta sa isang lugar na maikukumpara sa silid aklatan sa larangan ng kaalaman. Ang silid kung saan naroroon ang mag-aaral na si 5050.
Malakas kong binuksan ang pintuan. Gaya ng dati, inosente itong nakaupo sa banyo sa isa sa mga kwarto sa silid palikuran habang nagbabasa. Ang kwarto na kanyang inangkin, walang iba kundi para lamang sa kanya.
Ito ang nagmistulan nyang tahanan. Malayo at nakasarado sa ano mang boses at mga salita.
Sa lahat ng mga bata ay ako lamang ang nag-iisang nakakakilala sa kanyang tunay na kakayahan. Kahit si Ms. Melinda ay hindi ito nalalaman. Mabilis nitong natatandaan ang lahat. Ang mga bagay na nakikita nya sa kanyang paligid. Ang paglalakad ng mga langgam, kung gaano ito kabilis makarating sa kanilang lungga. Sa oras na masilayan ng kanyang mga mata ang mga salita, hinding hindi na ito mawawala sa kanyang isipan. Ang pinaka mahiyain sa lahat ng mag-aaral.
"22" mahina nyang sambit.
Maliwanag pa sa aking isipan ang panahong mosmos pa at wala pang alam. Wala syang ibang kinakausap maliban sa akin. Mahina man ang kanyang pagkatao, hindi naman matatawaran ang kanyang kakayahan.
"May kasama ka ba? Hindi mo naman ako ipapakilala sa kanila hindi ba?" Mosmos nitong tanong.
Lumipas man ang mga panahon ngunit hindi parin nagbabago ang nakagawian nitong pag-uugali. Takot sa presensya ng mga tao at sa kadiliman ng silid piniling manatili. Para sa kanya, ito na ang magiging buhay nya, ngayon hanggang sa katapusan. Iyon ang isang bagay na hindi ko hahayaang mangyari.
Hindi, hindi ko gagawin iyon. Hindi ko gagawin ang isang bagay na ikakasira ng pagkakaibigan nating dalawa. Mahinahon kong pagpapaliwanag.
Batid ko sa aking isipan na hindi ngayon ang araw na iyon. Gusto ko mang pagmasdan nya ang pagbabago sa paligid subalit hindi pa ito ang nararapat na pagkakataon. Para syang isang munting lukan, hindi pa handang lumabas mula sa kanyang kabibi.
Maniwala ka. Balang araw mas pipiliin mo ang isang lugar kasama ang ibang mga bata malayo sa kadiliman ng tinatahak mong landas. Ipinapangako ko yun. Marahan kong sambit habang nakahawak sa kanyang pisngi.
Hindi ko na sya ginambala pa, gustuhin ko mang itanong at sabihin sa kanyang ang mga nangyayari sa paligid, ngunit alam kong hindi pa ito ang yamang oras. Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad patungo sa silid-palaruan. Ang lugar kung saan nagsasaya ang mga bata.
Gaya parin ito ng dati. Mapapansin ang kasiyahan na tila ba walang lugar ang kalungkutan kahit lumipas ang mahabang panahon.
Mula sa aking kaliwa. Ang matayog na si Ms. Melinda. Ang kanyang di matawarang dedekasyon sa kanyang tungkulin. Lahat ng mga mag-aaral ay hinahangaan ito.
Ano nga ba ang kanyang nakaraan? Unang beses na nagkaroon ako ng interes sa buhay ng isang tao. Mayroon kayang kadiliman na nakakubli sa kaibuturan ng kanyang isipan? Karahasan na matagal ng nangyari at ibinaon sa limot. Ano nga ba ang kwento sa likod ng kanyang mga ngiti? Kung ano man iyon, walang nakakaalam.
Nakatingin ako sa kanya habang nakatayo sa isang sulok. Hindi maipaliwanag ang saya sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang mga bata. Ang pagmamasid sa maayos at mahahalagang bagay para sa kanya.
Mabilis itong lumingon sa aking kinaroroonan hanggang sa nagtapat ang aming mga mata. Napakahinahon ng kanyang ngiti. Ang ngiti na wala halong galit at pangungutya.
May pagdududa man ay pilit akong ngumiti. Sumasabay sa mararahang tensyon sa paligid. Batid kong maliwanag nyang nakikita ang kasinungalingan na hindi maitatago ng pekeng mga ngiti. Ang pagdududa na nakaukit sa mukha ng isang tao.
Napakainit ng kanyang presensya. Wala kang ibang mararamdaman kundi ang haplos ng pagmamahal. Ang pagmamahal na nakakubli, nakakubli sa kilos at mga mata subalit ipinaparamdam ng puso. Ito ang pinakamagandang tahanan. Ang tahanan na humubog at nagturo upang makapagsalita.
Tila ba mabilis na nagbago ang aking minimithi at pinapangarap. Ang pagdududa sa isang bagay na pilit sumasagi sa aking isipan. Ang unti-unting pagpasok ng malagim na karahasan sa katahimikan ng lugar.
Masusui kong pinagmasdan ang mga bata. Hindi, hindi ko ipagpapalit ang nakagisnan kong pamilya sa kagandahan ng lugar na hindi pa nasisilayan ng aking mga mata. Kung ano mang panganib ang naghihintay sa lahat sa pintuang iyon, sama-sama namin itong haharapin.
Ibinaling kong muli ang aking paningin kay Ms. Melinda. Hindi parin nagniningas ang kanyang mga ngiti. Tila ba lalo pa itong umuunlad, maihahalintulad ito sa pagdiriwang na patuloy na nagaganap sa walang katapusangang gabi. Ang kasiyahan na sinundan pa ng isa pang kasiyahan.
Mababakas sa kanyang mukha ang di matatawarang saya. Nagagalak sa tuwa ang kanyang puso, subalit hindi ko maipaliwanag ang katahimikang nakapaloob dito.
Kakaiba ang kanyang ngiti, misteryoso ang mga ito. Para bang nagbabadyang maiitim na ulap sa gitna ng dsyerto. Maihahalindtulad sa maalinsangang hangin sa kalaliman ng gabi. Mga bagay na mahirap ipaliwanag ngunit umiiral, nararamdaman, at nakikita ng mga mata.
Sa likod ng makakapal na mga bakal sa bawat sulok ng silid. Sa imahe ng buong lugar na matagal ng nakatatak sa aking isip. Sa harapan ng mga bata di alintana ang takot at pangangamba. Nagmamatiyag na parang leon. kumikislap na parang bituin sa kalangitan. Ang misteryoso nyang ngiti.