29: Day-Off

1626 Words

CAROLINE Suot ang kulay dilaw na t-shirt at itim na pantalon na nabili ko pa sa mall no’ng minsan kaming pumunta nina Celeste ay tahimik akong lumabas ng kuwarto. Day-off ko ngayong araw kaya napagpasyahan kong lumabas saglit para magliwaliw. Kailangan ko rin siguro ng oras para sa sarili. Masiyado yatang napupuno ang utak ko ng kung ano-anong bagay. Baka sakaling makapag-isip ako ng maayos kapag nakasagap na ako ng preskong hangin. Ito ang unang beses na lalabas ako ng day-off ko. Nasa pasilyo pa lamang ako ay nakasalubong ko na si Celeste na may hawak na isang kahon. Mukhang ilalagay niya iyon sa bodega na nasa tabi lamang ng aking silid. Napaawang ang labi nito at dali-daling naglakad papalapit sa akin. “Bakit ang fresh mo ngayon?” Inikutan pa ako nito habang sinisipat ang kabuuhan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD