CAROLINE Walang ganang pinapanood ko si Elexir habang abala ito sa harap ng kaniyang laptop. Kunot ang noo nito at mula sa suot niyang salamin ay bahagyang nasisilip kung ano ang ginagawa niya. Tahimik lang akong nakaupo ako sa couch na malapit sa kama. Ni hindi ako tinatapunan ng tingin magmula kanina. Parang may malaking pader na nasa pagitan naming dalawa. Ilang minuto na ba ang lumipas? Parang wala lang sa kaniya iyong sinabi niya na, ‘stay with me’. Samantalang ako, hindi na tinatantanan ng t***k ng puso ko. Umiinit ang mukha ko kahit na naka-on naman ang aircon sa loob. Ewan ko ba. Iba ang epekto ng lalaking ito sa sistema ko. Ilang beses nang nangyari ang ganito, dahil lang sa mga simpleng salita nito kaya hindi na mapakali ang mga laman-loob ko. “You can sleep if you want.” Nap

