CAROLINE
"Caroline, hina. Are you okay?"
Isang nag-aalalang tingin ang ibinigay sa akin ni madam Alesandra. Tatlong araw na ang nakalipas magmula noong hapunan nilang mag-anak. At tatlong araw na ring hindi maganda ang pakiramdam ko. Feeling ko magkakasakit ako ngayon.
Nginitian ko na lang siya at marahang tumango. "Opo, Ma'm. Okay lang ho ako."
"Are you sure? I think— oh! Andito pa pala si Elexir," aniya at saka bumaling sa likuran ko. "Hey, son! I think Caroline's sick today, can you check on her?"
Mariin akong napapikit. Sabing okay lang naman ako, eh. Bakit kelangan pa ng check-up? Hindi naman ako mamatay agad, 'no. At isa pa, may pasok si Elexir. Ayoko namang maka-istorbo sa trabaho niya ngayon.
I admit that this is strange and new to me. I've never been sick before. At hindi pa naman ako sigurado kung sakit nga ba talaga ito. Baka pagod lang talaga ako at kailangan ng konting pahinga. Sabi ko nga, may mga nagbago sa katawan ko at baka isa na ito roon.
Magsasalita pa sana ako kaso naunahan ako ni Ma'm Alesandra. "I'll leave Caroline in your care, okay? I need to go, I have a conference meeting today." Mabilis niya kaming iniwan.
Naiwan akong nakatayo at hindi malaman ang gagawin. Aalis na lang ba ako at iiwan si Elexir dito? Kaso baka isipin nito na ang bastos ko naman para talikuran siya. Napabuntong-hininga na lang ako bago humarap sa kanya.
Isang hindi maipaliwanag na pakiramdam ang dumapo sa akin nang magtama ang paningin namin. Titig na titig siya at para bang may gustong sabihin pero hindi malaman kung ano iyon.
"Ah, Sir Elexir, hindi ko naman ho kelangan ng check-up. Ipapahinga ko na lang 'to ng konti at okay na ulit ako panigurado.” Ngumiti pa ako sa kanya para mas mukhang kapani-paniwala.
Gaga. Anong okay? Eh, halos magsuka ka na nga kanina dahil sa sobrang hilo, 'di ba? Akala ko nga lumilindol lang kanina dahil gano'n 'yong nararamdaman ko, pero pagtingin ko naman sa baso ng tubig sa lamesa hindi naman ito gumagalaw.
Mariin akong napapikit dahil sa biglaang paglamig ng paligid. "Are you sure? You're getting paler everyday, Caroline," seryosong sagot niya.
Eh, sa ganito talaga ang kulay ko eh, anong magagawa ko? Gusto kong isagot yan sa kanya pero nanahimik na lang ako. Sa tuwing magkakatagpo ang landas namin, balat ko na lang yata ang napapansin niya. Inggit ba siya sa kulay ko? Maputi naman siya, ah! Mestizo pa nga.
"Okay lang talaga ako, Sir. Salamat ho sa concern pero mauuna na ako sainyo, marami pa ho kasi akong gagawin," ani ko at yumuko pa ng konti.
Nahagip ng mata ko si Evelyn na paakyat ng hagdan kaya mabilis ko itong sinundan. Narinig ko pa ang pagtawag ni Elexir pero hindi ko ito pinansin. Ayoko rin naman magpacheck-up, wala naman siyang mapapala sa akin kapag ginawa niya 'yon.
Masyado kong nahila ng kuryusidad tungkol sa nangyayari kay Evelyn. Ngayon ko na lang ulit siya nakita. Akala ko ay papasok na siya kinabukasan noong sinabi iyon ni Celeste sa akin, pero hindi, eh. Isa pa naman 'yon sa mga nagkakandarapa sa mga Montenegro, sayang lang talaga at wala siya nung family dinner nila, baka naglupasay na 'yon sa kilig.
At gusto ko rin malaman kung anong nangyari sa kanya.
"Evelyn."
Napatalon siya sa gulat nang marinig ang boses ko, pero kahit ako ay nagulat rin nung humarap siya. Anong nangyari? Bakit ang payat niya na? Gano'n ba kalala ang sakit niya para pumayat siya ng ganito?
Kapansin-pansin ang pagbagsak ng katawan niya. Nangingitim ang ilalim ng mga mata, kitang-kita na ang cheek bones at collar bone niya na dati ay hindi naman gano'n kahalata. Malusog na dalaga itong si Evelyn, siya 'yung taong masarap yakapin dahil sa mga baby fats niyang nagkalat sa katawan. Pero ngayon... halos mag-iba na ang itsura niya.
"Caroline, ikaw pala 'yan! Ginulat mo naman ako!" natatawang aniya habang nakahawak sa dibdib niya.
"Evelyn, kamusta ka na? Okay ka na ba?" alanganing tanong ko bago lumapit sa kanya.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagkabigla niya dahil sa tanong ko.
"Evelyn! Omg girl! Finally, lumabas ka na sa lungga mo— what the f*ck?!" Nangibabaw ang bunganga ni Celeste na tumatakbo papunta sa gawi namin, napamura pa nga noong nakita ang itsura ni Evelyn.
---
"Feeling ko in-aswang ako, eh. Hindi ko alam kung papano pero gano'n 'yung naramdaman ko. At isa pa nanghihina talaga ako noon, kaya nanatili na lang ako sa kwarto," kwento ni Evelyn sa amin.
Nasa kusina kami ngayon at nag-uusap tungkol sa kanya. Hindi pala lumalabas ng kwarto si Evelyn noong may nagkasakit siya. Iniiwanan lang daw ito ng pagkain sa labas ng kwarto bago magtrabaho sina Celeste dahil kahit anong katok at pagtawag ang gawin nila, hindi sumasagot si Evelyn.
Balak na sana nilang humingi ng tulong dahil baka kung ano na ang nangyari sa kanya sa loob, pero nagsalita naman daw ito at sinabing okay lang siya at 'wag nang mag-alala.
Pero bakit hindi siya lumalabas ng kwarto?
"Gaga ka kasi, ano ba talaga nangyari sa'yo? Okay ka pa naman nung isang araw, ah? Matamlay pero lumalabas ka pa ng kwarto, tapos bigla-bigla ka na lang maglalock ng pinto at hindi mamamansin. Sarap mo rin sabunutan, 'no?" asar na saad ni Cynthia, nagsitawanan naman 'yong iba.
"Baka kasi mahawaan ko kayo, hindi pa naman ako sigurado kung anong sakit 'yon. Baka kung anong virus na ang nakuha ko sa labas, eh 'di pati kayo nagkasakit na rin?" sagot naman nito.
"Pero teka, paanong in-aswang ka? Anong ibig mong sabihin?" Natigilan siya sa tanong na 'yon.
"Isang gabi kasi no'n... may nakita akong anino sa labas ng bintana ng kwarto ko.” Napakapit sa braso ko si Cynthia nang sabihin niya 'yon, pfft, matatakutin nga pala ang babaeng ito. "Iyon 'yong time na init na init ang katawan ko at feeling ko masusuka ako dahil sa hilo," dugtong niya.
"Sure ka bang aswang 'yon? Baka isa lang sa amin 'yon, sumilip kasi kami nung isang gabi sa bintana ng kwarto mo kaso sarado naman pala," ani ni Bong.
"Hindi, eh. Kilala ko na kayo kahit pa ang anino niyo ay kilala ko, sa tagal ba naman nating magkakasama rito. Pero ang anino na 'yon, hugis tao siya.... pero parang hindi tao?" alanganin at hindi malaman kung paano ipapaliwanag na saad ni Evelyn.
Hugis tao... pero parang hindi tao?
"Teka nga, paano mo naman nasabing parang hindi tao 'yon?"
"Iba sa pakiramdam, parang may kakaiba sa anino na 'yon."
"Anong ginagawa niya sa labas ng bintana mo? Sumisilip ba o nakatayo lang? Tsaka ilang oras siya nandoon, buong gabi ba?" sunod-sunod na tanong ni Celeste.
Nanatili akong tahimik na nakikinig sa pag-uusap nila.
"Basta mga bandang alas dose ng hating-gabi, nandoon na siya. Malalaman kong nasa labas siya kapag umiinit na ang paligid at bigla akong mahihilo, tapos mayamaya niyan ay malalaman ko na lang na umaga na pala dahil maliwanag na sa labas."
"What the fvck?! Sabihin natin 'yan kina Sir Emmanuel! Baka kung ano na 'yan!" hysterical na suhestiyon ni Cynthia.
Maging ang iba ay naalarma rin dahil sa sinabi ni Evelyn. Kesyo paano raw kung magnanakaw 'yon at may iniiwan lang na pampatulog kaya gano'n ang nangyayari sa kanya. Posibleng gano'n nga.
Pero ang hindi ko maintindihan ay bakit si Evelyn lang ang nakakakita sa kanya?
Eh, 'di sana ay may nawawala nang mga gamit ngayon dito sa mansion. Gabi-gabi akong gising at naglilibot pero wala naman akong napapansin na kakaiba.
Nakakaduda.
"Evelyn, kaya mo na ba talagang magtrabaho ngayon?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.
Naiwan kaming dalawa ni Evelyn sa kusina para maghugas ng pinagkainan. Bumalik na ang lahat sa kani-kanyang trabaho at napagdesisyunang mag-obserba at maging alerto na lang muna sa ngayon at huwag sasabihin kina Emmanuel ang tungkol dito. Wala pa naman kaming sapat na ebidensya na mayroon ngang nakapasok na ibang tao sa mansion.
"Okay na ako, ano ka ba. Nakapagpahinga na rin naman ako ng maayos, eh," sagot niya habang nagbabanlaw ng mga plato.
Napatingin ako sa band-aid niya sa pupulsuhan na malapit nang matanggal dahil nababasa ito ng tubig. Namumula ang balat niya roon. Mayamaya pa ay tuluyan na ngang natanggal ito at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung ano 'yon.
Mabilis kong hinila ang kamay niya nang makita ko ang sugat. Maging siya ay nagulat at napatili sa ginawa ko.
"Aray!"
Bakas ng dalawang pangil.
"Anong nangyari dito?" seryosong tanong ko habang nakatingin doon.
"Hindi ko alam, eh. Kagat yata 'yan ng daga, may daga kasi na nakapasok sa kwarto," sagot niya at bumalik na sa paghuhugas.
Kagat ng daga? No.
That mark.... is very familiar.
Very fvcking familiar.
---
"Sweety, never hide in the shadows and always, always remember that you are more than who you are today..."
"What do you mean, mom?" I asked, confused. What does she mean?
"Time will come and you'll realize what you are capable of. Mind, heart, and body- those three part of you. Make them work together and never let one be ahead of the others..."
"Where are you going, mom?"
"I love you. Live freely. And we'll meet again soon.... Victoria."
"Mom!"
"Caroline, are you okay?!"
Napahawak ako sa sentido dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. What the hell was that? Bakit napanaginipan ko 'yon? Sa ilang daang taon na dumaan sa buhay ko, ni minsan ay hindi ko pa napanaginipan ang tungkol sa nangyari dati. Bakit?
"Caroline, what happened?"
Napalingon ako sa gilid nang marinig ang boses ni Elexir. Bakit nandito na naman ang isang 'to?
Matapos naming maghugas ng plato dumiretso na ako sa kwarto para mag-isip. Nagpaalam muna ako sa iba at sinabing masama ang pakiramdam ko, at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Anong oras na ba? Madilim na sa labas, meaning gabi na.
"Bakit nandito ho kayo, Sir?" nagtatakang tanong ko, kahit na mukhang alam ko na kung bakit. Sinabi siguro nina Celeste na masama ang pakiramdam ko kaya pumunta siya rito, doktor eh.
"I was knocking on your door to check on you, masama raw kasi ang pakiramdam mo sabi nila." See? Tama ako. "But you suddenly screamed and I thought something happened that's why I barged into your room."
I screamed?
"Ah, may masamang panaginip lang Sir kaya gano'n," sagot ko at tumayo na.
"I see. You haven't eaten your dinner yet."
Alam ko. At wala naman akong balak kumain. Masyadong okupado ang utak ko ng mga bagay na hindi ko masyadong maintindihan sa ngayon. Iyong sugat ni Evelyn, 'yong anino, at iyong panaginip ko. Konektado ba silang lahat?
Ang buong akala ko ay ako na lang ang natitira sa lahi namin. Noong panahon na 'yon, matapos ang digmaan, wala na akong nakita na kahit na anong bakas ng buhay mula sa lugar na 'yon. Tanging mga abo at nasusunog na mga gusali at bahay na lang ang natitira. Sinubukan kong hanapin ang mga kasama ko... ang pamilya ko.
Pero wala akong nakita, wala akong nahagilap. At doon ko napagtanto na ako na lang ang natitirang buhay sa lahi namin. Pumasok din naman ang posibilidad sa isipan ko na baka nagtago at nagpakalayo-layo silang lahat, pero bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin sila nakikita o nararamdaman man lang? Ayaw ba nila magpakita sa akin?
Kaya nga sinubukan kong mamuhay bilang isang mortal, para makasabay at makibagay man lang sa mga tao. Dahil alam kong sila ang makakasama at makakahalubilo ko.
Tapos ngayon, gumugulo na naman. Nabubuhay na naman ang galit at tampo na nararamdaman ko.
"Caroline.” Nabalik ako sa wisyo nang tawagin ako ni Elexir. Napatingin ako sa kanya at bakas ang lungkot at pag-aalala sa kanyang mukha.
'Why do you look so sad, yet still beautiful in my eyes?'
Literal na nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko 'yon. Hindi naman bumuka o gumalaw ang bibig niya, pero alam kong siya ang nagsabi no'n. Wala mang tinig na narinig, pero ang isipan niya naman ay malakas sa pandinig ko.
Biglang uminit ang mukha ko at feeling ko ay lalabas na sa katawan ko ang puso ko sa bilis at lakas ng t***k nito. Hindi naman ako kinakabahan, at mas lalong hindi naman ako pagod. Pero bakit ganito kabilis ang t***k nito?
At bakit may kakaibang sensasyong dulot ang mga sinabi niya?
Beautiful ampucha. Hindi naman siguro ako ang sinasabihan niya no'n, 'di ba?
Oo, tama! Hindi nga para sa akin 'yon. Dahil walang sinuman ang makakatanggap ng totoong pagkatao ko.