CAROLINE “Heto na ang pag—oh, ano’ng nangyari sa inyong dalawa?” Nagpabalik-balik ang tingin sa amin ni Nanay Lourdes. May hawak itong isang tray na may lamang mga pagkain at katabi naman nito ang isang binata na may dala ring tray na ang laman ay inumin. Napipilitang ngumiti na lang ako bago mag-iwas ng tingin. Napahigpit ang hawak ko sa suot kong t-shirt dahil sa kakaibang nararamdaman. Gago, anoʼng nangyayari sa akin? “Wala ho—” “I told her that she’s the prettiest when she smile,” balewalang turan ni Elexir na ikinahagikhik naman ng matanda pati na iyong kasama niya. Nanlaki ang mata ko nang sabihin niya iyon. Halos maihilamos ko ang kamay sa mukha dahil sa kaniya. Parang wala lang sa kaniya ang mga ʼyon, ah? Habang ako ay parang mauupos na kandila dahil sa hiyang nararamdaman. Na

