32: No Way Out

1442 Words

CAROLINE Tahimik naming binaybay ang daan pabalik sa mansyon. Hindi na siya nangulit pa nang sabihin kong gusto kong magpahinga. Itinuon niya na lang ang kaniyang atensyon sa harap habang ako ay nakatanaw sa labas ng bintana. Mabuti na lang at hindi na nagpumilit pa ang isang ʼto. Nakaramdam na rin siguro na hindi na ako natutuwa sa mga ginagawa niya. Natuwa naman ako kahit papano sa konting oras na magkasama kami ngunit hanggang doon lang ʼyon. Huwag na nating hayaan na maging higit pa roon. Saglit akong napasulyap kay Elexir. Walang emosyon na mababasa sa mukha niya ngayon. Kung titingnan mula rito, napaka-intimidating niyang tao. Dahil sa palaging nakakunot ang noo nito o kaya ay halos magdikit na ang mga kilay dahil sa sobrang pagsalubong, iisipin ng iba na palaging galit si Elexir.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD