CAROLINE “At saan ka galing?” Nakahalukipkip at nakataas ang kilay na salubong sa akin ni Celeste nang makabalik ako sa silid. Ilang oras din akong nagtagal kasama sina Peetah sa gubat. Hindi ko na namalayan ang oras at madilim na ako nang makabalik. Hindi na rin ako nakasabay sa hapunan. Sinubukan ko silang hagilapin sa restaurant sa ibaba o kaya ay sa tabing-dagat ngunit wala sila roon. Kaya dumiretso na lang ako sa suite. “Naglakad-lakad lang sa labas,” tipid na sagot ko at saglit na inilinga ang paningin sa paligid. Matatalim ang titig sa akin ni Evelyn habang prenteng nakaupo sa sofa na nasa gitna. Nginisian ko ito kaya ito napairap. Baliw. “Naglakad-lakad? Hindi ka napagod maglakad-lakad? Inabot ka ng ilang oras sa labas, ah!” sermon nito at nameywang pa sa harap ko. Dumako ang

