CAROLINE Bahagyang bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa naging turan ni Elexir. Marahas kong tinapik ang kamay niya na inaayos ang buhok ko na ngayon ay nakalugay na. Mataman kong pinakatitigan ang kaniyang mata. “Wala na sa ’yo kung ano man ang gagawin ko,” malamig at mariin kong turan dahilan para muling magsalubong ang kaniyang kilay. “So you’ll just flaunt yourself like that?” hindi makapaniwalang tanong nito at pinasadahan pa ako ng tingin. “Like what?” naguguluhang tanong ko. Bakit? Ano ba ang problema sa suot ko? Puwede niya namang sabihin kung pangit o hindi ito bagay sa akin. Okay lang, wala akong pakialam basta’t tigilan niya na ako sa kakikilos ng ganito sa harap ko. Hindi ako natutuwa. “That is f*cking illegal, Caroline. They’ll feast on you.” Lihim akong napangi

