Prenteng nakatayo si Elexir sa labas ng ospital kung saan siya nagtatrabaho. Mahigit kalahating oras pa naman bago ang lunchbreak pero hindi niya mawari kung bakit siya dinala ng kaniyang mga paa papunta sa labas. Kaya ngayon ay tahimik siyang nakasandal sa pader habang ang isang kamay ay nakapirmi sa bulsa ng kaniyang pantalon. Hindi maiwasan ng mga taong dumadaan na mapalingon sa kaniya. Sa itsura niyang ito? Kung hindi doktor ay baka pagiging modelo ang tinahak niyang landas. Hinihintay niya kasi ang kanilang katulong na naging dahilan ng biglang paggulo ng nananahimik niyang buhay. Hindi naman sana niya ito kukuning personal maid, wala sa plano. Pero ewan niya ba, hinihila siya ng kuryusidad na makilala ang dalaga. Unang kita niya pa lang dito, iba na ang naramdaman niya. Siguro ay d

