CAROLINE “Teka, Sir—“ tawag ko kay Elexir na walang habas akong tinalikuran. Wala na, iniwan niya na ako, hawak-hawak niya sa kanang kamay iyong bag na dala ko. Walang lingon-lingon, dire-diretso lang itong naglakad na parang hindi niya ako kasama kanina, na parang hindi niya ako hinila papasok sa lugar na ito. Napamaang ako. Oh, bakit niya pa ako dinala rito sa loob? Anoʼng ganap? Trip-trip lang, ganoʼn? Luminga ako sa paligid para hanapin ang labasan, ni hindi ko napansin kung saan kami dumaan kanina. Sa kaliwa ba o sa kanan? Bahala na, susundan ko na lang ang sa tingin ko ay tamang daan. Makakalabas pa naman siguro akong buo at buhay. Ilang nurse at doktor ang nadaanan ko na panay ang tingin sa akin, maya-maya ay magbubulungan pa sila na parang hindi ko sila nakikita. Hindi ko alam

