17: Death of a Friend

1286 Words

CAROLINE “Bakit ang tagal mo sa loob?” takang tanong ni Bong nang makalabas ako ng ospital. Naabutan ko itong naghihintay sa labas mismo ng gusali, may kausap itong lalaki na sa tingin ko ay driver din katulad niya pero agad naman siyang nagpaalam nang makita ako. Lakad-takbo ang ginawa patungo sa sasakyan dahil sa sikat ng araw na tumatama sa balat ko, masakit sa balat. Siya na rin ang nagbukas ng pinto ng sasakyan. “Ba’t nga ang tagal mo sa loob?” muling tanong nito sa akin. “Naligaw ako,” tipid na sagot ko sa kaniya bago pumasok sa loob. Pagod na isinandal ko ang aking ulo saka pinikit ang mata. Nakakapagod. Wala naman akong ginawa masiyado pero pakiramdam ko ay pagod na pagod ang katawan ko. Siguro ay dahil napalibutan ako ng mga hindi ko kilalang mortal. Ilang daang taon na akong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD