Hindi magawang makapagsalita ni Caroline matapos marinig ang sinabi ng dalaga. Siya ang hinahanap, siya ang kailangan nila. Ngunit sinong sila ang tinutukoy nito? “Sino sila?” kalmado niyang tanong kay Evelyn. May namumuong ideya sa kaniyang utak pero wala pa rin siyang kasiguruhan. Gusto niyang malaman ang lahat ng nangyari kay Evelyn. Ngumisi ito. “Ang mga kalahi mo, sino pa ba?” sarkastikong sagot nito sa kaniya. Nangunot ang kaniyang noo. Sino sa mga kalahi niya? Ang kaniyang pamilya? Ang mga kaaway? O ang mga tinatawag na red hunter? Mga bampirang humuhuli ng mga pure blooded vampire noong panahon nila. Kung gayon, ibig sabihin ay may kuta ang mga ito. Matagal na itong nagtatago. ‘Mahusay.’ Ilang ulit niyang sinubukang hanapin ang mga ito ngunit palagi naman siyang bigo. Napa

