Namayani ang kakaibang katahimikan sa kagubatan. Nagliparan ang mga uwak sa itaas ni Caroline habang binabaybay ang daan patungo sa liblib na lugar ng gubat. Hindi alintana ang kadiliman ng lugar dahil sa mumunting liwanag na nagmumula sa buwan na nagsisilbing ilaw niya ngayon, idagdag mo pa ang abilidad nilang makakita sa dilim. Pinakiramdaman niya ang paligid para sa posibleng pag-atake ng mga red hunter. Ngayong nalaman niya na buhay at naririto pa ang mga ito ay kinakailangan niyang mag-ingat. . . Red Hunter’s Association, sila ang grupo ng mga mortal na naging bampira. Namg dahil sa galit sa mga bampira na naging dahilan ng kanilang pagbabago ay napagpasiyahan nilang gumawa ng hukbo na humuhuli at pumapatay ng mga pure-blooded vampire. Binubuo ito ng mga taong minsan nang naging

