CAROLINE Ang akala ko ay hindi siya makakauwi, pero heto siya sa harap ko ngayon at seryosong nakatitig sa akin. Napaiwas ako ng tingin. Kahit si Cynthia ay nagulat sa biglang pagsulpot ni Elexir. Pero paano ang conference niya? Mahalaga ang conference na iyon. Natuwa ako sa ideya na mas inisip ni Elexir ang mga tao rito sa mansyon. “Sir, nandiyan pala kayo,” gulat na sambit ni Cynthia. Lumapit ito sa aking tabi, naramdaman ko ang mahinang pagsiko niya sa aking tagiliran. “Gaga ka, baka narinig ka kanina,” bulong nito sa akin pero hindi ko pinansin. Eh, ano naman ngayon? Sumimsim na lang ako sa kape ko at binaling ang atensyon sa labas ng bintana. Nasilip ko pa ang sasakyan ng funeral service na kukuha sa katawan ni Olivia. May isang lalaki na naghihintay sa labas lang ng sasakyan. “Y

