“Taray! Kailangan magpaalam kay Miss Caroline,” pabulong na tukso ni Celeste habang sinusundot pa ang kaniyang tagiliran. Marahan niyang pinigilan ang kamay nito dahil nakikita niyang konti na lang ay sasabog na sa galit si Emerald. Aba. Tinanong siya ni Elexir kaya malamang ay sasagutin niya iyon ayon sa tanong nito. Ang bastos niya naman kung iisnabin niya ang kaniyang amo. “We’re going to Entertainment Area on the 3rd floor. You need to change if you wanna come,” seryosong sambit ni Elexir kay Emerald. “Susunod na lang ako sa inyo,” magiliw na sagot naman nito at walang sabi-sabing tumalikod sa kanila. Ni hindi man lang nagawang batiin silang nasa harap lang nito at basta na lang umalis. Napailing na lang siya dahil sa naging kilos nito. “Let’s go. Alex is on the 3rd floor already

