7: Who's That Girl?

1422 Words
CAROLINE "Ikaw, bakit nagso-solo kayo ni Sir Elexir, ha?" Nagdududa at naniningkit ang matang tanong ni Cynthia. "Anong nagso-solo ka dyan? May utos lang si Sir kaya gano'n." Walang ganang turan ko pero tuloy pa rin ang mga tingin niyang nagdududa. Bakit? Wala naman kaming ginagawa, ah! Mayamaya ay siniko niya ako sa tagiliran. "Pero in fairness, nakangiti si sir Elexir. Ang pogi niya! Ano ba ang pinag-uusapan niyo?" Kinikilig niyang sabi sabay hampas sa balikat ko. Isa rin 'to, tatamaan din sa akin 'to. Akmang hahampasin ko na rin sana siya pabalik nang may marinig kaming mahinhin ngunit may halong landi na tinig, naiwan tuloy sa ere 'yong kamay ko. Napatuwid ako ng tayo saka bumaling sa tinig na 'yon. Isang napakagandang babae ang yumakap kay Elexir. Nakita ko kung paano nito himasin at pisilin ang mga braso ni Elexir habang may ngiti sa labi. "Hi, Lexi!" Nangunot ang aking noo. Girlfriend niya? At ano raw? Lexi? Wow, may call sign pa nga. Ano naman kaya ang tawag ni Elexir sa kanya? Ems, gano'n? Natawa na lang ako dahil sa naisip ko. May ganitong side pala si Elexir. "Ems." Bahagyang nanlaki ang mata ko nang sabihin iyon ni Elexir, muntik na akong matawa dahil totoo nga iyong biro ko. "Psst!" Pag-agaw ko sa atensyon ni Cynthia na masama ang tingin sa dalawang naglalampungan sa harap. Paasik siyang lumingon sa akin. Binigyan ko siya ng isang nagtatanong na tingin at inginuso 'yong bisita. Inirapan ako nito. "Si Ms. Emerald 'yan, girl. Doktor din siya, ka-trabaho ni Sir," sagot niya. "Anak ng may-ari ng ospital," bulong niya sa tenga ko. Napatango ako. Kaya naman pala. Pumasok na sila sa loob at pumunta sa living room habang kami naman ay nakasunod lang sa likod. Kitang-kita ang tuwa kay Emerald habang kausap si Elexir, nakalingkis pa ang mga kamay niya sa braso ng binata. Mahaba at tuwid ang kulay dark brown nitong buhok at maliit ang mukha na bumagay naman sa balingkinitan niyang katawan. She's petite but she have those curves that can definitely lure men. She's wearing a black romper that perfectly hugged her body. Gorgeous, iyan ang masasabi ko. Chinky eyes, pointed nose and rosy red lips. Namumula ang pisngi nito at kitang-kita iyon dahil sa maputi niyang balat. "Oh! New face?" Itinuro ako ni Emerald, ngumiti at yumuko lamang ako bilang pagbati. "Yes, she's Caroline," sagot ni Elexir habang nakatingin sa akin. "I see." She sat beside Elexir and crossed her legs exposing her skin. "It's been months already since I visited this mansion, ahh, I missed the Victorian ambiance here!" At isinandal niya pa ang ulo niya sa balikat nito. Nakagat ko ang aking ibabang labi. Kasintahan nga siguro 'to ni Elexir. Hindi naman siguro sila ganyan kalapit sa isa't isa kung hindi, 'di ba? Kahit ako ay hindi magiging ganyan ang trato sa isang tao kung wala naman kaming relasyon. Kulang na lang ay maghalikan sila dito! "Maiwan ko na ho kayo, Sir Elexir at Miss Emerald," biglang paalam ng katabi ko dahilan para manlaki ang mga mata ko. Iiwan niya ako? Pinandilatan ko ito ng mata pero inismiran lamang ako nito at tinalikuran. Pakembot-kembot pa siya ng puwet habang papalayo. Aba matinde! Marunong nang mang-snob ang gaga! Naiwan tuloy ako. Nagdadalawang-isip kung aalis na lang o magpapaalam pa ako sa kanila. Hindi pa naman kami tapos mag-usap ni Elexir, 'di ba? Sadyang epal lang talaga ang babaeng ito. Teka nga, bakit ba ako naiinis? Marami pa naman akong gustong itanong tungkol sa pagiging personal maid ko sa kanya. Kailan ba ako magsisimula? At isa pa, nandyan naman si Celeste o kaya si Cynthia, bakit ako pa? Napangisi ako. Ngayon pa lang ay natatawa na ako dahil na-i-imagine ko na ang reaksyon ng dalawang 'yon kapag nalaman nila ang tungkol dito. Paniguradong magseselos ang mga ito o kaya ay sasabihin na magpalit kami ng pwesto. "Lexi, sa garden tayo? I miss those place," malambing na tanong ni Emerald. Napakunot ang noo ko. Eh, 'di pumunta kang mag-isa. Kailangan ba talagang may kasama? Wala ka bang mga paa? Nakakaloka. Ke-gandang babae pero baldado naman pala. Nagpaikot-ikot ang bilog ng mata ko sa sobrang pagka-asiwa. Napagdesisyunan kong magpaalam na sa kanila para bumalik sa trabaho. Hindi ko yata gustong makita kung ano man ang gagawin nila. Ayoko namang maging sagabal sa kanila, 'no. "Follow us," seryosong utos ni Elexir kaya wala na akong nagawa. Halos hilahin ko ang aking sarili para sumunod sa kanilang dalawa na ngayon ay naglalakad na papunta sa hardin. "I heard you rejected the mayor's request to be his personal doctor. It's all over the hospital, Lexi. Why did you do that?" "Because he's a dumbass." "What? What do you mean?" "You know how they work, Emerald." "But he's a high-profile patient!" "I didn't study and worked my ass off just to be under his dirty hands. Para ano? Para maging isa sa mga tuta niya?" "I get your point, Lexi. But you know—" Natigilan ito. "Anyway, let's just forget about him. It ruins the mood." Nag-uusap silang dalawa habang naglilibot sa hardin. Nakalambitin pa rin si Emerald kay Elexir. Kahit na medyo malayo sila at mahina na ang mga tinig ay malinaw pa rin ang lahat ng pinag-uusapan nila sa pandinig ko. At alam ko rin ang ibig sabihin ni Elexir. Si Mayor Alfonso ang tinutukoy ni Emerald, ang alcalde ng aming lungsod. He is also known for being a great leader, pero alam ng karamihan na ginagamit nito ang kanyang posisyon sa karumihan. Sinusuhulan ng pamilya nila ang mga tao para iboto ang pangalan niya sa eleksyon. Matagal na silang ganito, ama rin niya ang dating mayor. Halos pamilya na nila ang bumubuo sa sangay ng pamahalaan ng lungsod. Wala rin namang magagawa ang mga tao dahil bukod sa wala silang laban, kailangan din nila ng pera. There are also instances that they are threatened or blackmailed. Pero kahit anong gawin nila, magpakalat man sila ng issue o ebidensya na nagpapatunay na may ginagawang kasamaan ang pamilya Alfonso, napupunta lamang iyon sa wala. They are powerful enough to silence the issues and accuses pointed at them. They can't even file a case. Justice is only for the rich and powerful. "By the way, Lexi. You'll also be staying in the hospital for a week, right?" Malawak ang ngiti na saad ni Emerald, kumunot ang noo ni Elexir dahil doon. Nakaharap silang dalawa sa mga nakatanim na roses habang nasa tabi lang ako. "Also? Don't tell me you're also part of the team?" Nagdududang tanong nito. "Well, fortunately I am! Dr. Mendez asked for my assistance so we'll be staying together for a week!" She giggled, nakita ko rin ang pagsulyap nito sa akin habang sinasabi iyon. At hindi nakaligtas sa paningin ko ang mga ngisi sa kanyang labi. Nagtama ang paningin namin ni Elexir pero agad rin akong tumungo. May kung anong lamig akong naramdaman sa loob ko. Naikuyom ko ang aking kamao. Nakaramdam ako ng inis. Pero bakit? Ilang beses akong huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. Baka bitter lang ako dahil single ako at ang sweet nila sa harap ko? Iyon nga siguro. Kating-kati na akong umalis dahil wala naman akong ginagawa bukod sa makinig at sumunod sa kanila. Mas mabuti pang maglinis na lang ako sa kusina o kaya ay maghugas ng mga pinagkainan. Pwede rin naman akong maglaba ngayon para mabawasan na ang trabaho ko bukas. Sinipa ko 'yong maliit na bato malapit sa 'kin. Napapikit ako dahil sa nakakarinding boses ni Emerald. Classy nga pero flirty naman. Rinig na rinig ko kung gaano katinis at kaharot ang tono ng boses niya. "Caroline." Napasinghap ako nang mapagtantong nasa harap ko na bigla si Elexir, tumingala ako para saluhin ang mga tingin niya. May kung anong emosyon akong nakita sa titig ni Elexir pero mas lalo akong naguluhan dahil sa matatalim na tingin ni Emerald sa 'kin. Dumapo muna ang tingin ko sa braso nilang magkalingkis bago pilit na ngumiti. "Ano ho 'yon, Sir?" "You'll be bringing my meals in the hospital, right?" tanong nito. "O-Opo, bakit po?" Nagtatakang tanong ko. Bakit niya natanong? "I told you I can cook your food, Lexi! Why would she even do that?!" Naiinis na tanong ni Emerald, masama pa rin ang tingin sa akin. Oh, bakit nagagalit 'to? Ano ba pinag-uusapan nila at pati ako nadadamay? "Because she's my personal maid."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD