CAROLINE
"Caroline, can we talk?"
Ilang beses yata akong napamura sa isip dahil kay Elexir. Inaalala ko kung may nagawa ba akong kasalanan sa kanya para d'yan sa 'can we talk' na 'yan. Kanina ay masamang tingin tapos ngayon naman gusto niya akong makausap. Pero kahit anong halungkat ko sa kaibuturan ng aking isip, wala talaga akong maalala, eh.
Kahit sino naman yata ay kakabahan kapag sinabihan ng ganyan tapos hindi man lang sasabihin kung tungkol saan, iyong kahit ikaw ay walang kaide-ideya kung ano ang pag-uusapan niyo. Mapapaisip ka talaga.
"Tungkol saan ho, Sir?" Kalmadong tanong ko.
Nasa labas pa rin kami ng aking silid. Magkaharap kaming dalawa kaya medyo nakatingala ako sa kanya dahil mas matangkad siya kumpara sa akin. He's wearing plain white shirt and khaki shorts, may suot din siyang salamin kaya nagmumukha siyang intimidating tingnan.
"Follow me," aniya at nagsimula nang maglakad. Nang maramdamang hindi ako sumunod sa kanya ay mabilis itong tumigil sa paglalakad at lumingon sa akin. Tumaas ang kaliwang kilay nito.
Ano ako, aso?
Sumunod na lang ako hanggang sa makarating kami sa living room. Mabagal lamang ang mga hakbang niya na tila ba ang dami niyang oras ngayon para magliwaliw. Hindi kagaya noon na mabibilis ang yabag at parang palaging hinahabol ng oras. Naupo siya sa sofa habang ako ay nanatili lamang na nakatayo malayo sa kanya, naghihintay kung ano man ang sasabihin niya.
Luminga ako sa paligid para hanapin sina Celeste pero wala akong nakita na ibang tao bukod sa amin. Lumipat 'yong tingin ko sa wall clock, malapit na pala mag-alas tress sa hapon, malamang ay nagmimiryenda na sila sa kusina o kaya sa hardin. Napabuntong-hininga na lang ako.
"Hindi ka ba uupo?" tanong niya na ikinagitla ko, malayo ang tingin nito sa akin.
"Hindi na ho, Sir. Okay na ako dito."
"If you say so," malamig niyang tugon bago kunin 'yong remote ng tv na nakapatong sa mesa. In-on niya iyon at saka nagpalipat-lipat ng channel, halata ang pagka-disgusto sa mga pelikula na nakikita tuwing ililipat niya ito. Ilang ulit niyang ginawa iyon nang nakakunot ang noo at kulang na lang ay may lumabas na laser beam mula sa kanyang mata.
So, ano ang pag-uusapan namin? Ito na 'yon? Papanuorin ko lang siya habang nanunuod ng tv?
Binaling ko na lang ang tingin ko sa tv at sakto namang pagpindot niya para ilipat sa sunod na channel... may naghahalikan sa screen. Nasa ibabaw ng kama 'yong dalawang bida at parehong walang damit pang-itaas.
Wow, p**n.
Makikita ang kapusukan ng dalawang bida habang naglalaban ang mga labi. Kung saan-saan na naglalakbay ang mga kamay nila at tila ba gutom na gutom para sa isa't isa. Hanggang sa makarating na sa pantalon ng lalake ang kamay ng babae para tanggalin ang pagkakabutones nito. At—
Napalingon ako kay Elexir nang tumikhim ito, muntik na akong matawa dahil namumula ang tenga nito at kakamot-kamot pa sa leeg na parang nahihiya. Literal na narinig ko ang kanyang paglunok. Pagtingin ko ulit sa tv ay nakapatay na ito. Napabuga ako ng hangin. Nanunuod pa ako, eh!
"I have a favor to ask," biglang usal niya na parang walang nangyari.
Seryoso na ang mukha ngayon pero namumula pa rin ang tenga. Inayos niya ang suot na salamin bago tumingin sa akin. May kung anong sensasyon na naman akong naramdaman sa loob nang magtama ang aming paningin. Nagsisirko ang mga laman loob ko, partikular na ang puso ko. Gusto kong pumasok bigla sa loob ng dibdib ko para talian iyon, nakakapanibago ang ganito. Nabalik lamang ako sa huwisyo nang nakita kong magsalubong ang kilay ni Elexir.
His eyes show how cold and unbothered he is, 'yong tipong kahit maglupasay ka na sa pag-iyak sa harap niya, hindi siya maaawa. A total opposite of his profession.
He's a professional. Pero sa likod naman ng malalamig niyang tingin, alam kong malambot ang puso ni Elexir. Kaya nga pagiging doktor ang kinuha niya, 'di ba? He may look scary, strict, and intimidating, but he's still the same Elexir na minsan nang nangarap na magpagaling ng mga may sakit.
"Anong favor ho?"
"Be my personal maid," mariin niyang usal.
Naguluhan ako bigla. Tama ba ang narinig ko?
"Ano ho? Personal maid?" pag-ulit ko, naniniguro at nagtataka dahil sa kanyang sinabi.
Wala namang problema sa akin at wala rin naman akong magagawa kung iyan ang gusto niyang ipagawa sa akin. He's the boss, I'm just a maid.
Gusto ko lang malaman kung ano ang ibig sabihin niya ng personal maid.
Ako ba maglalaba ng mga brief niya? Ako ba magpapakain sa kanya? Taga-ligo niya, gano'n? O kaya ay papaypayan ko siya habang nagtatrabaho? O baka naman ibang 'personal' na ang tinutukoy niya?
Ano ba? Linawin kasi! Charot!
"I'll be staying in the hospital for a week, we need to focus on our new reseach that's why I won't be going home by that time," seryoso at malamig na aniya. Nakatitig lang ako sa kanya, siya naman ay nakaupo habang nakasandal ang ulo sa sofa at nakapikit ang mga mata.
Sa sobrang tagal niyang magsalita ay hindi ko na napigilang magtanong. "Tapos?"
"I want you to bring me homecooked meals everyday." At bumaling siya sa 'kin dahilan para mapamaang ako.
Homecooked? Meals?
"Hahatiran mo ako ng breakfast, lunch, at dinner for one week. I'm sick of hospital foods, I prefer it homecooked," sabi niya. "And I would prefer it better if you will cook my food."
Nanlaki ang mata ko. Hindi ko pa nga naiintindihan masyado iyong sinasabi niya tapos gusto niya ako pa magluluto? Anak ng— taga-hatid lang, uy! Hindi ako marunong magluto!
"Ay, hindi ako marunong magluto, Sir. Si lola Olivia o kaya sina Celeste na lang ho ang magluluto ng pagkain niyo," pagtanggi ko rito. "Baka imbes na maging doktor ay bigla ka na lang maging pasyente," pabulong na usal ko.
Pero panandalian akong natigilan nang makita ko siyang nakangiti habang nakatingin sa akin.
"Are you that bad at cooking, huh?" Natatawang aniya.
Damn. May mas ipopogi pa pala itong si Elexir?
Ilang minuto yata akong natulala dahil ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang tumatawa. Iba sa pakiramdam, para bang biglang naanag ang paligid. May kung anong init akong nadama sa puso ko habang nakatitig sa kanya.
Naniningkit ang mga mata niya at lumalabas ang dimple sa kaliwang pisngi kapag nakangiti siya. Kahit na may suot siyang salamin, kitang-kita ko pa rin ang liwanag sa mga matang iyon. Parang nawala bigla iyong nakakatakot na aura sa kanya.
Magsasalita pa sana ako kaso biglang dumating si Cynthia. "Sir Elexir, may bisita ho kayo," sambit nito dahilan para mabilis na mawala ang mga ngiti ni Elexir.
"Who?" Malamig nitong tanong.
"Si Ms. Emerald po."