5: Woman in Red

1557 Words
CAROLINE “Celeste, doon ka sa condiments at meat section. Ikaw naman Caroline, doon ka sa mga sabon at mga tissue,” sambit ni Cynthia habang tinuturo kung saan iyon. Agad ko naman sinipat kung saan iyon. Napagdesisyunan namin na maghiwa-hiwalay muna para mabilis kaming matapos sa pag-grocery. Sa laki ba naman ng supermarket na ito at sa likot at daldal ba naman ng mga kasama ko, baka abutin nga talaga kami ng ilang araw. Hindi na ako magugulat kung abutin kami ng gabi sa labas. Hinatid kami ni Bong kanina at halos paulit-ulit siya sa pagtatanong na baka raw may katagpo kaming mga nobyo. Tinawanan ko na lang 'yon. Itong mga kasama ko ay pwede pa, pero ako? Nah-uh. "Oh, sige na, shoo! Alis na, bilisan niyo, ah! Para naman makapaglibot pa tayo sa mall," excited na ani ni Cynthia. Napaikot na lang ang bilog ng mata ko. Sabi ko na nga ba't may ibang plano ang babaeng 'to. Bakit nga ba ako sumama sa kanila? Nagpabalik-balik ang tingin ko sa mga nakahilerang sabon sa harap ko at sa papel na hawak ko. Sinisiguro ko muna na tama ang nilalagay ko sa basket para hindi magkaproblema pagdating sa mansyon. Mga gamit sa pagligo, paglaba, paglinis, at paghugas ng pinggan ang nasa listahan. Mabilis sana akong matatapos kung maayos lang itong sulat ni Cynthia, ang hirap kasing intindihin! Daig pa ang kinahig ng manok sa sobrang gulo! Kung saan-saang direksyon napupunta ang sulat nito. "Detergent powder– check. Fabric conditioner– check. Dishwashing liquid– okay na. Shampoo– check. Conditioner– okay na. Ano pa ba?" Nakuha ko na 'yong iba pero may isa roon na hindi ko alam kung ano. Muli kong sinipat ang estante ngunit wala akong ideya kung ano ito o ang hitsura nito. "Kojie-san? Ano 'to, sabon?" Nalilitong tanong ko sa sarili, ngayon ko lang narinig ang isang 'to. Maglalakad pa sana ako pabalik sa dulo ng pasilyo para maghanap ulit nang may marinig akong malamig na tinig. Panandaliang nanlabo ang paningin ko. "Here." Napalingon ako sa likuran ko. May inabot siya sa aking kulay puti na maliit na kahon at nang tingnan ko 'yon ay may nakasulat na 'kojie-san'. "Salamat ho," nakangiting tugon ko at kinuha iyon sa kanya. Binalik ko rin agad ang tingin sa babaeng kaharap ko dahil masyadong agaw-pansin ang kanyang itsura. She's wearing a red buttoned dress paired with red stilettos and a red wide brim hat that covers half of her face. May feathers na nakadisenyo sa gilid ng hat at may suot din siyang kulay puti na gloves sa kamay. That style and that aura, para siyang nakalabas sa isang vintage painting. Classy and elegant. "Always welcome, dear," aniya nang may ngiti sa labi at saka naglakad palayo. Nanatili akong nakatayo at nakatingin sa likod niyang unti-unting lumalayo sa 'kin. Gusto kong makita ang kanyang mukha pero mukhang sinadya niya itong hindi ipakita dahil bahagyang nakayuko ang kanyang ulo. Bakit? Nahihiya ba siya dahil mukha siyang naliligaw na painting? Mukhang imposible namang mapadpad siya sa supermarket nang gano'n ang damit. O baka naman gano'n lang talaga ang mga gusto niyang style? Mga richkid, ganern? "Caroline! Tapos ka na ba?" Nawala lamang sa isip ko ang tungkol doon nang tapikin ako ni Celeste sa balikat, kasama na niya si Cynthia na may tinutulak na push cart. Mukhang tapos na sila at ako na lang ang hinihintay. Siniguro muna naming tatlo na kumpleto ang lahat bago magtungo sa cashier. Mahaba-haba 'yong pila sa cashier kaya nagkaroon na naman ng oras para magdaldalan 'yong dalawang kasama ko. Pinipilit ko namang sumabay sa kanilang usapan pero masyado akong tinatamad magsalita. Pakiramdam ko ay naubos na 'yong baon kong energy ngayon. "Hoy, saan ka pupunta?" Hinila ako ni Cynthia sa kamay na nakapagpatigil sa akin. Hindi ko namalayan na naglalakad na pala ako palayo sa kanila. Bumalik 'yong tingin ko sa labasan ng supermarket. Iyong babae. Nakita ko na naman 'yong babaeng nakasuot ng kulay pula at alam kong nakatingin din siya sa 'kin. May kung anong umuudyok sa akin na sundan siya. Sino ba talaga 'yon? "Tara na maglibot-libot!" Parang batang sigaw ng dalawa. May bitbit kaming tigta-tatlong eco bag habang naglalakad palabas ng supermarket. Una naming pinuntahan ay isang store na punong-puno ng iba't ibang uri ng pampaganda. Make-up, lipsticks, facial cream, face masks, lotion, at kung ano-ano pa. Inilibot ko ang paningin ko dahil namamangha ako sa nagkalat na salamin sa bawat sulok ng lugar. Sa bawat lingon ko ay nakikita ko ang sarili kong repleksyon, nakakatuwa. Ramdam ko rin 'yong tuwa at kilig ng dalawa kong kasama dahil halos takbuhin nila 'yong mga estante ng make-up. Habang ako, wala, heto at maghihintay na lang dito sa upuan. Hindi ako naglalagay niyan sa mukha. At isa pa, wala akong ibang rason para magpaganda. Kung meron man ay sarili ko lang 'yon. Magpapaganda ako dahil gusto ko. Magpapaganda ako para sa sarili ko. Hindi rin naman ako lumalabas, eh. Buong araw lang akong nakakulong sa mansyon para magtrabaho, at kami-kami lang naman ang magkikita-kita. Nothing's wrong with treating and making yourself pretty, as long as it makes you feel good then go for it. Do it for yourself. Same as, not putting any effort in making yourself look better doesn't make you less of a person, less of a woman. Nakadepende 'yan sa tao kung anong gusto nila para sa sarili. Hindi mo kailangang sabihan ang isang tao na 'magpaganda ka' o 'mag-ayos ka', that's the last thing they wanted to hear. Kasi sa una pa lang, alam na nila ang dapat nilang gawin. "Huy, babae! Wala ka bang bibilhin dito?" tanong ni Celeste nang madaanan niya ako. Nakaupo ako sa isang couch malapit sa cashier, naghihintay na matapos sila. Iling lang ang sinagot ko at iniwan niya na ako para pumunta naman doon sa mga lipstick. Tinanong din ako ni Cynthia, iling lang din ang sagot ko. "Finally! Makakapag-skin care na ulit ako!" Tuwang-tuwang sambit nung dalawa pagkalabas namin. Natawa na lang ako dahil para silang mga bata na binilhan ng gusto nilang laruan. "Tara, doon naman tayo sa department store." Muli ay hinila na naman nila ako. Namili na rin ako ng mga damit ko— pantalon, shorts, t-shirts, at sando. Iyong mga pwede kong gamiting pantulog at panglabas na damit. Kanya-kanya kaming dala ng mga napiling damit sa cashier habang nag-uusap. Matapos ang lahat ay kinuha na namin 'yong mga pinamili sa baggage counter at tinawagan na si Bong para magpasundo. Nakakapagod. Nakatulog ako sa sasakyan sa daan pauwi, ginising na lang ako ni Celeste nang makarating kami sa mansyon. Si Bong na ang nagdala ng groceries papasok at tanging 'yong paper bags na lang na may mga lamang damit ang bitbit ko ngayon. Ngunit nasa pasilyo pa lang kami papuntang living room ay naririnig ko na ang boses ng pamilya Montenegro... lalo na ang isang tinig na ngayon ay sobrang pamilyar sa pandinig ko. "Oh, the ladies are back! Did you have your lunch already?" Nakangiting bungad sa amin ni Madam Alesandra, naroon din ang asawa at mga anak niya na mukhang natigil ang pag-uusap dahil sa pagdating namin. Napasulyap ako saglit kay Elexir na nakatingin sa akin ngayon. Bakit ganyan siya makatingin? Kung makatingin naman 'to para bang may ginawa akong kasalanan sa kanya. Problema ba nito? "Kumain na ho kami, Madam Alesandra." Si Cynthia na ang naglakas loob na sumagot dahil parang panandaliang dumaan ang hiya sa sistema namin. Ramdam ko pa rin ang masamang titig ni Elexir dahilan para mapahigpit ang hawak ko sa mga paper bag. Nang hindi ako makatiis ay sinalo ko ang titig niyang iyon. Habang tumatagal, bumabalik na naman iyong pakiramdam na para bang may mga nagliliparan sa loob ng aking tiyan. Bumibilis ang pintig ng puso ko at tila ba nalulunod ako sa mga matang iyon. "Wow, Caroline! I think this is the first time that I saw you in different clothes, aside from the uniform you usually wear." Napalingon ako kay Madam Alesandra dahil sa mga sinabi niya. Binalot ako ng hiya dahil sa atensyong nakapukol sa akin ngayon. "And you look very beautiful, hija," dugtong nito na lalong nakadagdag sa kahihiyan ko. "T-Thank you po, Ma'm Alesandra," nahihiyang tugon ko habang nakayuko. "You're making her shy, mom," biro ni Xion na ikinatawa naman ng lahat, maliban kay Elexir na seryoso pa rin ang mukha. Nakakunot ang kilay niya at mukhang galit sa mundo ang mood niya ngayon. Maaaring pagod o stress ang dahilan kaya ganyan ang itsura niya ngayon. Sukat ba naman mag-doktor, eh 'di naloka ka ngayon? Matapos ang maikling biruan at usapan ay pumunta na ako sa kuwarto para magpalit ulit ng uniporme. It's almost 2 in the afternoon, mahaba pa ang oras para magtrabaho. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Hanging out with them today is probably the first time I had fun with humans. Not bad. Nang nakapagpalit na ako ng damit pangkatulong at maayos na ang itsura, sinuklay ko na lang ang buhok ko gamit ang mga daliri bago maglakad palabas. Laking gulat ko nang bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Elexir pagbukas ko ng pinto. Nakasandal ito sa pader habang nakahalukipkip ang mga braso. Umayos siya ng tayo nang makita ako at saka muling tumitig sa 'kin. Ano na naman ba 'to? "Caroline, can we talk?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD