CAROLINE’S POV “D*mn. Why are you doing this to me, Caroline?” “Senyorita. . .Senyorita Caroline!” Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Peetah. Sapo-sapo ko ang aking dibdib dahil sa lakas ng kabog no’n na kulang na lang ay malagutan ako ng hininga. Naguguluhang nilingon ko si Peetah na agad na lumipad papalapit sa akin at dumantay sa aking binti. “A-Ano—” “Binabangungot kayo, Senyorita. Ano ho ang napanaginipan niyo?” nag-aalalang tanong nito sa akin. Bangungot? Nanumbalik sa aking isip ang nakita ko. Si Elexir na naiinip na sa paghihintay sa isang babae. . .at ako ang babaeng iyon? Bakit? “W-Wala, hindi ko maintindihan, Peetah. Bakit gano’n ? Bakit nakita ko si Elexir?” Saglit na dumaan ang katahimikan. Biglang bumukas ang bintana ng aking

