CAROLINE’S POV Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na maramdaman ngayong nakikita ko ang dati kong amo na may kasamang iba. Matuwa dahil nakalimutan niya na ako ’gaya ng gusto ko? O masaktan dahil mukhang masaya sila sa isa’t isa? Ganito ba ang pakiramdam ng naiinggit? Nagseselos? Hindi ko alam. Nakalimutan ko na yata dahil ilang daang taon na ang lumipas no'ng huli kong naramdaman ang ganito. Maaaring pati ang pagmamahal o ibang damdamin ay nasama sa pagkabura ng aking alaala. “Senyorita, kailangan na nating umalis.” Hindi ko magawang alisin man lang ang paningin sa dalawang taong masayang kumakain ng hapunan sa isang mamahaling kainan. Masaya sila, ramdam ko. Naroon ang magandang ngiti at aliwalas ng mukha. Ano nga ba ang karapatan ko para maramdaman ang ganito? Kasalanan ko kung b

